"I feel your weight, may dapat ba akong malaman Rhetta ko?" Malambing na tanong sa akin ni Ayumi.
Nandito kami ngayon sa Green house ng school. Isang linggo na rin ang nakakaraan mula ng naging kami ni Zaid.
Isang linggo ko na rin yun tinatago sa best friend ko. Wala pa kasi akong lakas ng loob na sabihin sa kanya ang tungkol sa amin ni Zaid. Ang tungkol sa pagkatao ko. Alam ko naman na mahal ako ni Ayumi. Alam kong matatanggap niya ako pero paano ko ba sasabihin sa kanya? Pano ko ba sasabihin na ang bestfriend niya–na ang lalaking minamahal niya ay nagmamahal din ng iba at sa lalaki pa? Ayaw kong maglihim sa kanya pero ayaw ko rin siyang saktan. Kaya nahihirapan ako sa sitwasyon ko ngayon.
"I'm your best friend. Bakit ba ganyan ka, Rhetta ko? Alam mong nandito lang ako. Pwedi mong sabihin sa akin yang mga dinadala mo." Nakangiti pa rin siyang nakatingin sa akin. "Kailangan bang ako pa ang magsabi ng mga dapat mong sabihin sa akin?" Makahulugang tanong nito.
Tumingin ako sa kanyang mga mata. Nababasa ko na parang alam na niya ang tungkol sa amin ni Zaid.
"Rhetta ko, kahit ano ka pa kahit sino ka pa, tanggap kita. Mahal kita eh. Alam mo kung gaano kita kamahal. Hindi ako magagalit dahil iba yung minahal mo at mas lalong hindi ako magagalit o huhusgahan ang pagkatao mo." Ngumiti ulit ito sa akin "Rhetta ko, alam ko naman ang tungkol sa inyo ni Zaid eh. Naghihintay lang ako na sabihin mo sa akin pero mukhang wala ka naman yatang balak sabihin sa best friend mo ang tungkol sa love life mo eh." May pagtatampong sabi niya. "Rhetta ko. Rhetta ko, hayaan mong Rhetta ko pa rin ang itawag ko sa 'yo at sabihin mo sa karibal ko na hindi niya ako mapapalis sa tabi mo."
Alam ko na sa bawat ngiti niya nakatago ang isang pusong nasaktan. Nasasaktan din naman ako. Nasasaktan ako dahil nasaktan ko ang best friend ko.
"Hayaan mong gawin ko 'to Rhetta ko, tingnan natin kung magseselos ba siya." Mahinang sabi ni Ayumi. Nagtaka naman ako kung ano ang ibig nitong sabihin.
Unti-unting lumapit si Ayumi sa akin at pakiramdam ko rin may tao sa 'king likuran. Niyakap ako ni Ayumi. Niyakap ko rin siya. Binitiwan niya ako at tumingin sa aking mga mata. Ngumiti siya sa akin at unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Alam kong hahalikan niya ako kaya kinabahan at napalunok ako, parang may kakaiba sa kinikilos niya at parang may tao rin sa likuran ko.
"Ano bang gagawin mo?" Mahinang tanong ko. Kinakabahan pa rin ako dahil malapit na ang mga labi niya sa mga labi ko.
"Shhh.." Sagot nito.
Napapikit na lang ako dahil malapit na talaga ang labi niya sa labi ko.
Hanggang sa naramdaman ko na lang na may humila sa akin at niyakap ako. Kilalang-kilala ko ang yumakap sa akin. Kilalang-kilala ko ang amoy ng lalaking nakayakap sa akin.
"Ano bang ginagawa mo sa babe ko ha?!" Pasigaw na tanong ni Zaid kay Ayumi.
Namumula rin ang mukha ni Zaid. Siguro dahil sa galit o sa inis na nararamdaman nito. Niyakap niya pa rin ako nang mahigpit halos hindi na nga ako makahinga.
Tawa naman nang tawa si Ayumi.
"Sinusubukan ko lang naman ang boyfriend ng best friend ko ha. Ganyan ka pala magselos. Halos nasa mukha muna lahat ng dugo mo." Tawa pa rin nang tawa si Ayumi.
"Z-Zaid hindi ako makahinga." Sabi ko.
Tiningnan ako nang masama ni Zaid pero niluwagan naman niya yung pagkakayakap niya sa akin.
"Bakit hindi ka man lang tumutol nung hahalikan ka na niya?" Naniningkit ang mga mata na tanong nito.
"Alam ko naman na hindi yun itutuloy ni Ayumi eh."
BINABASA MO ANG
Our Complicated Love Story (BoyxBoy) (Complete)
RomansaLaking mahirap si Rhett samantalang laking mayaman naman si Zaid. Sa hindi inaasahang pagkakataon, minahal nila ang isa't isa-kahit na bawal-kahit na mali-kahit magkatulad pa sila ng kasarian. Nang malaman ito ni Maggie-ina ni Zaid ay pilit niyang p...