t h a t

225 28 1
                                    

Unti-unting dumilat ang mga mata ng pasyenteng matagal ng nakaratay sa ICU. Bumungad sa malabo niyang paningin ang inang bagama't luhaan ay natutuwa dahil sa wakas ay nagkamalay na rin ang anak.

Nasaktuhan pang nagising siya sa oras ng pag-check-up sa kanya ng doktor at pagdalaw din ng kanyang ina.

"Anak. Salamat naman at may malay ka na. Naku, salamat sa Diyos ..." Walang tigil na sambit ng kanyang ina habang hawak nito ang kanyang kamay na natatanging walang nakakabit na anumang pang-medikal.

"Michael? Naririnig mo ba kami?" Tanong ng doktor matapos ilawan ang mata ng pasyente. "Igalaw mo ng dalawang beses 'yong daliri mo kung naririnig mo kami." Bumaling ang doktor sa ina ng binata at sinenyasang bitawan saglit ang kamay ng anak na siya namang ginawa ng ginang at kasabay ang mga naroon na nag-abang ng kanyang galaw.

Hirap man sa simpleng pakiusap ay nagawa niyang itaas ng dalawang beses ang hintuturo.

Napangiti ang doktor dahil sa pagbuti ng kalagayan ng pasyente. Muli itong bumaling sa ginang. "After thirteen days. Mrs. De los Reyes, your son is now conscious and responsive. Sign na po yan ng unti-unting recovery niya from brain injury. Ipagdasal na lang natin na sana gumaling na talaga siya."

Divine DramedyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon