f o u r: C20H21FN2O

297 27 0
                                    

Bangag na naman akong pumasok sa eskwelahan dahil buong gabing hindi nakatulog. Kung dati ay dahil sa pag-ooverthink ng kung ano-ano at pagbabalik tanaw sa nakaraan, ngayon ay dahil sa buong pangyayari kagabi...o kanina.

"Phineas and Ferb gonna do it all ..." Kanta ng isang estudyanteng kasalubong ko sa corridor na nakangiti pa sa'kin kahit 'di naman kami magkakilala.

Mukhang hindi lang naman ako ang nag-iisang may makalawang na turnilyo rito.

"Nice shirt!" Komento rin sa'kin ng kaklase ko pagpasok ko ng classroom.

Ngayon ko lang napagtanto ang suot. Kulay orange na tee shirt at sa gitna ay naka-print ang cartoon character na sina Phineas at Ferb. Hindi ito sa'kin. Nakita ko lang do'n sa closet at dahil unisex naman ay isinuot ko na lang bilang pamalit. Wala kasi akong dala sa paglipat kagabi maliban sa phone, wallet at nawawalang sarili. 'Yong makalawang na turnilyo para sa katinuan ko nga di ko mahanap, wala rito, wala sa bahay at kahit saan. Di ko alam kung sa'n ko na-misplaced.



Hindi na 'ko pumasok sa mga sunod ko pang klase. Nagpunta ako sa bahay ni Jessy. Alam kong 'di ako magiging abala sa kanya dahil unlimited si Jes sa free time. Matagal ng graduate sa college ngunit wala pang trabaho. Walang ibang ginagawa kun'di makipagbarilan, suntukan, balyahan, agawan ng bola o karera sa mga video games.

"Saang ukay-ukay mo nabili 'yan at parang hindi gusto ng may ari na isuot mo." Komento niya kahit di pa 'ko tinitingnan, abala siya sa paglalaro sa playstation.

Tamang si Jessy ang lapitan ko tungkol sa na-experienced kagabi. Hindi kagaya ng mga karaniwan ang taong 'to. May mga napapansin itong hindi napapansin ng iba kaya 'Freak' at 'Weirdo' ang kadalasang tawag sa kanya noon at kaya naman ako lang ang constant na kaibigan magpahanggang ngayon.

"Pa'no mo alam na hindi sa'kin 'to?"

"Na-feel ko lang."

"Jes, kagabi may nakita at nakausap akong multo."

"Multo ba talaga?" Di pa rin siya tumitingin sa'kin.

Mukhang nasa imagination ko lang din yata na may sixth sense 'tong ugok na 'to. Hindi ko alam kung ipinanganak na maluwag ang turnilyo sa ulo, kulang lang sa tulog o nasobrahan sa damo.

Napabuntong hininga na lang ako at umupo sa sofa na nasa likuran niya. "Kilala mo si Mikaela?"

"Mikaela Archeia?" Tanong niya pabalik. "Yung naging kaklase natin sa midschool. School mate ko din yun no'ng junior high e."

"Oo 'yon."

Mas kilala siguro niya 'yong babaeng 'yon kasi naging school mate niya rin no'ng junior high. Home-schooled na kasi ako noong highschool kaya mas lalong na-deprived ang social life. Kaya siguro napamahal ako ng sobra kay Alessa kasi sa kanya ko naranasan 'yong mga magagandang karanasan sa mundo. Hindi lang siya mahalagang parte ng buhay at mundo ko. Siya mismo ang buhay at mundo ko. Kaya noong mawala siya, nawala na rin lahat sa'kin. Sana ako na lang 'yong namatay since avid fan ako ng kamatayan.

"Ano alam mo sa kanya?" Pagbubukas ko ulit ng usapan.

"Galing ng Norway?" Di siguradong sagot ni Jessy. "Umuwi sila ng pamilya niya rito no'ng nine siya. 'Yon lang. Di naman kami close."

Hindi na nakapagtataka 'yong huling sinabi ni Jessy. Panigurado namang nasa grupo ng mga popular 'yong babaeng 'yon dahil no'ng una pa lang ay center of attention na siya. Siya 'yong tipong kinaiinggitan kasi kahit mukhang di naman nagseseryoso sa pag-aaral ay outstanding pa rin sa klase at madalas pang mapansin dahil sa karisma at ganda niyang nalahian lang naman. At itong kausap ko naman ngayon ay malamang nasa grupo ng mga misfits kasama ang mga outcast at wallflowers na walang ibang choice kun'di ang pakisamahan siya.

"Meron siyang half-sister na she-wolf, iba 'yong tatay no'n." Di ko inaasahang may idadagdag pa si Jessy sa mga sinasabi, di ko nga lang alam kung seryoso o hindi dahil sa pagkakabanggit niya ng 'she-wolf'. Ano ba yung tatay ng kapatid ni Mikaela? Lobo? "Nasa ibang bansa na ulit 'yong pamilya niya. But they are broke daw. Yong kapatid sa ina lang yata ang kasama dito kasi dito sila nag-aaral. Mahal kasi ang college sa ibang bansa."

"Pa'no mo alam?"

"Bakit sa tuwing may sinasabi ako, 'yan ang tanong mo?" Napapilig siya ng ulo nang di pa rin tumitigil sa paglalaro. "Tsk. Parang private revelation. Pagdududahan pa ng tao."

~~~~~~



Para akong magnanakaw sa sarili naming bahay. Kanina ay nag-akyat bakod at sa binta ng kwarto ko ako pumasok, ngayon nama'y tahimik at maingat sa pagkuha ng mga gamit para lang hindi makagawa ng ingay at di pagdudahang may tao rito.

Hindi pa puno itong duffle bag na pinaglalagyan ko ngayon pero okay na 'to. Tingin ko nailagay ko naman na lahat ng kailangan ko; Laptop, digital drawing pad, stylus pen, sleeping pills, anti-depressant, mood stabilizer, pang-apatang araw na damit pamalit na magiging pang-isang linggo dahil madalang naman akong magpalit. 'Yong suot ko ngang pantalon kanina sa klase ay suot ko pa kahapon at suot ko pa rin hanggang ngayon.

Isinukbit ko na sa magkabilang balikat ang strap ng bag saka tahimik na lumabas sa bintana at nagpadausdos sa downpipe ng rain gutter.

Maayos na sana ang lahat nang bigla akong makarinig ng papahintong sasakyan sa tapat ng gate.

"Shete." Mariin akong napamura.

Nakaka-badtrip. Feeling ko tinraydor ako ng sarili kong pag-iingat.

Sobrang ingat ko sa pagpasok pero wala palang tao sa bahay habang todo effort akong wag makagawa ng ingay sa pag-iimpake.

Ngayong paalis na 'ko, saka may darating?

Nagulat din ako sa pagtahol sa'kin ng mga aso naming sina Ser, Beir at Ross.

"Shhh." Sumenyas ako sa kanilang tumahimik pero todo pa rin sa pagtahol. Mga bobong aso, di kilala ang amo.

Nakita kong bumaba ng sasakyan si ermat. Bigla akong naalarma at nataranta. Ginawa ko na lang ang unang ideyang naisip at 'yon ay ang pagtakbo papunta sa kabilang side at hindi sinasadyang sirain ang wooden fences ng kapit-bahay para dito lumusot.

"Uriel?" Takang tanong ng Italyano naming kapitbahay nang makita akong kumakalas sa mga halaman nilang nakatanim sa tapat ng mga bakod.

"Sir, I think you have to trim the bush." Humahangos kong sabi matapos tumayo na parang walang nangyari. "Ciao." Ngiti ko sa nakakunot-noong kapitbahay at muli akong kumaripas ng takbo patungo sa kanilang gate.

"Kailangan na talaga ni Mrs. De los Angeles na ipasok 'yong anak niya sa mental." Dinig kong sabi ng Filipinang napangasawa nito bago ako tuluyang makalabas.

Salamat sa pabaon. May bago na namang iisipin 'on-repeat' ang rebelde kong utak.

Divine DramedyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon