Chapter 22 (10-03-15)

5.1K 240 26
                                    

"Okay ka lang ba, Yumi?"

Nag-aalalang tanong ko sa best friend ko. Nandito ako ngayon sa bahay nila. Inatake na naman siya nang sakit sa ulo. Pinilit namin siyang dalhin sa hospital pero ayaw niya. Mas lalo lang daw siyang manghihina at baka mabaliw pa raw siya kapag dadalhin namin siya sa hospital.

Nakaupo ako sa gilid ng kama niya habang siya ay nakahiga. Hinawakan niya ang kamay ko at tumingin sa 'king mga mata

"Ikaw, okay ka lang ba?" Malungkot na tanong ni Ayumi sa akin.

Yung totoo sobrang saya ko at dahil sa sobrang saya ko nakalimutan ko na hindi pala ako pweding maging masaya.

Dalawang buwan na ang nakakaraan nang ikasal kami ni Zaid. Hanggang ngayon hindi pa rin alam ng mga magulang namin ang tungkol sa kasal namin. Nagkikita kami sa 'twing monthsary namin. Lagi niya pa rin akong sinusurpresa. Hindi yata siya magsasawa na surpresahin ako.

Si Zaid ang may hawak ng mga papeles na nagpapatunay na kasal na kami. Naaalala ko pa yung mga sinabi niya kung bakit gusto niyang siya ang humawak ng mga dokomento ng kasal namin.

"Ako ang magtatago nito dahil kung sakali mang dumating ang araw na makalimutan mo ako–makalimutan mong kasal tayo, ipapakita ko 'to sa 'yo. Papatunayan ko na ikinasal tayo. Papatunayan ko na akin ka. Na pagmamay-ari kita. Na asawa kita."

"Hindi ka okay, Rhetta ko. Oo masaya ka, pero alam ko at alam mo na hindi ka okay."

"Bakit kailangan ako pa, Yumi? Sobrang saya ko kasi ikinasal na kami ni Zaid, oo patago nga lang pero masaya pa rin ako dahil ikinasal ako sa taong mahal na mahal ko. Pero bakit ganun? Bakit kailangan may hangganan?" Naluluha ko nang sabi.

Ang sakit isipin na hindi lang ang pagiging magkapatid namin ang posibleng makapaghihiwalay sa amin ni Zaid kundi pati na rin ang kalagayan ko ngayon.

"Minsan ko na rin yang na itanong sa 'king sarili. Bakit ako? Bakit kailangan maging ako? Simula pagkabata dala-dala ko na ang sakit na ito. Pero dahil sa 'yo Rhetta ko kaya nandito pa ako, kaharap mo at kausap mo. Noon lagi kong tinatanong ang Diyos kung may nagawa ba akong mali kung bakit kailangan bigyan niya ako ng ganitong klaseng sakit. Rhetta ko, alam ko tinatanong mo rin ang diyos. Pero sa bawat tanong na tinatanong natin sa kanya, tayo lang ang makakasagot."

"Pero hindi ako handa. Bakit ngayon ko lang nalaman? Ngayon na kasal na kami ni Zaid. Ngayon na hindi ko kayang iwan siya. Yumi, bakit ngayon ko lang nalaman? Paano ko sasabihin sa kanya na iiwan ko siya? Na mawawala ako? Na hindi na niya ako makikita at wala ng Rhett na tinatawag niyang babe. Na wala ng Rhett na asawa niya. Na wala ng ako na sobrang mahal niya."

Paulit-ulit ko mang punasan ang aking mga mata, hindi ko pa rin mapigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Mula nang malaman ko ang tungkol sa kalagayan ko, walang gabi na hindi ako umiiyak. Sa t'wing naiisip ko si Zaid. Sa t'wing naaalala ko ang masayahin niyang mukha. Ang napakagwapo niyang ngiti mas lalo lang sumisikip ang dibdib ko. Mas lalo lang akong nahihirapan.

Bakit ako? Bakit kailangan maging ako pa?

*****

"S-son..."

Naluluhang sabi ni Tito Clerk sa 'kin. Nakikita ko sa kanyang mga mata ang labis na saya.

Pero bakit ganun? Bakit hindi ko maramdaman na masaya ako? Gusto ko siyang yakapin dahil noon pa man nararamdaman ko na yung lukso ng dugo na tinatawag nila. Pero may bahagi ko ang hindi kayang tanggapin siya bilang ama.

Tumingin ako kay mama na nakatayo lang sa tabi. Nandun din si Tita Maggie.

Ano ba ang dapat kong gawin? Ano ang dapat kong sabihin? Dapat ba ako matuwa? Dapat ba ako magsaya dahil nasa harapan ko ang totoong ama ko? Sino ba talaga ako?

Our Complicated Love Story (BoyxBoy) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon