Chapter Ten

370 14 0
                                    

Kung sino ang lagi mong nakakasama at napapangiti ka, doon ka may tendency na mafall.

----

Pagdating ko sa bahay, nakahilera sa may pintuan si mama, papa at keith habang nakacross arms.

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Papa

"Nagsimba pa po kami.."

"At sino 'yung naghatid sayo?" Tanong ni Mama. Naalala ko 'yung polo na nasa ulo ko, agad ko itong kinuha. Si keith naman parehas nakataas ang kilay sa akin.

"Disiplinahin mo nga Maine ang anak mo..baka mamalay-malay tayo si eloyz buntis na. Alam mo naman ang mga kabataan ngayon, keaagang magasawahan. Hindi man lang inisip ang mga paghihirap ng mga magulang nila para sa pag-aaral nila tapos mag-aasawa lang. Ayaw ka naming matulad sa kanila, Eloyz kaya magayos ka sa pag-aaral at hindi puro lakwatsa ang alam." Sabi ni Papa. Napatungo nalang ako at hindi na nagsalita.

"Sa susunod na may lakaran ka, magtext o tumawag ka samin para alam namin kung nasaan ka. Seven o'clock ang curfew mo, bakit kadadating mo lang?"

Ayokong magsalita dahil hahaba ang pagbubusa ni papa sakin.

"Sorry po. Hindi na mauulit." Sambit ko

"Magpalit kana ng damit..pagkatapos mo bumalik ka dito at kakain na tayo." Dagdag pa ni Papa.

Umakyat na ako sa kwarto at nagpalit na ng damit. Pinatuyo ko na din ang buhok ko atsaka bumaba na at kumain. Pagkatapos naming kumain, naghugas ako ng pinggan at pagkatapos ay umakyat na ako sa taas.

"Ate.." napatingin ako kay keith na tinawag ako.

"Bakit?"

"'Yung nagpupunta dito sa atin pag minsan..si marie ba 'yun? Nung pauwi na ako nakasalubong ko siya, umiiyak. Baka may problema 'yung kaibigan mo, Ate.."

"Malaki ang problema nun. Sobrang laki. Hindi ko nga alam kung masosolve niya ang problema niya, ako na nga lang nagpapalakas ng loob nun pero alam ko kaya niya 'yun." Sagot ko atsaka kinuha ang cellphone ko sa bulsa ng aking damit atsaka tinawagan si Marie.

Sa ikalawang ring ay sinagot naman niya agad.

Marie: Buti napatawag ka, eloyz. Kailangan kita ngayon, pwede mo ba akong puntahan.

Ako: Oo naman, asan ka ba?

Marie: Nandito sa seven eleven.

Ako: sige, papunta na ako.

*End

"San ka?" Tanong ni Keith

"Pupuntahan ko lang si Marie. Sabihin mo kay mama at papa na kailangan ako ni Marie. Hindi ko pwedeng pabayaan ang nangangailangan." Sabi ko at nagtatakbo na pero bigla akong napatigil at napatingin kay mama at papa na nanonood ng Way back home sa Cinema One.

"Saan ka na naman pupunta?"

"Si keith nalang po ang magpapaliwanag sa inyo.." sagot ko at napatingin kay keith na pababa ng hagdan. Kinuha ko ang payong at jacket na nakasabit sa gilid ng pinto at lumakad na papalabas ng bahay.

Nang makarating ako sa labasan, nakasalubong ko ang hindi ko inaasahan. Napatigil ako sa paglalakad ganun din silang dalawa na magkasukob sa isang payong. Kung pwede lang ulit na sabihan sila ng WALANG FOREVER katulad ng sinabi ko sa kanila dati nung nakasalubong ko sila. Her thin black eyebrows lift up asking don't-block-our-way.

Gusto kong sabihin kay Paul na niloloko ka lang ng girlfriend mo, wag kang tanga, may karelasyon 'yang iba dinala pa nga sa CR e kaya kung pwede, iwan mo na siya, maghanap kana lang ng iba, okay lang kahit hindi ako ang matagpuan mo basta 'yung hindi ka lolokohin at mamahalin ka ng totoo at 'yung naaappreciate 'yung pagmamahal mo. At para kay Nikita, wala akong gustong sabihin sa kanya, may gawin meron. Gusto kong sabunutan siya hanggang sa makalbo para wala na siyang ibang malandi na lalaki. Ipapatorture ko siya sa mga gangster hanggang sa magtino na siya. Pero ako ang lumalabas na kontrabida sa lovestory nilang dalawa. Pero alam ko naman pati sa sarili ko na kahit ano pang isipin ko, ano pang sabihin at gawin ko sa kanila, ako pa rin ang talo. Parang nga ako lang nagpapagulo sa kanila...

How great is your love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon