Chapter 3 (08-10-15)

9.1K 384 13
                                    

"Hey! Rhetta ko."

Kakalabas ko lang ng classroom nang salubungin ako ni Ayumi. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Wag mo akong ngitian nang ganyan kung ayaw mong mainlove ako lalo sa 'yo." Ang nakangiting sabi rin nito. Napatawa naman ako nang mahina.

"Gwapo ko kasi." May pagmamayabang na sabi ko. Totoo naman.

"Oo na, ikaw na ang gwapo." Hinawakan niya ako sa braso "Tara na, mag merienda muna tayo bago umuwi."

"Okay, nagugutom din ako." Sabi ko. Hahakbang na sana ako ng may biglang humila sa bag ko na nasa aking likuran kaya napaatras ako pabalik.

"Ano ba?!" Inis na sabi ko. Napatigil kami sa paghakbang ni Ayumi at humarap sa taong humila sa bag ko.

Only to find out na yung maarte slash mayabang slash nakakabwes*t slash demonyong si Zaid lang pala ang humila sa aking bag. Nakangiti pa ito sa akin na para bang magkaibigan kami. Ano na naman kayang ka-dramahan ang gagawin nito?

"Ano bang problema mo?" Tanong ko nang nakataas ang isang kilay.

"Ikaw." Diretsang sagot nito.

Ano naman ginawa ko sa lalaking 'to?

"Ako? Ano bang ginawa ko sa 'yo?"

"Heto... Itong pag iwan mo sa akin ang problema ko! Subukan mong umalis at isusumbong kita kay mama." Parang bata talaga!

"Nasisiraan ka na ba, ha? Uuwi na po ako at kung gusto mo na umuwi, umuwi kang mag-isa. Ayaw kong makasabay ka." Sabi ko. Ngayon pa nag iinarte eh ilang araw na siyang umuuwi na hindi ako kasama.

Dalawang linggo na rin ang nakakalipas mula nang nag transfer ito rito sa school. Kahit magkaklase kami hindi ako sumasabay sa kanya tuwing umaga, kahit pa si Tito Clerk gusto niyang pasabayin ako para raw makatipid ako sa pamasahe pero tumatanggi pa rin ako. Nagsisinungaling nga ako minsan na may gagawin pa ako para hindi lang makasabay sa kanila at kapag umalis na yung sasakyan dali-dali naman akong magpapalit ng damit. Minsan din maagang-maaga ako pumapasok. Ayaw ko lang talaga makasabay ang hambog na lalaking 'to.

Kahit hanggang dito sa skwelahan iniiwasan ko siya. Hindi ko siya pinapansin, hindi naman niya kailangan yung pansin ko. May mga na kaibigan naman siya, kasali na nga siya ngayon sa basketball team at kinukuha rin siya ng volleyball team dahil nakitaan ito nang pambihirang galing. Kahit dalawang linggo pa lang siya dito sa school sikat na siya. Marami na rin siyang mga suitors na babae at mga bakla. May club pa ngang ginawa para sa kanya. Pinag-aagawan din sya ng mga ibat-ibang club dito sa school dahil matalino at gwapo siya. Minsan nga ay tinanong niya ako kung anong club daw ako dahil yun din yung club na pipiliin niya, tinitigan ko lang siya at di na sinagot. Malay ko bang iinisin o bubwesitin niya lang ako. Doon pa naman siya mas magaling–ang asarin ako!

Matalino rin si Zaid, mas matalino pa nga ito kaysa sa akin eh. Nasa likuran niya ako kaya minsan nahuhuli ko siyang nagnanakaw tingin sa akin at kapag nahuhuli ko siya kikindatan naman niya ako at sisimangutan ko naman siya. Halos araw-araw kaming ganun. Hindi nag-uusap at kapag uwian dali-dali talaga akong lumalabas sa room para hindi kami magkasabay o magkausap man lang.

Daily routine ko na siguro ang gawin ang pag-iwas sa kanya at daily routine rin siguro niya ang magpapansin sa akin. Minsan nga inabangan niya talaga ako sa pag-uwi.

Meron ngang pagkakataon na papalapit na sana siya sa akin nang bigla naman dumating yung team niya sa basketball kaya hayon hindi kami nagka-usap na ipinagpasalamat ko naman. Simula noon naging busy siya sa mga sport na sinalihan niya kaya tadhana na mismo ang nagpapalayo sa amin.

Bakit ko nga ba siya iniiwasan?

"Nag text si mama, hindi raw ako masusundo ngayon ni manong at ang-sabi-ni-mama-sabay-daw-tayong-umuwi." Diniin pa nito ang ilang mga salita.

Our Complicated Love Story (BoyxBoy) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon