Chapter 9 (08-21-15)

8.7K 346 52
                                    

Papunta na ako sa school gym namin. Marami na ring mga studyanteng kagaya ko na dun din patungo. Hindi kami magkasama ni Ayumi kasi kinailangan nito na makauwi agad dahil may dinner date daw sila ng pamilya niya.

Palapit na ako sa gym at nakikita ko na ang banda nila Silk sa stage. Nandon din ang guitarist nila na si Marvin at nakangiti itong nakikipag-usap kay Zaid.

Bigla na namang kumirot ang puso ko dahil sa aking nakita. Masaya si Zaid sa piling ng iba. Masaya na siya at hindi ako ang dahilan nang kasiyahan n'yang yun.

Trip mo lang ba ang lahat nang ipinakita at sinabi mo sa akin Zaid? Bakit mo pa sinabi? Bakit mo pa ako hinalikan? Bakit kailangan mo akong pagtripan kung kaibigan mo naman ako? Shit ka Zaid! Gustong-gusto na kita! Gago!!

"Hindi mo lang alam na sobrang saya ko." Napatingin ako kay Silk na nasa harapan ko na pala.

Ngumiti ito sa akin. Ngumiti rin ako sa kanya. Yung totoo, nakakahawa rin yung mga ngiti niya. Nag usap muna kami ni Silk habang hindi pa naman nagsisimula ang program. May kakanta, may sasayaw at iba pa.

"Sige Rhett, maiwan na muna kita. Tinatawag na ako ni Jay eh." Nakangiting sabi ni Silk. Nakita ko naman ang isang kasama niya na kinakawayan siya. Dali-dali siyang umakyat sa stage. Nilingon pa nga niya ako at saka kinindatan. Napangiti na lang ako sa ginawa niya.

Ilang sandali lang ang lumipas at na ayos na rin ang stage. Umakyat ang dalawang studyante na magiging emcee sa program na magaganap. Nagpakilala at nagsalita ng kung ano-ano bilang intro hanggang sa pinakilala na rin ang banda nila Silk at narinig ko na rin ang tugtug na hudyat na kakanta na ang banda nila.

Nakita ko pa na nakatingin sa akin si Silk na nakangiti habang hawak ang mic. Nasa likod lang ako ng ilang mga studyante. Mas okay kung nasa likuran ka lang dahil makikita mo talaga ang buong stage. Matangkad naman ako kaya hindi naman problema sa akin kung may mga studyante sa harap.

I wanna be with you
Its crazy but its true
And everthing I do
I wanna be with you

Panimula ni Silk. Hiyawan naman ang mga studyanteng katulad ko na naroon. Nakatingin lang ako kay Silk na sa akin din nakatingin. Ngumiti ako sa kanya. Ito yung kinanta niya sa akin nung binigyan niya ako ng roses subalit hindi ko siya pinatapos nun sa pagkanta.

Id like to know your policy
When it comes to me
Like to know whats in your mind
Its not easy to see

I know now what i feel
And what to do
I wanna be with you
And Ill be waitin'
Until you face the truth
When the light is fadin'

You know what I wanna do

Marami na rin ang sumasabay sa pagkanta niya. Ang ganda ng boses nito. Nakakagaan pakinggan. Nakangiti kami sa isa't-isa habang nagkatitigan.

I wanna be with you
Its crazy but its true (you know its true)
And everthing I do (is for you baby)

Napatingin ako bigla sa braso ko ng may humawak dito nang mahigpit. Biglang lumakas ang tibok ng aking puso lalo na nang makita ko kung sino ang humawak sa akin.

"Z-Zaid.." Nagwawala na ang puso ko lalo pa't titig na titig ito sa akin.

"Mag usap tayo." Seryosong sabi nito.

Hinila niya ako pero bago kami nakalayo ay napalingon ako kay Silk. Nakita ko sa mukha nito ang lungkot at galit habang nakatingin sa amin ni Zaid.

Sorry Silk...

Wala akong nagawa kundi ang mapasunod kay Zaid. Ang higpit kasi nang hawak niya sa kamay ko. Gusto ko magtanong sa kanya. Gusto ko linawin ang lahat kung bakit gusto niya akong makausap? Bakit iba ang titig niya sa akin. Gusto ko malaman kung sila na ba ni Marvin kahit alam ko posibleng masaktan ako sa magiging sagot niya–okay lang ang mahalaga malaman ko ang tungkol sa kanila. Kaya hinayaan ko na ang sarili ko na magpatangay rito.

Our Complicated Love Story (BoyxBoy) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon