s i x: C17H26N2O

257 27 2
                                    

"You're holding the future but the future you are holding seems very small."

Napapitlag ako at lumihis ang direksyon ng ihi ko sa flooring ng CR.

"Ba't ka nandito?" Aligaga kong tanong habang nagsasara ng zipper. Pati boses ko ay parang naipit dahil sa pagkabigla.

Umikot ako para hanapin siya at natagpuan ko siya sa tapat ng isang urinal na medyo malayo sa'kin.

"I followed you." Napatingin siya sa may zipper ng pantalon ko. "Don't worry, I didn't see anything. Binibiro lang kita kanina pero baka nga talagang maliit kaya wala akong nakita."

"Hanggang dito ba naman?" Di makapaniwalang tanong ko, nasa eskwelahan kasi ako ngayon. "Para kang kabute. Bigla-biglang sumusulpot at nawawala."

"Hindi ko rin alam pero pag nawawala ako feeling ko nagigising ako."

Kumunot ang noo ko. Nakapagtataka talaga dahil parang interesado ako sa sagot. Dati naman wala akong pakialam sa lahat e. Epekto lang kaya 'to ng mood stabilizer na ininom ko kanina? Pero bakit parang walang epekto sa pag-iisip ko? Bakit nakikita at naririnig ko pa rin 'tong babaeng 'to? Nasa isip ko nga lang ba talaga siya o isa talaga siyang kaluluwang ayaw akong lubayan? Pero bakit siya lang ang multong nakikita at nakakausap ko? Nasaan ang multo ng tatay ko at ni Alessa? Pati 'yong anak namin gusto kong makita. Nagkakaedad at nagbabago din kaya ang itsura nila habang tumatanda? Nasa pisikal din ba silang anyo kagaya nitong nakikita ko ngayon? Ano ba ang kaluluwa? Ang pumapasok kasi sa isip ko noon tuwing naririnig 'yon ay isang lumulutang na usok na parang gano'n kay Casper.

"Parang nagkakaroon ulit ako ng living body kasi parang I feel exhausted and paralyzed at the same time." Paliwanag niya kahit hindi ako nagtatanong. "Yung gusto kong bumangon or open my eyes but I can't."

Di ko na binigyang pansin pa ang narinig at lumabas na ng CR, kinukumbinsi ang sariling hallucination ko lang talaga siya at kailangang wag ko na siyang isipin. Dahil kung magpapatuloy ako sa pakikipag-usap sa nilalang na ako lang naman ang nakakakita at nakakarinig ay para ko na ring kinokonsente ang sarili sa kabaliwan. Baka ang BPD ko ay mapunta na sa schizophrenia. Ayaw ko ng mag-upgrade pa ng mental illness. Tama na 'yong ad-ons kong depression.

~~~~~



"Letter A yung sagot. Multiple choice na nga nahihirapan ka pa."

Naririnig ko na naman ang boses na 'yon habang nag-eexam ngayon. Partida. Di kasi ako nag-review kaya siguro ganito. Manifestation lang siguro siya ng gut feeling ko sa panghuhula ng sagot. Pero bakit parang nasa tabi ko lang siya? Parang nakikita ko siya from my peripheral vision.

"The answer for that is Troubadour. Man! This test is easy peasy. Ano bang subject 'to? Teka, ano nga palang course mo?"

Gustong-gusto ko siyang sigawan o sabihang manahimik at tantanan na niya 'ko pero baka paglabas ko rito nakabalot na 'ko ng straightjacket.

Sa sobrang pag-ooverthink ko lang siguro kaya ako nagkakaganito. Kailangan kong mag-focus.

"Bachelor of Liberal Arts and Sciences."

Nawala ulit ako sa focus nang makarinig ng parang nagbabasang boses. Hindi ko na napigilan pa ang sarili at lumingon sa pinanggagalingan ng naririnig ko. Halos maduling ako sa lapit ng mukha niya sa'kin. Kung totoong tao lang siguro siya, mararamdaman ko ang paghinga niya. Nakayuko siya at nakalebel ang ulo sa'kin at nakikibasa sa papel ko.

"Woah, yan ang course mo? Meron palang ganyan dito sa Pinas? Ano magiging profession mo pag natapos mo 'to?" Pang-uusisa niya.

Umakto akong parang walang nakikita o naririnig. Hindi ko siya binigyang pansin at ibinalik na lang ang atensyon sa test paper.

Divine DramedyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon