t w e l v e: C4H8O3

181 25 1
                                    


"Para ka ng si Samson." Pagkalabas ko ng barberya ay 'yan kaagad ang komento ng kasama kong ako lang ang nakakakita.

"Si manong barbero 'yong Delilah ko?"

Hindi ako nagpapatawa pero natawa siya. "Sabi ko magpagupit ka, pero ba't ka nagpakalbo?" Paalala niya.

"Para matagal na ulit ako magpagupit."

"Kuya?"

Napatingin ako sa tumawag at 'yong ka-eskwela kong animo'y malapit kong barkada kung i-approach ako.

"Kuya Uriel?" Pag-uulit pa nito na para bang di makapaniwala kung sino ang nakita. Nagpakalbo lang naman ako, hindi nagpa-plastic surgery.

Dediretso na dapat ako sa paglalakad at wag na lang itong pansinin pero dahil sa bulong ng magaling na nakabuntot sa'kin ay napilitan na naman akong makipag-usap sa tao.

Tinanguan ko ito. "Bakit ba?"

"Di ko kayo nakilala. Anyway, manonood kayo ng concert mamaya?"

"Hindi."

"Pero sa TJT punta naman sana kayo. Wag ng killjoy kuya."

Napakunot noo ako hindi dahil sa pagtawag nito ng kuya kun'di dahil sa sinabi nitong hindi ko alam pero agad na ipinaalala ng multong nakabuntot sa'kin ang tungkol sa night-out ng mga ka-eskwela ko mamayang gabi pagkatapos ng concert. Pero may isa akong hindi pa rin maunawaan.

"Anong TJT?"

"The Joshua Tree. Yung bar nila Matt."

"Ah." Tumango na lang ako upang di mapaghalataang tanga sa lugar na madilim, maingay, mausok at kahit na wala akong idea kung sino ang taong binanggit niya. Kaeskwela rin siguro namin. Ewan.

"Ilang araw na kayong di pumapasok." Puna ng nakasalubong na kasabay ko na ngayon sa paglalakad, ngayon ko lang namalayan.

"Ah, marami kasi akong ginagawa."

"Nakahilata ka lang naman maghapon." Ungot sa'kin ng multong nasa gilid ko at nakasunod din sa'kin.

"Kung hindi kayo pwede mamaya, pwedeng sa ibang araw na lang na tayong dalawa lang."

Di ako makapaniwalang napatingin rito kasabay ng paghagalpak ng tawa ng aparisyon sa tabi ko.

"Man, he's into you." Dinig kong sabi ng boses na natatawa pa rin.

"Baka lang kasi napipilitan lang talaga kayo para pagbigyan kami." Mabuti at marunong naman palang makiramdam 'tong pamintang 'to?

"Di naman. Pupunta talaga ako." Sabi ko na lang kesa kami pa ang mag-one on one sa sinasabi niyang next time na baka mauwi lang sa fencing.

~~~~~~


"Here."

"Sigurado ka?"

"I also know the owner of this bar."

Ayoko nga talaga sanang lumabas lalo pag sinabing night-out o party kaso napilitan na lang din dahil sa multong magaling mang-persuade at inaalala ko rin 'yong ka-eskwelang maton na parang may ibang pakay sa'kin. Baka pag di ko mapagbigyan ngayon, hindi na talaga ako titigilan.

Hindi naman gaanong madilim sa loob, namumukhaan ko pa rin ang mga pontio pilatong narito, hindi rin gaanong maingay ang tugtog, mas maingay pa nga ang bunganga nila. Pero mausok talaga, sana pala nagdala ako ng facemask.

"Oy! De los Angeles, dito!" Sigaw ng ka-eskwela sabay taas ng kamay para mas mapansin ko.

Kahit hindi naman na niya 'ko tawagin, nakita ko naman na kung saang pwesto sila.

Divine DramedyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon