"Pero bakit ako lang ang hindi niya naaalala? Bakit ako lang?"
Umiiyak na tanong ko kay Ate Zonia. Kasalukuyan kaming nasa garden ng mansiyon.
Lahat kilala ni Zaid. Ako lang yung hindi! Naaalala niya ang kabataan niya pero yung tungkol sa amin di niya matandaan!
Bakit gano'n? Bakit ganito?
Bakit ako na sobrang mahal niya ang hindi niya matandaan? Bakit ako na siyang huli niyang nakita, nakausap at kasama ng araw na maaksidente siya ang tanging di niya naaalala?!
"Dahil yun ang hiniling mo sa kanya. Dahil yun ang gusto mong gawin niya. Ang pakawalan ka niya. Ang kalimutan ka niya."
"Zaid, patawad pero kailangan mo na akong pakawalan. Masasaktan ka lang. Masasaktan lang tayo kapag pinagpilitan pa natin ang mga sarili natin sa isa't isa. Ayaw ko ng ganitong klaseng relasyon. Ayaw kong hinuhusgahan ang pagkatao ko dahil kapwa ko lalaki yung minahal ko. Ayaw kong maglakad na ang ka holding hands ko ay lalaki. Ayaw kong tinatawag akong bakla o ano pa na nakakasakit. Ayaw kong bumuo ng pamilya na tayong dalawa ang magkasama. Zaid, babae ang gusto ko makatabi matulog tuwing gabi. Babae ang gusto kong mayakap. Katawan ng babae ang gusto kong matikman. Isang katawang malambot. Yung ako ang may pinapasukan hindi yung ako ang pinapasukan."
Naaalala ko ang mga masasakit na salitang binitiwan ko kay Zaid. Mga salitang hindi ko gustong sabihin noon pero kailangan. Dahil yun ang inakala kong tama.
Ito ba ang kapalit ng lahat ng sakit na sinabi ko kay Zaid? Ito ba ang kapalit nang pananakit ko sa kanya?
"HINDI NA KITA MAHAL! Kahit ano pang gawin mo wala na akong maramdaman kahit katiting na pagmamahal. Nasusuka ako sa t'wing naiisip ko na hinahalikan kita. Nandidiri ako sa t'wing naiisip kong hinahalikan mo ako. NANDIDIRI AKO SA 'YO!"
Ito ba ang kapalit?
Ang tuluyan na niya akong kalimutan? Ang tuluyan na niyang paglimot sa pagmamahalan namin?
"Rhett, nung mangyari yung aksidente..."
Hindi yun aksidente! Hindi yun isang aksidente dahil sinadya yun ni Zaid. Sinadya niyang itulak ako para mailigtas ako! Mailigtas ang isang walang kwentang katulad ko!!
"Alam mo ba nung dinala kayo sa hospital ay nagising pa siya. Nagising siya na ikaw ang hinahanap. Gusto ka niyang makita. Gusto niyang masiguradong ligtas ka. Pero wala kang malay nun. Alam mong mahal na mahal ka ng kapatid ko...
Tumakas din siya sa silid niya para puntahan ka. Para makita ka kahit nasa malubhang kalagayan din siya ng mga oras na 'yun. Nang makita ka niyang walang malay. Nang makita ka niyang nag-aagaw buhay. Alam mo ba kung gaano kasakit sa kanya ang makita ka sa gano'ng kalagayan? Rhett, para na ring pinatay si Zaid ng mga oras na yun.
Nang malaman niyang may malubhang sakit ka sa puso sinabi niya sa amin na handa siyang idonate ang puso niya sa 'yo. Rhett, lahat gagawin ni Zaid para sa 'yo. Kahit buhay niya handa niyang ialay sa 'yo. Ganun ka niya kamahal..."
Hindi ko na napigilin ang mga luha ko sa pag uunahan sa pagpatak. Alam ko naman na sobrang mahal ako ni Zaid. Alam ko naman na lahat kaya niyang gawin para sa akin. Pero ang ibigay niya ang puso niya sa akin? Sobra na yun! Sobra-sobrang pagmamahal na yun.
Mabuti na lang at hindi yun nangyari. Dahil hindi ko alam kung paano mabuhay araw-araw gamit ang puso niya pero wala naman siya sa tabi ko. Hindi ko alam kung paano mabuhay araw-araw gamit ang puso ng taong mahal na mahal ko.
"Ang utak ni Zaid ang lubhang naapektuhan sa aksidente. Ang sabi ng doctor kaya may mga bagay o pangyayari siyang hindi maalala kasi dahil yun ang gusto niyang kalimutan...
BINABASA MO ANG
Our Complicated Love Story (BoyxBoy) (Complete)
RomanceLaking mahirap si Rhett samantalang laking mayaman naman si Zaid. Sa hindi inaasahang pagkakataon, minahal nila ang isa't isa-kahit na bawal-kahit na mali-kahit magkatulad pa sila ng kasarian. Nang malaman ito ni Maggie-ina ni Zaid ay pilit niyang p...