"Babe ko?" Text ko kay Zaid.
Ilang araw na akong text nang text sa kanya at ilang araw na rin akong naghihintay nang reply niya. Mula nang nangyari ang araw na pinilit ako ni Silk na hiwalayan si Zaid ay hindi na ako mapakali. Hindi ko maiwasang hindi mag isip ng kung ano-ano. Hindi ko maiwasang hindi mag-alala sa relasyon namin ni Zaid.
Pakiramdam ko may nalalaman si Silk. Hindi siya magkakaganito. Hindi niya ako guguluhin kung okay na ang lahat.
Nag sorry na siya. Napatawad ko na pero hindi pa rin siya tumigil sa panliligaw sa akin. Minsan nga iniiwasan ko na siya. Pati si Ayumi nagagalit na rin sa kanya.
Narinig kong tumunog ang aking cellphone. Lumakas na naman ang tibok ng aking puso nang makita kong si Zaid ang tumatawag. Ilang araw ko na rin gusto marinig ang boses niya.
"Hello! babe?" Ako.
"Sorry babe, ha? Kung hindi ako nakatawag o nakatext lang man. Busy kasi ako." Siya.
"Okay lang babe. Pasensiya na rin kung lagi akong nagtetext at kung nangungulit ako. Sobrang miss lang kasi kita." Ako.
"Baby, sino ba yang ka-tawag mo? Hali ka na di ba importante 'tong pupuntahan natin?" Boses ng isang babae sa kabilang linya.
Bigla akong natigilan. Pakiramdam ko rin niyakap ako ng hangin dahil sa sobrang lamig na aking naramdaman. Hindi ko gusto mag-isip nang masama pero di ko mapigilan na kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko.
Naiisip ko palang na posibleng magkaroon ng iba si Zaid para nang dinudurog ang puso ko. Para na akong pinapatay sa sakit. Sobrang mahal ko siya at hindi ko alam kung makakaya ko ba na makita siyang may iba. Hindi ko alam kung makakaya ko bang tanggapin na hindi na ako ang nagpapasaya sa kanya. Na hindi na ako ang mundo niya. Na ang mundo ko ay nakahanap na rin ng mundo niya.
"Babe? Nand'yan ka pa ba?" Si Zaid.
Huminga ako nang malalim bago nagsalita.
"Oo babe, hmp babe–"
"Babe, papatayin ko na ang phone. May pupuntahan pa kasi ako. Bye! I love you." Putol niya sa sasabihin ko sana.
Narinig ko na lang ang ring na tanda na patay na ang phone ng nasa kabilang linya.
Napahawak ako sa dibdib. Naramdaman ko kasi ang pagsakit nito. Nasasaktan ako kasi ngayon lang nangyari na mas unang nagbaba si Zaid ng phone. Ngayon lang kami nagkausap na parang wala siyang gana at hindi niya ako gustong makausap.
Gumugulo din sa akin ang boses ng babae na narinig ko.
God! 'Wag niyo pong hayaan na tama 'tong pumapasok sa isip ko please.
*****
"Kumusta si Ayumi, Silk? Pwedi ba akong pumasok? Anong lagay niya? God! Gustong-gusto ko na siyang makita." Natatarantang sabi ko.
Kasalukuyan kaming nasa Hospital. Tinawagan ako ni Silk kanina na sinugod daw sa hospital si Ayumi dahil nagwawala raw ito sa sobrang sakit ng ulo nito.
Sobrang nag-aalala ako sa best friend ko. Wala ako sa tabi nito ng mga oras na sumasakit ang ulo nito. Wala ako sa tabi niya ng mga oras na sinugod siya dito sa hospital. Gusto ko na siyang makita. Gusto kong maramdam niya na nandito lang ako. Na nandito lang ang best friend niya.
"Huminahon ka. Nasa loob na ang mga magulang niya, Rhett. Hindi pa tayo pweding pumasok." Mahinahong sabi ni Silk pero halata rin sa mukha nito ang takot at pag-aalala.
"Ano ba ang nangyari? May sakit ba siya? Anong sakit niya? God Silk! Gusto ko na makita ang best friend ko." Naluluhang sabi ko.
Niyakap ako ni Silk. Hinayaan ko lang siya. Di ko alam kung paano pakalmahin ang sarili ko. Naramdaman ko ang paghagod niya sa likuran ko.
BINABASA MO ANG
Our Complicated Love Story (BoyxBoy) (Complete)
RomansLaking mahirap si Rhett samantalang laking mayaman naman si Zaid. Sa hindi inaasahang pagkakataon, minahal nila ang isa't isa-kahit na bawal-kahit na mali-kahit magkatulad pa sila ng kasarian. Nang malaman ito ni Maggie-ina ni Zaid ay pilit niyang p...