t h r e e: C17H12Cl2N4

294 31 0
                                    


"You know me?"


Maging ako ay nasorpresa dahil sa na-realized. "C-classmates tayo no'ng elementary." Di siguradong sagot ko, di ko na nga maalala kung anong grade at kung ilang taon kaming naging magkaklase kasi ang natatandaan ko lang transferee siya noon.


"Ano pang alam mo sa'kin? Tell me more."


Napailing ako kasabay ng paglunok sa sariling laway. Wala akong masyadong masabi hindi dahil nilalamon ng social anxiety kun'di dahil wala naman talaga akong alam sa kanya. Bukod sa pangalan at ilang mga usapin ng mga kaklase tungkol sa kanya ay 'yon lang ang alam ko at 'yong una lang ang natatanging sigurado.


Di rin ako makapaniwala sa napagtanto kong katangahan; Kung sakali mang may social anxiety ako, mag-o-occur ba 'yon maski apparition ang kaharap ko? Hindi nga ako sigurado kung multo talaga siya o hallucination ko lang dahil baka tuluyan ng nahulog 'yong makalawang at maluwag na turnilyo sa makina ng katinuan ko.


"Wala ka bang maalala?" Tanong ko na lang.


Natuluyan na talaga ako. Kinakausap ko kahit hindi ako sigurado kung totoo siya o ano.


"Wala." Sagot niya. "Wala gaano. The only thing I can remember is this." Alam kong itong apartment ang tinutukoy niya. "Kailangan kong umuwi rito kasi nag-away kami ng...mom ko?" Di siguradong sabi niya.


"Pero sabi ng landlord, tatlong buwan ka na raw di umuuwi rito. Ibig sabihin tatlong buwan ka ng patay?" Mas lalo akong nabahala.


"Duh. Hindi lang ako umuuwi dito kasi nasa dorm ako."


"Eh bakit ka nagrenta ng apartment dito?"


"Hindi ko alam kasi wala nga akong maalala."


Napatingin ako sa paligid. "May mga gamit ka din dito. Sa'n ka ba talaga nakatira?"


"Dito nga."


"Naalala mo ba kung saang dorm 'yang sinasabi mo?"


Sandali siyang napaisip at muling napatingin sa'kin. "Hindi. Pero parang may naalala akong kasamang nakatira do'n."


"Baka naka-one night stand mo lang 'yon at do'n sa dorm niya kayo nag-anuhan." Hinampas niya 'ko sa balikat pero wa-epek dahil tumatagos lang naman ang kamay niya.


"Help me please."


"Paano?"


"Hindi ko alam." Naglakad-lakad siya para siyasatin ang mga narito at bawat makita niya ay binabanggit ang pangalan o title ng mga nasa libro. "Stethoscope... Anatomy... Pathology..." Bigla siyang natigilan. "Medicine! Med student ako!" Humarap siya sa'kin. "Med student ako?" Pag-uulit niya as if di ko narinig 'yong una.


"Ngayon?"


"Puntahan mo lahat ng med school or hospi dito tapos hanapin mo 'ko. I mean, investigate. Alamin mo kung anong nangyari sa'kin at bakit..." Napatingin siya sa sarili. "Bakit ako naging ganito?"


Sa nakikita ko ngayon, hindi naman talaga siya parang multo kasi di naman siya nakadamit at naka-makeup pang-patay. Hindi siya mukhang nakakatakot. Mukha nga siyang tutugtog lang sa banda o kasali sa drag racing. Naka-combat shoes, skinny jeans, plain black shirt sa loob at napapatungan ng denim jacket na bawat manggas ay nakalilis hanggang siko niya.


Kumunot ang noo ko sa naalala. "Ikaw 'yong babaeng lasing kanina."


"Kanina? Mga anong oras?"


"Malay ko."


"You know what? Crystal addicts are more alert than you. Muk'a kang maraming alam pero mu'ka lang talaga." Nasabi niya sigurong mukha akong maraming alam dahil naka-antipara ako. "You actually look like you don't know what's goin' on. Yung tipong may nasusunog na pero di ka pa rin aware."


Tinalikuran ko na nga lang at dumiretso ako sa kwarto.


Nasa isip ko lang siguro siya at di talaga siya totoo. Pero bakit siya pa? Lagi namang nasa isip ko si Alessa. Bakit hindi na lang multo ng pinakamahalagang babae sa buhay ko ang kasama ko ngayon at nakakausap?


Iisa lang ang ibig sabihin nito. Malala na talaga ako.


"You can't sleep in my bed."


Halos mapapitlag ako nang muling marinig ang boses sa...delusion ko?


Ano ba talaga kasing nangyayari sa'kin? Ba't may kasama akong naka-street style at intrimitidang espiritu ngayon?


"Pwede ba? Lubayan mo na 'ko. Please." Sa puntong 'to parang sarili ko lang din ang pinakiusapan dahil sa pagharap ko ay wala naman akong nakita.


May kausap ba talaga ako o hallucinations ko lang lahat? Ano ba talaga?


Apparitional experience?


Lucid dreams?


Nasa'n ba kasi 'yong makalawang na turnilyo? Sana paggising ko nakakabit na.




Divine DramedyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon