Chapter 8 (08-19-15)

7.8K 343 47
                                    

Kasalukuyan akong nakahiga subalit hindi ako makatulog dahil naririnig ko ang pag-uusap nila Zaid at ang kasama nito na si Marvin.

Alam kong nasa balcony lang sila kasi naririnig ko yung usapan nila. Mahina lang ang boses ni Marvin, pero kay Zaid may kalakasan para bang sinasadya nito na marinig ko ang pag-uusap nila.

Akala ko ba may gagawin pa? 'Yan ba ang sinasabi nilang gagawin nila, ang mag usap?!

"Matagal na talaga kitang gusto. No'ng una pa lang kita nakita sa club." Sabi ni Marvin. Bigla na naman ako nakaramdam nang kirot sa puso.

Pigil ang hininga ko habang naghihintay sa sasabihin ni Zaid.

"Wag mo nang sagutin. Kakantahan na lang kita." Dagdag ni Marvin.

Baby, I know you're hurting

Panimula nito. Napakaganda rin nang boses nito. Bigla akong napahawak sa dibdib dahil mas lalo lang kumikirot ang aking puso.

Right now you feel like you could never Love again

Now all I ask is for a chance
To prove that I love you

Ramdam ko sa boses ni Marvin na sincere nga ito. Pero napakasama ko dahil ipinagdadasal ko na sana hindi yun maramdaman ni Zaid. Na sana hindi siya madala nang pagkanta ni Marvin.

From the first day
That i saw your smiling face
Honey, I knew that we would
Be together forever
ooh when i asked you out
you said no but i found out
darling that youd been hurt
You felt like youd never love again
I deserve a try honey just once

Give me a chance and Ill prove this all wrong
You walked in, you were so quick to judge
But honey hes nothing like me

Zaid.. Sabihin mong wala siyang pag-asa. Sabihin mo na ako ang gusto mo!

Gusto ko sana ibulyaw sa tahimik pa ring si Zaid.

I'll never break your heart
I'll never make you cry
Id rather die than live without you
I'll give you all of me

Honey, that no lie.

Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. Nasasaktan ako kasi alam ko naman na may nararamdaman na ako para kay Zaid. Pero hindi ko 'to masabi sa kanya at hindi ko rin maaring sabihin. Nasasaktan akong isipin na maaaring mawala ang nararamdan niya sa akin. Dapat nga matuwa ako kung mawawala yung nararamdaman niya pero hindi eh!.

Kahit hindi ko gusto. Kahit masasaktan ako na posibleng mawala yung nararamdaman niya para sa akin, pero siguro mas mabuti na rin yung ganun walang komplikado at hindi na magiging komplikado ang lahat.

"Anak, wag na wag mong susuwayin ang Tita Maggie mo. Kung ano man yung gusto niya gawin mo. Ang laki nang utang ko sa kanya at isa pa hawak niya ang pag-aaral mo kaya dapat maging mabuti ka sa kanya."

Hindi nga talaga kita pweding magustuhan. Hindi kita pwedeng mahalin.

Sumilip ako sa bintana para makita kung ano na ang ginagawa nila pero sana hindi ko na lang ginawa yun. Sana hindi ako sumilip para hindi ako nasaktan sa nakita ko.

Biglang hinalikan ni Marvin si Zaid sa labi. Kasabay nang halikan nila ang pagtulo ng aking mga luha at pagsikip ng aking dibdib.

Ginusto mo 'to, Rhett. Ginusto mo! Kaya hindi ka dapat nasasaktan!

*****

"Anong problema?" Tanong ni Ayumi sa akin

Kasalukuyan kaming nasa Green house ng skwelahan namin. Nakaupo kami sa isang bench.

Our Complicated Love Story (BoyxBoy) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon