Chapter Twenty

309 8 0
                                    

Mahal kita.

--

Nasundan ang isa kong pagpunta sa boarding house ni Paul ng dalawa, tatlo, apat hanggang sa hindi ko na mabilang ang pagpunta ko doon. Kilala ko na ang mga kaibigan/tropa niya. Si rey, jayvee, christian, mark, mauie, closa, ren, del at iba pa. Hindi naman sila mahirap pakisamahan in fact kaya nasundan ang pagbisita ko kay paul ay nang dahil sa kanila. Nakakatuwa sila kasama, laging mga nagbibiruan one time nga na kasama nila ako e pinagtitripan nila 'yung mga makakasalubong namin tapos bigla silang tatakbo. Masaya, sobrang saya nilang kasama. 'Yun bang ang comfort zone ko lang dati ay pagkatapos ng school, uwi agad sa bahay e ngayon..umalis na ako sa comfort zone ko at lumipat sa nakakaibang mundo. Mundo nila na hindi naman perpekto, nagkakamali din sila. Si closa, nabuntis niya 'yung girlfriend niya and he said, he had nothing to do with it, papanindigan nalang daw nila but still patuloy pa rin daw siyang mag-aaral. Si ren, close ko siya, kinukwento niya sakin 'yung about sa kanila ni rey. Well, she says mahal na mahal niya si rey pero siya ang hindi mahal ni rey. She also said that she gave everything to him kahit na 'yung napakaimportanteng bagay na nasa kanya ay ibinigay nito dito. Si mauie, talking about him..paul said to me na may gusto daw si mauie sakin, hindi naman ako naniniwala pero nung nakasama ko nga e tingin siya ng tingin sakin. Hindi ko nalang pinapansin.

Kapag minsang maisipan nilang maligo sa dagat e sinasama nila ako. Lahat sila marunong lumangoy except sakin. Nagvovolunteer nga si mauie na turuan ako e ang sabi ko wag na at nakakahiya. Hindi ko pa naman pati siya masyadong kilala. Mahirap na kasing magtiwala sa tao ngayon..baka habang tinuturuan niya ako e iba na ang hinahawakan.

At ngayon papunta na ulit sana ako sa boarding house [na ikalawang bahay ko na din] pero bigla akong hinarangan ni sir gerald. Kumunot ang noo ko sa kanya.

"Saan kana naman pupunta?" Tanong niya

"Kana paul.."

"Na naman?"

Tumango ako.

"Bakit ka ba laging nagpupunta doon?"

"Gusto ko eh. Bakit ba?"

"Puro mga lalaki ang andoon?"

"Eh ano naman?" Mataray kong sagot.

"Ano nalang sasabihin ng ibang tao na babae pa ang nagpupunta sa bahay ng lalaki?"

Sa sinabi niyang iyon parang biglang nag init ang aking ulo. Parang gusto ko siyang sampalin.

"Wala naman kaming ginagawang masama ah? Ano bang problema doon? Ha?"

Napataas ang boses ko nang sumagot ako sa kanya.

"Inaalala lang kita." Wika niya at umiwas ng tingin sakin.

Ano bang pakialam niya kung magpunta ako doon? Di hamak na teacher ko at kapit-bahay ko lang siya, ah? Anong pakialam niya sa buhay ko?

"Wag kana magpunta doon. Umuwi kana lang." Dagdag pa niya. Tumaas ang isa kong kilay.

"Tatay ba kita at inuutusan mo ako sa dapat kong gawin?"

Natahimik siya sa sinabi ko. Nagpatuloy na ako sa paglalakad at nang makarating ako sa boarding house.

"Ba't ganyan ang mukha ng eloy namin?" Wika ni ren atsaka umupo ako sa tabi niya. Bumuntong hininga ako.

"May isang tao na pinipigilan ako na magpunta dito." Sagot ko

"Gerald?" Singit ni paul at mukhang nakuha naman niya na siya nga ang sinasabi ko.

"Mahal ka siguro nun?" Dagdag pa ni paul at nabilanukan ako sa pag-inom ko ng coke.

"Mahal? Psh! Kalokohan niya.." sagot ko at biglang nagring ang cellphone ko. Tumatawag siya. Pinatay ko. Naka five missed calls na siya at sa ikaanim ay si ren na ang sumagot.

Ren: Hihiramin lang muna namin si eloy. Ibabalik din naman po namin.

Siya: Sige. Pakisabi po sa kanya umuwi siya ng maaga. Huwag magpagabi.

Ren: okay, sasabihin ko.

"Eloy..girl to girl question. Boyfriend mo ba ito?" Tanong ni ate ren at umiling ako sabay kain ng cream-o

"Diba sabi ko sayo..si Paul ang gusto ko." Bulong ko kay ren at natawa naman siya.

"Okaaay..sabi mo 'yan e."

"Kapag kasama ko 'yan..naiinis ako parang nainit agad ang dugo ko e kapag si paul..keri lang. Komportable pati ako sa kanya." Sagot ko.

"Basta. Kung sino ang gusto mo e dun ka. Kung sino ang mahal mo dun ka. Kung saan ka masaya dun ka. Kasi kung ang pipiliin mo ay ang hindi mo mahal at gusto..wala kang kaligayahan na makikita dun." Sagot ni ren at ngumiti lang ako. Tama naman siya sa kanyang sinabi. Una palang naman alam ko na kung sino ang gusto ko. Dumating lang si sir para mag pagulo.

Hinatid na ako ni paul sa village namin. Almost six thirty na rin 'yun. Umalis lang siya nang makita niyang hinihintay ako ni sir sa tabi ng kalsada sa may lamp post sa tapat ng kanyang bahay.

"Sorry sa sinabi ko kanina.."

"Okay lang 'yun. Wala kang dapat ikasorry." Sagot ko

"Masyado akong nangingialam sa ginagawa mo. Hindi ko naman intensyon na sabihin iyon..ikaw lang naman talaga ang inaalala ko." Pagpapaliwanag niya.

"Bakit mo ba ginagawa ito?" Tanong ko

"Kasi mahal kita.."

-------

How great is your love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon