Chapter 32 (12-05-15)

6.2K 262 56
                                    

Zaid P.O.V

"Nananaginip ka na naman ba?"

Malungkot na tanong sa akin ni Angela. Nagising na naman ako sa kalagitnaan ng gabi dahil na naman sa panaginip ko. Pa ulit-ulit na lang. Pa balik-balik. Ang nakangiting si Rhett lagi ang laman ng panaginip ko.

Tumango lang ako. "Matulog na tayo ulit. Maaga pa tayo bukas." Sabi ko saka Ngumiti sa kanya. "Remember kasal natin bukas kaya dapat maganda tulog mo ngayon." Piningot ko pa ang ilong niya.

Hinawakan ni Angela ang magkabilang pisngi ko at pilit na ngumiti sa akin.

"Hon, alam mo naman na mahal kita di ba? Mahal na mahal. Hon, di ko alam kung ano talaga ang napapanaginipan mo pero siguro bahagi yan ng nakaraan mo. At ang nakaraan na yan ang gustong piliin nito." Itinuro niya ang puso ko. "Yang nakaraan na yan ang gustong piliin ng puso mo. Alam mo ba kung bakit pinili ko pa ring tumabi matulog sa 'yo ngayon? Dahil posibleng ito na ang huling tulog na magkatabi at magkasama tayo." Pinahid niya ang mga luha na tumulo sa mga mata niya.

Nakita ko sa mga mata niya ang lungkot, hirap at sakit.

"Ano bang pinagsasabi mo? Ikaw, ikaw ang papakasalan ko. Ikaw ang pinipili ko. Isa na lamang nakaraan si Rhett. Wala akong maalala tungkol sa amin. Bagong buhay na 'tong kinakaharap ko. Hon, matagal ko na siguro siyang binitiwan kaya hindi ko siya maalala. Kaya wala akong maalala."

Si Angela nga ba ang gusto kong piliin? Tuluyan ko na nga bang bibitawan si Rhett?

"Hon, may mga bagay na kaya nating bitiwan pero di naman natin kayang kalimutan.. Oo, hindi mo siya naaalala pero hon, kilalang-kilala siya ng puso mo.

Bagong buhay nga 'tong kinakaharap mo ngayon. At sa bagong buhay na 'to minamahal mo pa rin si Rhett. Unang kita mo palang sa kanya iba na ang tingin mo. Hon, minahal mo lang ako kasi walang Rhett na umiksena. Pero ngayon na nakita mo ulit siya, alam kong mas higit yung pagmamahal mo sa kanya.

Sinasabi ko 'to kasi sobrang mahal kita. At dahil sa sobrang mahal kita kaya ayaw kong dumating yung araw na magsisi ka na ako yung pinili mo."

"Ikaw pa rin ang pipiliin ko."

Tama ba ang naging sagot ko? Hindi ba ako magsisisi?

*****

Rhett's P.O.V

Kasalukuyan akong nakaupo habang nasa tabi ko naman si Silk. Nasa loob na kami ng private plane niya. At ilang sandali na lang ay tuluyan na akong makakalayo kay Zaid.

Sa paglayo ko ba makakalimutan ko lahat ng masasakit na nangyari sa akin–sa amin? Sa paglayo ko ba makakalimutan ko rin si Zaid katulad ng paglimot niya sa akin?

"May oras ka pa."

Napalingon ako kay Silk. Nakahawak siya sa kamay ko habang pilit na ngumingiti sa akin. Tiningnan ko siya na nagtatanong ang mga mata.

"May oras ka pa para itigil ang kasal. May oras ka pa para ipaglaban mo siya."

Huminga muna ako bago nagsalita. "Kahit paulit-ulit ko siyang ipaglaban kung ayaw na niya. Kung binitiwan niya na ako para saan pa yung ipinaglalaban ko?

Alam mo ba kung ano yung pinakamasakit, Silk? Yun yung di ko siya makalimutan samantalang ako di niya naaalala. Yun yung marinig ko mismo mula sa kanya ang salitang di niya ako mapipili. Ang sakit pala. Sobrang sakit na kahit gaano niyo kamahal ang isa't isa noon, kung hindi talaga kayo hindi magiging kayo." Napapaluha na ako. Sobrang sakit eh! "Minsan napapatanong ako. Bakit pa kami pinagtagpo? Bakit minahal pa namin ng sobra-sobra ang isa't isa noon kung hindi rin lang naman pala kami ang magkakatuluyan sa huli?"

Our Complicated Love Story (BoyxBoy) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon