Chapter 14 (09-04-15)

6.1K 273 45
                                    

Pagkatapos ng aming graduation, kinabukasan ay kinausap ako ni Tita Maggie. Ito na mismo ang pumunta sa bahay. Wala si mama nasa loob ng mansiyon at wala rin si Roxanne.

Nagulat pa nga ako nang pagbukas ko ng pinto si Tita Maggie ang nakita ko. Hindi kasi pumupunta si Tita sa bahay. Ewan ko kung bakit pero parang may iniiwasan siya.

"Hindi mo man lang ba ako papapasukin?" Nakangiting sabi nito.

Napalunok naman ako. Hindi ako sanay na ngumingiti ito sa akin. Hindi ko maiwasang hindi kabahan lalo pa't pakiramdam ko may kakaiba kay Tita Maggie.

Pinapasok ko si Tita at umupo naman ito sa kawayang upuan namin.

Nakatayo lang ako sa harapan niya. Naghihintay ng mga sasabihin niya. Tumingin siya sa akin at nagpakawala ng isang mahabang hininga bago nagsalita.

"Bukas na kami pupunta sa Manila." Panimula nito. "Hindi alam ni Zaid na nandito ako. Hindi niya rin alam na alam ko na ang tungkol sa inyo at alam ko hindi mo rin sinabi sa kanya ang nangyari nung isang araw."

Wala pa rin akong imik. Ang lakas nang kaba ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin.

"Sa araw na 'to gusto ko maging masaya kayo. Sa araw lang na ito."

Napatingin ako sa mga mata ni Tita. Di ako makapaniwala sa narinig. May bahagi naman pala ng pagkatao nito na gustong maging masaya kami ni Zai pero bakit kailangan niyang pigilan. Bakit ngayon lang kami pweding maging masaya ni Zaid?

"Hindi ako kasing sama nang iniisip mo. Kung nagkataon lang na isa sa inyo ang babae baka pwedi pa." Huminga na naman ito bago ulit nagsalita. Parang may gusto siyang sabihin na hindi nya masabi "Hindi pa rin pala pweding maging kayo."

"Hindi ko po kayo maintindihan. Pero wag po kayong mag-alala pagkatapos ng araw na'to, hindi ko na po siya guguluhin."

Nakapagdesisyon na ako. Alam kong masakit at mahirap pero ito ang alam kong tama. Ang iwan at tapusin 'tong pagmamahalan namin ni Zaid.

"Maiintindihan mo rin ako balang araw." Nagpakawala na naman siya ng isang malalim na hininga "Aalis kami ni Tito Clerk mo ngayon. Bukas pa kami uuwi. Ibinibigay ko 'tong araw na 'to sa inyo ni Zaid." May kinuha siya sa bag at iniabot sa akin. "Tanggapin mo 'tong pera para sa pamamasyal niyo ngayon. Ibili mo siya nang gusto mo."

"Bakit niyo po 'to ginagawa? Diba ayaw niyo po sa akin? Ni ang maging kaibigan lang ng anak niyo ayaw niyo. Bakit ngayon ganyan kayo?"

Lakas loob na tanong ko. Naguguluhan na kasi ako. Parang may mali. Parang may hindi tama.

"Kunin mo na lang 'to." Inilagay ni Tita ang pera sa maliit na lamesa namin at tumayo na ito. Ngumiti pa ito sa akin bago umalis.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko kasi may mali. Pakiramdam ko may itinatago sa akin sina mama at Tita Maggie. Ewan! Pero nililito nito ang aking isip.

Pagkaalis ni Tita Maggie ay siyang pag dating naman ni Zaid. Nakangiti at mukhang masaya ito.

"Mukhang masaya yata ang babe ko ha, anong meron?" Nakangiting tanong ko. Nasa harapan pa rin kami ng pinto.

Imbes na sumagot ay niyakap niya ako nang mahigpit.

Shit! mamimiss ko ang yakap na 'to

"Bakit? Mukhang malungkot yata ang babe ko?" Tanong niya nang kumawala na ito sa pagkaka-yakap sa akin.

Ngumiti lang ako kay Zaid. Pilit kong pinasaya ang aking mukha.

"Masaya kaya ako kasi masaya ang babe ko." Sabi ko.

Our Complicated Love Story (BoyxBoy) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon