Chapter Nineteen

324 9 0
                                    

Ang pag-ibig na hinihintay sa tamang panahon ay magtatagal sa mahabang panahon. -LolaNiDora

---

Sir Gerald: Nasaan ka?

Ako: Nasa manggahan po.

Sir Gerald: Puntahan kita diyan.

At wala pang 60 seconds ay andito na siya. Ano naman kaya kailangan niya sakin?

"Anong oras ang uwi mo?" Tanong niya atsaka umupo sa tabi ko. Tumungo lang ako at itinabon ang buhok sa mukha para hindi niya ako makita.

"Tatapusin ko lang po itong sinusulat ko at pagkatapos uuwi na din ako."

"Oh, bakit kana nakatungong maige?" Tanong niya at hinawi niya ang buhok ko at isiningit sa aking tawa.

Hindi ko alam kung kikiligin ako o maiinis sa ginawa niya. Sa bagay, bakit naman ako maiinis sa kanya, getting to know each other stage na YATA kami, siguro ugali niya na talagang manghawi ng buhok sa mukha.

Binigyan ko siya ng ngiti at umayos ng ngiti. "Punta muna tayo sa bagong bukas na coffee shop." Sabi niya

"Wala ka bang ibang mayaya? May ginagawa pa kaya ako..kita mo naman diba?" Sagot ko at bumalik na sa pagsusulat.

"Sige. Ako nalang mag-isa ang pupunta. Dadalhan nalang kita dito." Sagot niya at sa tono nito'y nangongonsensya pang hindi ko siya sinamahan. Bwisit. Inilagay ko na ang gamit ko sa loob ng bag at natatakbo papunta sa kanya.

Kitang-kita ko ang paglawak ng ngiti niya nang tumabi ako sa kanya.

"Alam kong hindi mo ako matitiis.."

"Oo na nga! Basta libre mo hah.." sabi ko at kinurot siya ng konti sa braso

"Oo naman..ikaw pa? Malakas ka kaya sakin."

Sus. Kailan pa kaya ako naging malakas dito?

Nang dumating na kami sa coffee shop, agad nakuha ng atensyon ko ang lalaking nasa counter. Napakatipuno niyang tingnan sa puting apron na suot niya habang ngumingiti sa mga costumer na binibigyan niya ng kape. Ngayon ko lang nakita ang side niyang pagging masayahin at approachable sa mga tao. Nang kami na ang susunod na oorder, ngumiti siya sakin at sa kasama ko.

"Bukas hah..aasahan kita." Sabi niya at ngumiti sakin

"Order kana.." singit naman ni sir

"Ahm..capucchino akin." Sagot ko

"Capucchino din akin..take out hah." Sabi ni sir at hinila na ako sa table para umupo.

Hindi ko alam na nagtatrabaho pala dito si Paul. Buti nalang pala sumama ako kay sir..tumingin ako kay Paul at kumaway sa kanya. Ngumiti naman siya sakin at maya-maya'y inihatid na sa amin ang inorder namin. Umalis na din agad kami pagkarating ng order namin, dahil gusto na daw umuwi ni sir.

"Anong meron bukas?"

"Birthday ni Paul.."

"Ah..pwedeng sumama?"

"Nyeeh? Seryoso ka? Sasama ka? Hindi ka naman niya ininvite."

"Iinvite mo ako.."

Napataas na lamang 'yung isang kilay ko sa kanya sabay inom ng kape.

"Sandali lang naman ako dun.." sabi ko atsaka umupo sa gilid ng kalsada sa tapat ng gate ng bahay niya.

"Paano kung ayaw kitang payagan?"

"Ha?bakit hindi mo naman ako papayagan?"

"Kasi ayaw kong magpunta ka doon sa birthday niya.." sagot niya at umupo sa tabi ko.

How great is your love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon