"Seriously? Pwedi pa pala mag transfer?"
Nakataas ang isang kilay na tanong ko kay Zaid. Kasalukuyan kaming nasa loob ng kotse ni Tito. Magkatabi kami na nakaupo sa backseat samantalang nasa harapan naman namin ang mga magulang nito.
At di halatang excited ka!
Sasabihin ko sana sa kanya kasi ngayon pa nga lang siya papasok naka uniform na agad. Nakasanayan ko na kasi na kapag unang araw ng pasukan o di kaya ay mga transferee ay hindi nag u-uniform. Pero siguro nga ay good student din naman itong si Zaid, sadyang pasaway lang siguro ito sa mga magulang.
Ang gwapo nito tingnan sa suot na uniform. Halata kasing bago ang uniporme nito. Naka-gel din ang buhok nito na mas lalong nagpa-gwapo sa itsura nito. Ang linis nitong tingnan. May kalumaan na kasi ang uniform ko kaya di ko maiwasang mainggit.
"Ang gwapo ko, no?"
Nakangising tanong niya pero hindi siya sa akin nakatingin. Doon ko lang din napansin ang sarili ko na nakatitig pala sa kanya.
"Mas gwapo ako." Sagot ko. Totoo naman na gwapo rin ako. Maputi ako. Matangkad. At neat din akong manamit. Minsan nga mga babae pa yung nanliligaw sa akin pero dahil wala pa sa isip ko ang magkaroon ng girlfriend kaya yun nababasted ko. Sa tuwing gagawin ko yun nakokonsensiya ako. At hindi ko pa rin nararamdaman ang ma-inlove. May mga hinahangaan naman akong mga babae sa school pero hanggang paghanga lang talaga ang lahat.
"Ang layo ng ka-gwapuhan mo sa ka-gwapuhan ko." Sabi na naman nito. Di lang pala ito maarte, mayabang din pala.
Lamang ka lang ng isang kabong tubig sa akin.
"Talagang malayo dahil nga mas gwapo ako." Sagot ko. Napatingin naman siya sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Siguradong magiging mabuting magkaibigan kayo." Si Tito Clerk na kanina pa pala nakangiting nakatingin sa amin.
"Hindi mangyayari yun!"
Ang sabay naming sabi ni Zaid. Nagkatinginan pa kaming dalawa pagkatapos ay sabay ding nag-iwas ng tingin.
Pagkahatid sa amin ni Tito Clerk ay agad din itong umalis. Binilisan ko na rin ang paglalakad patungo sa classroom para hindi kami magkasabay ni Zaid. Nang makapasok na rin ito ay agad din itong nagpakilala.
"Hi! I'm Zaid Lester Salvador. You all can call me Lester if you want." Ang seryosong pagpapakilala nito sa sarili. Nakatayo siya sa aming harapan habang katabi naman niya si Ms. Sanchez, ang aming guro.
Kinilig naman yung mga babae naming classmate. Mabuti na lang wala kaming classmate na mga bakla dahil paniguradong magwawala ang mga ito. Dati sa akin sila kinikilig ngayon mukhang si Zaid naman ang pagtutuunan nila nang pansin.
"You may now take your seat Mr. Salvador, maghanap ka na lang nang bakanteng upuan. Lalabas lang muna ako sandali dahil may naiwan ako sa faculty. Class i-welcome niyo ang bago nyong classmate." Sabi naman ni Ms. Sanchez at lumabas na ito.
Tumingin naman sa paligid si Zaid, naghahanap nang bakanteng upuan. But sorry na lang siya dahil wala na siyang mauupuan. Lumapit siya sa akin ng wala siyang makitang bakante.
"Saan upuan mo?" Tanong nito. Napataas naman ang kilay ko sa tanong nito, parang sinong anak ng presidente kung umasta. Itinuro ko na lang ang aking upuan.
"Okay. " Sabi niya.
Huli na nang marealize ko kung bakit siya nagtanong kung nasa'n ang upuan ko, kasi nakita ko na lang itong nakaupo na at ngumisi sa akin. Kumulo na naman yung dugo ko. Lumapit ako sa kanya at tiningnan siya nang masama.
BINABASA MO ANG
Our Complicated Love Story (BoyxBoy) (Complete)
RomanceLaking mahirap si Rhett samantalang laking mayaman naman si Zaid. Sa hindi inaasahang pagkakataon, minahal nila ang isa't isa-kahit na bawal-kahit na mali-kahit magkatulad pa sila ng kasarian. Nang malaman ito ni Maggie-ina ni Zaid ay pilit niyang p...