Chapter 16 (09-11-15)

4.1K 211 19
                                    

A/N:

May SPG po ang chapter na'to. Kaya kung ikaw ay 17yrs old pababa pls. wag mo na lang to basahin :)

Enjoy reading :)

---------------------------------------------------

Pagkapasok palang namin sa kwarto niya ay agad ko siyang sinunggaban nang halik sa mga labi. Isang halik na mapusok.

Oo, sa kwarto ni Zaid. Ako na mismo ang nagsabi na gusto ko matulog na katabi siya. Huling araw na namin to na magkasama. Huling gabi. Hindi ko na alam kung ano ang mga susunod pang mangyayari. Hindi ko alam kung pagkatapos ba ng gabing to magkikita pa kami ulit.

"Ooppss. Sandali lang babe." Nakangiting sabi ni Zaid habang inilalayo nito ang mukha. Pero magkayap pa rin kami.

"Sigurado ka na bang gagawin nati-ang alam mo na?" Nakangising tanong niya.

"Bakit? ayaw mo ba?" May pagtatampong tanong ko.

Humiwalay ako sa pagkakayakap at a-aktong bu-buksan ang pinto ng kwarto niya subalit mabilis niya kong niyakap patalikod.

"Gusto ko nga eh. Hindi ba halatang excited ako?" Sabi niya habang. "Sinisigurado ko lang. Syempre kahit mga lalaki tayo at kahit hindi ka mabubuntis nirerespeto pa rin kita. Mahal kita ayaw kong pilitin ka sa mga bagay na hindi ka pa handa."

Huminga ako nang malalim at humarap sa kanya.

"Pwedi bang mangako ka sa akin?" Ikinulong ko sa 'king mga kamay ang mukha niya.

"Kahit ano, basta wag mo lang sasabihin na iiwan kita o lalayuan dahil hindi ko talaga mapapangako sa 'yo 'yan." Nakangiting sabi niya.

"Pero babe gusto ko sa Manila ka mag-aral." Malungkot na sabi ko.

Mahirap man ang malayo sa kanya pero ito yung tamang gagawin namin. Hindi ko naman siya hihiwalayan. Gusto ko lang mag focus kami pareho sa pag-aaral namin.

Kumunot ang noo nito. Alam ko hindi niya nagustuhan ang narinig.

"Para mo na ring sinabi na iiwan kita. Hindi nga ako papayag na iwan mo tapos ako pa mang-iiwan sa 'yo. Gusto ko dito mag-aral ng college dahil nandito ka. Ayaw kong magkalayo tayo."

"Magkakalayo nga tayo pero hindi tayo maghihiwalay. Zaid, gusto ko mangako ka sa akin na hindi ka magagalit sa mama mo."

"May kinalaman ba dito si mama?" Nakataas kilay na tanong niya.

"Gusto ng mama mo na sa Manila ka mag-aral. Zaid, kapag pinilit mo na dito paghihiwalayin niya tayo. Posible ring hindi na ako makapag-aral ng college. Kaya babe, mas mabuting sa Manila ka na lang mag-aral. May cellphone naman tayo, magtetext at magtatawagan tayo. Kapag makakalugar ako pupuntahan kita hindi naman masyadong malayo ang Manila dito eh. Alam mo kung gaano kita kamahal. Mas kakayanin ko pang hindi ka makita araw-araw kesa tuluyan tayong maghiwalay."

Niyakap niya ako, pagkatapos ay hinalikan sa noo.

"Alam mong hindi ko kaya malayo sa 'yo babe. Pero tama ka, basta ang mahalaga hindi lang tayo hanggang cellphone. Gusto ko magkita tayo kapag may time tayo. Gusto ko mayakap ka, mahalikan at makasama. Mahal na mahal kita. Di ko kakayanin kapag tuluyan kang mawawala sa akin."

Ngumiti ako sa kanya. Alam ko mahirap ang magkalayo kami pero wala ng mas mahirap kapag tuluyan kami mawala sa isa't-isa. Kaya kahit mahirap 'tong desisyon namin, alam kong ito yung tama. Ito ang dapat. Mas mabuti nang ganito. Alam ko pagsubok lang 'to sa relasyon namin ni Zaid.

"Kung mabubuntis ka lang babe bubuntisin talaga kita para hindi ka ma ilayo sa akin ni mama."

Bigla ako nakaramdam nang lungkot sa sinabi ni Zaid. Ewan ko ba, iba yung dating sa akin eh. Lahat yata maiibibigay ko kay Zaid, maliban lang sa isang bagay-yun yung anak.

Our Complicated Love Story (BoyxBoy) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon