Chapter Nine

424 14 0
                                    

Mangongolekta ka ng mangongolekta ng mga babae at pagkatapos doon ka pipili? Huwag kang mangolekta, lalong hindi mo mahahanap ang forever mo niyan.

--

4:30 pa naman ang simula ng misa kaya nagpunta muna ako sa food court. Umorder ako ng siomai with rice. Yum yum! Favorite ko pa naman 'to kaya bawat subo ko ay ninanamnam ko. Pagkatapos kong kumain sa study center ng SICS naman ako nagtahan. Pinanood ko ang cheerdance practice ng mga SICS sa harap ng education canteen. Inip na nakaupo ako doon habang humihinga ng malalim. Three days nalang olympics na ng school namin. Ang exciting na panoodin lang naman diyan e pageant at cheerdance.

Tumayo na ako at napagdesisyunang umuwi na. Mamaya pa naman kami magsisimba. May 1 hour pa ako para magpahinga sa bahay. Kinuha ko ang cellphone ko at baka nagchat na sakin si sir. I was on my way to go home when a girl in her white converse shoes with her cheerdance uniform bumped me. Napaupo ako sa sahig at natilapon ang cellphone ko. It was Nikita, girlfriend ni Paul na kanina lang nakita naming lumalandi. Pssh!

"Why are you blocking my way? The heck! Alis nga diyan." Sabi atsaka nameywang sa harap ko. Tumayo na ako sabay pinagpagan ang suot ko.

"Siguro kung lalaki lang ako..hinila mo na ako sa cr at hinubaran." Sagot ko at gulat na tumingin sakin.

"At bakit ko naman gagawin 'yun? Haha. Hindi ako pumapatol sa mga cheap na katulad mo."

"Kagaya nung kalandian mo kanina sa gilid ng gate? If you were to asked me..pinapanood ka ni Paul kanina at alam mo, humanda kana kasi ibebreak kana nun."

"Psh. Bakit mo kami pinapakailaman? May gusto ka sa boyfriend ko, ano? Hey girl, wag ka ng umasa kasi sa mga beautiful and white complexion lang pumapatol si Paul. Sa katulad ko at hindi sa katulad mo." Sagot niya atsaka binanggaan ako at nagpatuloy na siya sa paglalakad niya.

Paano kaya nagustuhan ni Paul 'yan? Napa-tsk nalang ako at napailing-iling. Hindi na ako magtataka kung bakit nafall si Paul sa kanya. Oo maganda siya, sobrang ganda niya pero anong magagawa ng ganda kung kalooban niya ay pangit. Kung siguro inside and out ang kagandahan ng ugali niya, siguro ilelet go ko na si Paul. Hindi na ako aasa na maging asawa ko pa siya pero...kung ganyan naman ang ugali, ipaglalaban ko si Paul!

Pinulot ko na 'yung cellphone ko at inopen ang messenger ko.

Schezarade Nietzsche says: Sa bakery sa ibaba ng simbahan nalang kita hihintayin. Ingat ka pag pupunta kana. :-*

When someone sends you that kind of emoticon ":-*" all you can do is to draw a smile on your face. Naglakad na ako sa corridor ng SICS at nang makarating na ako sa may tapat ng gate, napansin ko ang malaking tarpaulin na nakadisplay sa bulletin board. I read it.

"Search for Mr. And Ms. NYC olympics.." at mga magaganda't gwapo na mga mukha ang nakalagay dito and 16 candidates overall ang kasali at alam niyo ang nakakagulat?

Si Paul ang representative ng mga Marine. Hindi ko alam na kaya niya 'yan. Sabi niya kasi dati mahiyain siya. Noong 4th year highschool kasi kami nung JS Prom siya ang kinukuha sa lanseros para maging representative ng section namin pero tumanggi siya dahil nahihiya daw siya. At ngayon..thousands of people ang manonood sa pagrampa niya sa stage. I never knew he had the guts to do this! Kung sa bagay, matangkad si Paul, tall, dark and handsome. That's the qualification of a model right? Kaya..tama lang na sumali siya sa pageant.

Lalakad na sana ako pauwi ng aming bahay nang may bandang tumugtog bigla. Nagpaparada sila kasama ang mga candidates sa pageant. Tumabi ako ng konti dahil nakaharang ako sa daan. Isang mukha lang naman ang hinahanap ko..

Nagtagpo ang tingin namin ni Paul at kitang-kita sa kanyang mga mata ang lungkot dahil siguro 'yun sa nakita niya kanina. Hayss. If only he knew that he really looked handsome in his bruno mars suit. Sinundan ko lang siya ng tingin..that motion when I looked at him is not a fast forward or a slow but..it is a backward. I don't know but the memories back then when we were in highschool flashback in me.

Until I realize they are gone. Bumalik na sa kanya-kanyang ginagawa ang mga taong nanonood kanina samantalang ako. Nanatiling nakatayo.

I will support you Paul no matter what my voice takes! Kahit magkapaos-paos pa ako kakasigaw basta ibibigay ko ang buong suporta ko sayo!

If only he knew that I love him.

And if only he knew what am I thinking..and a thousands if only he knew will always just be a hopeless word in my mind that no one can ever read it.

Lumakad na ako at sa paglalakad ko napatigil ako dahil sa tumawag sa pangalan ko.

"Eloyz.." his voice is a familiar sound. Humarap ako sa kanya at tama ang hinala ko. Binigyan ko ng ngiti si sir. Gwapo si Sir as usual pero ang itsura niya ngayon parang may bago eh. Ganun pa din naman siya sa una kong kita sa kanya pero parang may bago talaga. Si sir na siguro ang nakakaalam sa kung ano ang bago sa kanya. Lumapit si sir sa akin.

"So, tara naaa.." yakag ni sir at tumango lang ako. Naglakad lang kami papunta sa simbahan. Sa shortcut kami dumaan almost fifteen minutes lang naman ang lalakarin.

"Nagmeryenda kana?" Tanong niya

"Opo. Kumain na ako. Sa school po ako kumain."

"Mabuti naman..gusto mong kumain ulit?" Tanong niya sabay turo sa bakery..

"Uh, wag na po. Hehe. Busog pa naman po ako." Nakakahiya kaya kay sir. Hindi pa naman kami masyadong close para kumain ng sabay, chos! Actually, gusto ko kumain ulit ayoko lang talaga dahil nakakahiya kay sir, malamang siya magbabayad ng kakainin ko, siya naman pati nagyaya eh.

Nang matapos na kaming magsimba biglang bumuhos ang ulan. Buti nalang may dala akong payong. Bubuksan ko na sana nang agawin ni sir ang payong sakin at siya nalang ang nagbukas, siya na rin ang nagdala.

"Basa na 'yung sapatos mo.." puna ni sir habang naglalakad kami.

"Oo nga eh. Hayae na po. Pauwi naman na po." Sagot ko.

Humawak ako sa braso ni sir at medyo dumikit sa kanya para hindi ako mabasa. Tapos 'yung mga taong nakakasalubong namin ay tumitingin samin. Ewan ko ba. Siguro, may mali na naman sa paningin nila. Hindi tuloy makomportable ang pakiramdam ko.

"Mauwi na po tayo?" Tanong ko

"Wala ka nabang ibang pupuntahan?" Tanong niya at umiling-iling ako.

"Hatid na kita pauwi." Dagdag pa ni sir

"Magkatabi po 'yung bahay natin." Sabi ko

"Oo, alam ko. Hindi ko nakakalimutan kapit-bahay ko ang pamilyang Kalayaan..kahit noong una pa naman." Sagot ni Sir.

Anong ibig niyang sabihin sa kahit noong una pa naman? Matagal na namin siyang kapit-bahay? Hindi ko nalang tinanong si sir about doon dahil biglang dumaan ang malakas na hangin at nasira ang payong ko. Mumurahin lang 'yun, tig 100 lang kasi 'yun kaya mahuna.

Sumilong muna kami sa fujifilm at doon pinatila ang ulan pero mukhang malabo yata tumigil ito. Nakita kong inaayos ni sir ang payong. Hawak-hawak niya ang tadyang at pinasukob ako.

"Tara, lakad na tayo.." sabi ni sir. Hindi ko alam ang iniisip ni sir kung bakit namin sinugod ang malakas na ulan para lang makauwi. Kung sa bagay, almost six in the evening na at malapit na ang curfew ko.

"Dumikit ka sakin para hindi ka mabasa.." sabi ni sir at dumikit ako sa kanya. Okay lang na mabasa ako wag lang ang bag ko. Hanggang balikat lang ako ni sir kaya sakop na sakop niya ako.

Pagdating namin sa harap ng gate ng bahay namin. Hinubad niya ang polo niya at inilagay sa ulo ko.

"Pumasok kana sa loob. Baka pagalitan ka ng mama mo, ako nalang ang gawin mong panakit-butas." Wika ni sir atsaka tumalikod na at tinahak na ang daan papuntang bahay niya.

Binuksan ko na ang gate at malakas na isinarado ito. Sabi niya kukunin daw ang number ko kapag nagkita kami. Hindi naman niya kinuha. Paasa..

-----

How great is your love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon