Chapter One

1.8K 27 0
                                    

Don't distribute my book without my permission. :) Sincerely, Author.

Nakaharap ako sa aking one layer cake na may nakalagay na happy 18th birthday Eloyz. May isang kandilang nakasindi. Pumikit ako.

Ang wish ko ngayong birthday ko. Lord, magkaroon sana ako ng boyfriend na 23 years old, maputi at medyo matangkad sakin, kahit hindi kagwapuhan pero mas maganda na rin kung pogi pero bahala na po kayo kung sino ang ibibigay niyo sakin basta may trabaho na siya at mamahalin ako ng tunay. Thank you.

At inihipan ko na ang kandila. Hindi man ito ang pinapangarap kong engrandeng debut. 'Yun bang nakasuot ka ng gown, nakumikinang-kinang pa tapos bababa ka ng hagdan with your escort tapos 'yung cake mo five layer tapos marami kang bisita pero para sakin, makasama ko lang ang pamilya ko sa birthday ko, masaya na ako dun.

At isa lang naman ang hiniling ko..ang magkaroon ng boyfriend.

-

-

-

-

-

-

Ako si Eloyz Kalayaan. 18 years old, kabibirthday ko lang ngayon. Second year college na ako at kung pag-uusapan natin ay ang lovelife ko..well a big complicated. Hindi ko alam kung nagkaboyfriend na ako. Wow. Hindi ko alam kung No Boyfriend Since Birth ba ako. Hindi ko alam kung tanga ako o tanga ako. Wala naman akong ibang pagpipilian kaya oo na, aaminin ko ng tanga ako.

Let me tell you a story.

Noong first year highschool palang ako, nagkaroon ako ng crush. Na akala ko crush din ako. Magkatabi kasi dati ang classroom namin nun, lagi ko siyang nakikitang mag-isa. Ayun nainlove ako sa kanya. Ganun yata talaga kapag bata pa, mapusok ang damdamin kaya ang bilis mainlove. Naging magkaibigan kami sa hindi malamang dahilan. Akala ko nga the-feeling-is-mutual pero hindi, may iba pala siyang crush at nililigawan na nga niya tapos love letter ang ginagamit nilang communication tapos ako, aww! Nasaktan. Nagmove on at may nakilalang iba nang dahil sa pinsan ko. Binigyan ako ng katextmate nung pinsan ko, kaklase niya daw, gwapo daw 'yun. Niligawan niya ako. Sinagot ko sa hindi malamang dahilan tapos isang araw, nagpadala siya ng sulat sakin. Kinilig naman ako dun dahil alam ko na ang pakiramdam na mabigyan ng love letter. Tapos isang araw ulit sa hindi malamang dahilan, binreak ko siya and after that break up, I visited my cousin in her school so...I got the chance to see him. And guess what..he is a gay. Yeah! That was the first time we've met and it is very awkward. So, should I consider that I've been in a relationship once?

--To be continue...

How great is your love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon