"Malapit na ako."
Kakababa ko lang ng taxi nang ma send ko ang message na yun.
"Nandito na ako. Papasok na ako. Sa'n ka naka upo?" Text ko ulit.
Pumasok na ako sa isang bakeshop. Alam ko, kanina pa siya. Sa t'wing nagkikita kami lagi ko na lang siyang pinaghihintay.
Ibinulsa ko na ang cp na hawak ko nang makita ko siyang kumaway sa akin. Napangiti na lang ako nang makita ko si Silk. Dun siya nakapuwesto sa lagi naming inuupuan sa t'wing pumupunta kami dito.
Kahit naka-short at naka-blue shirt lang siya ay napakagwapo pa rin niyang tingnan. Nag iba rin ang pangangatawan nito. Tumangkad din ito. Ang gwapo ni Silk lalo na kapag ngumigiti. Kahit sino yata maiinlove sa kanya.
Ikaw Zaid? Kumusta ka na? Ano rin kaya ang itsura mo? Siguro mas lalo kang pumogi.
Napangiti na lang ako sa iniisip ko. Hanggang sa isip ko na lang ang mga tanong na yun.
"Hey! na star struck ka na naman sa akin."
Napukaw ang pag-iisip ko nang marinig ko ang biro ni Silk. Lumapit ako at umupo sa bakanteng upuan na kaharap niya.
"Kanina ka pa ba?" Tanong ko.
"Hindi ah. Kakadating ko lang. Mas nauna nga lang ako sa'yo ng 30 minutes." Sabi niya sa sarkastikong boses.
Napakamot naman ako sa ulo at ngumiti nang hilaw sa kanya.
"Sorry, traffic kasi eh. Nag taxi lang din ako."
"Ang gwapo mo ngayon." Pag-iiba niya nang usapan. Nakatitig pa siya sa akin.
Zaid.. Heto na naman si Silk. Nakatitig na naman siya. Nagpapahiwatig na naman siya.
"Alam ko." Sagot ko. Napatawa naman siya.
"Namiss kita. Isang buwan din tayong hindi nagkita Rhetta ko."
Rhetta ko? Kumusta ka na Ayumi?
Rhetta ko. Yan na ang tinatawag sa akin ni Silk. Sa loob ng apat na taon lagi siyang nandito sa tabi ko. Siya na ang bagong bestfriend ko. Ang bagong nagpapasaya sa t'wing nalulungkot ako. Yun bang papangitiin niya ang sarili niya mapatawa lang ako. Kahit corny mga joke niya, mapangiti lang ako.
"Rhetta ko, naaalala mo na naman ba si Ayumi?" Seryosong tanong nito.
Ngumiti ako at tumango. "Pero alam mo ba sinong nasa isip ko?" Nakangiting tanong ko.
Malungkot siyang tumango at sumagot. "Si Zaid.."
"Hindi. Ikaw ang nasa isip ko ngayon. Ang apat na taon ko nang manliligaw."
Nagliwanag ang mukha niya. Tumitig siya sa akin na parang nagtatanong.
"Wala pa akong balak na sagutin ka." Tumatawang sabi ko.
"Okay lang. Kaya ko naman maghintay eh." Nakangiting sabi niya.
Zaid... Napapanahon na siguro na muli kong buksan ang aking puso. Ang bago kong puso. Napapanahon na siguro na magmahal ako ng iba. Zaid.. Ikaw pa rin ang babe ko.. Ikaw lang ang nagmamay ari ng puso ko at kapiraso ng bago kong puso ay pag mamay-ari mo pa rin.
BINABASA MO ANG
Our Complicated Love Story (BoyxBoy) (Complete)
RomanceLaking mahirap si Rhett samantalang laking mayaman naman si Zaid. Sa hindi inaasahang pagkakataon, minahal nila ang isa't isa-kahit na bawal-kahit na mali-kahit magkatulad pa sila ng kasarian. Nang malaman ito ni Maggie-ina ni Zaid ay pilit niyang p...