"Gumising ka Rhett...Please gumising ka. Maghihintay ako sa paggising mo. Maghihintay ako, asawa ko. Hindi ako magagalit sa 'yo. Uunawain kita please gumising ka. Papalayain na kita basta gumising ka lang. Di ba gusto mong makipaghiwalay sa akin? Papayag ako basta gumising ka lang. Ibibigay ko ang gusto mo basta gumising ka lang. Please babe ko gumising ka! Please asawa ko.!"
"Sir! Malubha pa po ang kalagayan niyo. Kailangan niyo na pong bumalik sa silid niyo."
"Hindi! Dito lang ako! Dito lang ako hanggang magising siya. Dito lang ako sa tabi ng asawa ko! Kailangan niya ako. Kailangan ako ng asawa ko. Kailangan ako ang una niyang makita sa paggising niya. Kailangan niyang gumising! Babe naman oh! Gumising ka! Gumising ka Rhetta ko! Gumising ka asawa ko. Gumising ka!"
"Sir, please, nakikiusap po ako sa inyo. Hindi pa po kayo okay. Kailangan niyo pa po nang sapat na lakas."
"Sino ka para paalisin ako sa tabi ng asawa ko? Wala kang alam kaya manahimik ka!... Babe please. Gumising ka nandito lang ako. Maghihintay ako sa paggising mo..
Mahal na mahal kita. Sobra... Pagbibigyan kita sa kagustuhan mo. Kahit masakit. Kahit mahirap kung yun ang gusto mo gagawin ko basta gumising ka babe... Gumising ka."
"Huuh!"
Napamulat ako ng mga mata nang maramdaman ko na may yumuyugyog sa balikat ko. Napatingin ako sa lalaking nasa tabi ko. Lumingon ako sa paligid. Nasa loob pa rin pala ako ng sasakyan ni Silk.
"Okay ka lang? Nananaginip ka na naman Rhetta ko." Malumanay na sabi nito.
Ilang beses na ba nangyari 'to? Ilang beses na ba niya ako ginigising mula sa panaginip na yun?
Ngumiti ako at tumango sa kanya. "Na sa'n na ba tayo?" Tanong ko.
"Malayo pa tayo sa Boracay. Isa't kalahating oras pa bago tayo makarating dun. Matulog ka muna ulit." Malambing na sabi niya.
Umayos siya nang pagkakaupo at pinaandar ang sasakyan.
I look at him and have to smile..
Napangiti ako nang marinig ko ang boses ni Silk. Tumingin niya sa 'kin saglit sabay kindat at ibinalik na sa daan ang tingin niya.
As we go driving for a while
His hair blowing in the open window of my car
And as we go the see the lights
Watch them glimmer in his eyes
In the darkness of the evening
BINABASA MO ANG
Our Complicated Love Story (BoyxBoy) (Complete)
RomanceLaking mahirap si Rhett samantalang laking mayaman naman si Zaid. Sa hindi inaasahang pagkakataon, minahal nila ang isa't isa-kahit na bawal-kahit na mali-kahit magkatulad pa sila ng kasarian. Nang malaman ito ni Maggie-ina ni Zaid ay pilit niyang p...