ELOYZ POINT OF VIEW
Dinala kami ni Paul sa police station. Nang alisin ni Mama ang sombrero ng jacket ko bigla niya akong hinila papalayo kay Paul. At inutusan naman ni Papa ang guard na tumawag ng police at dalhin siya sa presinto.
"PINILIT MO ANG ANAK KO, ANOO??? KAYA SUMAMA SA'YO!" nangigigil na sabi ni Papa. Alam ko kanina pa siya nangigigil sa galit. Gustong-gusto na niyang saktan si Paul, kanina pa, hindi niya lang magawa kasi ang daming pulis.
"Hindi niya ako pinilit, kusa akong sumama. KUSA akong sumama." Diniinan ko talaga ang pagkakasabi ko ng kusa.
"Nagmamahalan po kami ni Eloyz." Dagdag ni Paul. At halos matawa naman si Papa sa kanyang sinabi. Napaka-pekeng tawa.
"Nagmamahalan? At sa tingin niyo..ang ginagawa niyo..ay dahil sa nagmamahalan kayo? May naghihintay sa'yo..Eloyz. Hinintay ka niya, napakatanga mo. Hindi ko alam na may anak pala akong tanga, you are such a disappointment to me! Pinahiya mo ako..sa mga kaibigan ko..sa harap ng maraming tao!"
Sa lahat ng sinabi niya sakin dati..eto na ang pinakamasakit na narinig ko mula sa kanya. Napapikit nalang ako at napahawak ng mahigpit sa aking damit.
"Pa, tinanong mo ba ako kung gusto kong magpakasal sa kanya? Hindi mo man lang ako tinatanong kung okay lang ako. Gusto mo laging gusto mo ang sinusunod ko. Ngayon lang Pa, gusto ko at kung saan ako masaya naman ang pinili ko.." Napatigil ako sa pagsasalita nang biglang dumating si GJ pati na ang mama niya. Iniwas ko kaagad ang tingin ko sa kanya.
Lumapit na sa amin ang pulis.
"Hindi namin pwedeng kasuhan si Mr. Manrique nang kidnapping dahil ang anak niyo ay kusa naman palang sumama sa kanya. Siguro mas mabuti pag-usapan niyo ito nang maayos dahil hindi na kami pwedeng mangialam sa problema ng inyong pamilya." Sabi ng pulis
"Okay po. Sige po. Kami na po ang aayos nito." Sagot ni Mama atsaka lumapit kay Papa.
"Umuwi na tayo Eloyz." Dagdag ni Mama pero hindi ako kumibo.
"Paul.." sabi ko at tumingin sa kanya
"Sige na. Okay lang ako. Umuwi kana." Sagot niya pero hinawakan ko ang kamay niya at umiling-iling.
"Paul, ayoko.."
"Sumama kana sa kanila."
"Paano ikaw?" Tanong ko
"Sasama siya samin..." Napatingin ako kay GJ. Anong ibig niyang sabihin?
"Siya..ang kapatid ko. At sa amin na siya uuwi."
Napatayo ako dahil sa kanyang sinabi. Pati ang mama niya ay nagulat.
"S-siya ang kapatid mo? S-siya si Christian? Jusko..." Napahawak sa dibdib si tita. Nakikita ko ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata hanggang sa ito ay tumulo. Lumapit ito kay Paul at niyakap na halos mapaluhod na.
"Patawarin mo ako anak. Hindi ko sinasadyang iwan ka. Patawarin mo ako. Ang tagal kitang hinanap pero hindi ka namin matagpuan..patawarin mo ako sa mga araw na wala kami sa tabi mo. Patawarin mo ako sa hindi paggabay sa'yo..patawarin mo ako. Christian..sumama kana samin. Umuwi kana..ang tagal naming hinintay ang araw na ito. Miss na miss ka na namin...." Napuno ng kalungkutan ang buong paligid. Natahimik ang lahat katulad nang madahang pagdampi ng hangin sa aking pisngi.
Tahimik lang si Paul. Sa sahig lang nakatingin. Nararamdaman ko ang galit niya..at alam kong pinipigilan niyang tumulo ang kanyang luha.
Nakatingin lang ako sa kanila. At pinukpok ako ng nakaraan. Kaklase ko si Paul, nang halos dalawang taon, gusto ko siya nang halos tatlong taon, dumadalaw ako sa tinutuluyan niyang bahay, pinapakita niya ang mga picture sa akin, pero bakit ni isang araw hindi ko nalaman o nakitang siya ang nawawalang kapatid nang lalaking mahal ako. Sinasampal na ako nang tadhana sa dapat kong malaman pero bakit hindi ko naramdaman. Bakit kung kalian..ginawa ko ang gusto ko at nagsama kami ni Paul doon palang nalaman ang katotohanan.
![](https://img.wattpad.com/cover/46904489-288-k774023.jpg)
BINABASA MO ANG
How great is your love?
General Fiction"There is only one great love in the life of a person." (Completed) ~Credits sa book cover :)