"Mahal na mahal kita Rhett Abraham Salvador. Mahal na mahal kita asawa ko."
"I love you is not enough to describe my feelings for you. Mahal kita Rhetta ko, mahal na mahal at hindi ko alam kung paano ipapaliwanag."
Sino sa kanila ang pipiliin ko?
Si Zaid ba na una kong minahal. Si Zaid ba na nagparamdam sa akin na kahit magkapareho kami ng kasarian ay hindi yun naging hadlang at magiging hadlang sa pagmamahalan namin. Si Zaid ba na kaya akong ipaglaban. Si Zaid ba na walang ibang ginawa kundi pasayahin at mahalin ako. Si Zaid ba na sobrang mahal na mahal ako?
o Si Silk?
Si Silk na sa una palang naming pagkikita minahal na ako. Si Silk na mula noon hanggang ngayon ay naghihintay na namahalin ko. Si Silk na laging nandyan para sa akin. Si Silk na minamahal ako at kaya ring gawin ang lahat para sa akin.
Kahit sobrang mahal at patuloy ko pa ring minamahal si Zaid ay hindi ko pa rin siya pweding piliin. Hindi ko siya pweding piliin dahil marami ng nangyari. Marami ng nagbago. Hindi ko siya pweding piliin dahil isang malaking kasalanan ang ibigin siya. Ang ibigin ang sarili kong kapatid.
"Mahal na mahal din kita Zaid Lester Salvador. Mahal na mahal kita bana ko."
"Zaid!"
"Okay ka lang ba Rhetta ko?"
Napatingin ako kay Silk na kasalukuyang nasa tabi ko. Nakahawak ang kamay niya sa kamay ko.
Napatitig ako sa mukha niya. Sa mukha niyang nababakas ang pag-aalala.
"Anong nangyari?" Tanong ko.
"Bigla kang nawalan ng malay. Sobra akong kinabahan kung alam mo lang Rhetta ko. Mabuti na lang sabi ng doctor na baka napagod ka lang kaya bigla kang nahimatay."
"Sorry Silk.. Sorry kung-"
"Pstt." Hinarang niya ang daliri niya sa labi ko. "Hindi mo kailangan humingi ng sorry, okay? Ang kaligtasan mo, ikaw Rhetta ko, ang pinakamahalaga higit sa ano o sino pa man. Ang mahalaga sa akin ay yung okay at ligtas ka."
Napakaswerte ko kay Silk.
Sana siya na lang ang una kong nakilala. Sana siya na lang ang una kong minahal. Sana kaya siyang mahalin ng puso ko. Mga sana na hanggang sana na lang. Dahil kahit anong turo at pilit ang gawin ko para mahalin siya ng puso ko ay wala pa ring kwenta. Dahil yung nararamdaman ko sa kanya ay kaibigan lang.
Kailan ko kaya mamamahalin si Silk ng higit pa sa kaibigan?
Hinawakan ko ang kamay niya at tumingin sa kanyang mga mata. "Silk, kailangan kong umuwi. May gusto akong itanong kay Tito Clerk at Tita Maggie." Seryosong sabi ko.
Ngayon lang pumasok sa isip ko kung bakit hindi ko nakitaan ng lungkot ang mga mata ni Zaid. Alam kong nakita niya ako. Nakita niya kami ni Silk. Pero bakit ganon? Bakit parang hindi niya ako kilala?
Ngumiti si Silk sa akin at tumango. "Pero kailangan mo munang magpahinga Rhetta ko."
*****
"Kailan pa siya bumalik? Kailan pa siya nandito sa Pilipinas?"
Tanong ko kay Tito Clerk. Nasa mansiyon ako. Katabi ni Tito si Tita Maggie.
"Last week pa." Ang mahinang sagot ni Tito.
Isang linggo na palang nandito si Zaid sa Pilipinas. Alam kong wala na akong karapatan pa sa kanya. Pero gusto ko siyang makita-makausap. Gusto kong humingi ng sorry sa kanya at higit sa lahat gusto ko siyang mayakap.
BINABASA MO ANG
Our Complicated Love Story (BoyxBoy) (Complete)
RomanceLaking mahirap si Rhett samantalang laking mayaman naman si Zaid. Sa hindi inaasahang pagkakataon, minahal nila ang isa't isa-kahit na bawal-kahit na mali-kahit magkatulad pa sila ng kasarian. Nang malaman ito ni Maggie-ina ni Zaid ay pilit niyang p...