GERALD JUSTIN POINT OF VIEW
Pagkaharap niya sa pintuan ng kwarto niya kung saan nakatayo ako bigla siyang nagtanong..
"Kanina kapa diyan?"
"Hindi naman ..masyado." Sagot ko were in fact narinig ko ang pag-uusap nila.
"Ahh.." sagot niya atsaka umupo sa kama niya. Lumapit ako.
"May problema ba?" Tanong ko at tumingin siya sakin.
"Pwede bang samahan mo akong magpunta kay Paul?" Sagot niya. Si Paul. 'Yang pangalan talaga na'yan ang ikinaiinis ko sa lahat. At dahil alam kong tuluyan na kaming makakasal..sige papayagan ko siyang makipagkita kay Paul.
"Okay." Sagot ko at ngumiti siya sakin. Niyakap niya ako at tuwang-tuwa na nagsabi nang..
"Thank you." Hinaplos ko ang buhok niya pababa at hinalikan sa may tenga niya.
"Ito na ang last na pagkikita niyo. Promise me that. You will be mine next week and I want you to say your last goodbye to him."
Kumalas siya ng pagkakayakap sakin. Wala akong narinig na "oo" o kaya tango man lang. Hindi niya kayang gawin ang gusto ko.
"Eloyz.." wika ko at tumingin siya sakin. Parang wala man lang narinig sa sinabi ko kanina eh. Inintindi ko nalang siya tutal sanay naman na ako ang umiintindi sa kanya. Ewan nga kung bakit mahal na mahal ko itong babae na ito. Isang araw kasi..nagising nalang ako mula sa pagkakapanaginip ko sa kanya. Tinatawag niya ako, hinihintay niya ako. Actually, I don't have any idea na siya na pala 'yung kaibigan ko, simula nung magkita kami na nakita ko siyang binabato ang bahay ko dahil napakalakas ng tugtog ko. Akala ko nga lumipat nadin sila ng bahay, hindi pa pala. At eto ako ngayon..hindi mapalagay ang loob ko kapag hindi ko siya nakikita araw-araw.
"Alam mo naman dibang hindi ko kayang gawin ang sinasabi mo." Sagot niya
"Kapag ikinasal na tayo..ang mga mata mo sa akin lang nakatingin." Sound selfish pero..ayoko ng mawala siya sakin. Ayokong iwan niya ako.
"S-sige." Sagot niya. Gusto kong isipin na sumasang ayon siya sa gusto ko pero hindi matanggap na dibdib ko na pilit niya lang iyon sinagot para matapos na ang pag-uusap namin. Hinawakan ko ang kamay niya at lumabas kami ng bahay. Nagpaalam kami sa mga magulang namin na may pupuntahan lang kami saglit. Hiniram ko din ang kotse ng stepfather ko para hindi na kami magcommute, masyado pating maiinit ngayon.
"Saan ang bahay ni Paul?" Tanong ko
"Diretso lang tapos kakanan ka kapag may nakita kang bakery shop." Sagot niya habang hindi tumitingin sa akin.
Ilang minuto lang ang lumipas ay pinatigil na niya ako sa pagdrive.
"Sa tabi mo nalang ipark ang kotse." Sabi niya at 'yun nga ang ginawa ko. Lumabas na kami ng kotse at pagkatapos ay umakyat kami sa hagdan. I bet alam na alam niya kung ilang steps mayroon ang hagdan na ito. Pagkatapos naming makadaan sa hagdan ay kumaliwa kami sa daang may tindahan, kumaliwa ulit at kumaliwa at..bigla siyang napatigil sa harap ng isang bahay na kulay blue. Apat na palapag, at maraming nakasampay na damit sa itaas. May bayabas na nakatanim sa gilid nito at may mangilan-ngilang rose ang nakatanim sa harap ng bahay. Pumasok siya sa bahay at sumunod naman ako.
"Si paul?" Tanong niya sa lalaking matangkad na payat at may hikaw sa tainga. Mukhang adik. Hindi ko alam paano naging kaibigan ni eloyz ang mga ito, di hamak naman na mas matino ako sa mga ito.
"Nasa kwarto niya yata. Teka, tatawagin ko lang."
"Sige, salamat." Sagot ni eloyz at saglit lang mula sa pagkakatawag ay lumabas na si Paul sa lungga niya. Napakunot ang noo niya nang makita ako.
"Anong ginagawa mo dito?" Sa boses niya ay may pagkainis. Aba, umayos ka ng pananalita mo at baka kita masapak.
"Gusto sana kitang makausap."
"Tungkol saan?"
Hindi agad nakasagot si eloyz. Hinawakan ko ang kamay niya kung saan napatingin si Paul.
"Tara na nga, eloyz." Sabi ko pero hindi siya nagpapigil. Nakatayo pa rin siya, nakatingin kay Paul.
Biglang may dumating na babae. Mataba siya at mahaba ang buhok.
"rey, labas na muna tayo. Hayaan natin silang mag-usap." wika ng babae at isinama nila ako palabas. Pagkalabas ko ng bahay ay muli ko pa silang tiningnan.
Sinama nila ako sa tambayan nilang parang waiting shed.
"Ano ka ni Eloy?" Tanong nung babae. Bigla naman akong napaubo dahil sa usok na ibinuga nang lalaki na kasama namin na wari ko'y si Rey.
"Sorry, pare."
"Hindi okay lang."
"Girlfriend mo ba si Eloy?" Tanong ni rey na naninigarilyo
"Hindi pero..magiging asawa ko na siya."
"What do you mean?" The girl asked
"Ikakasal na kami next week."
"Ah, kaya pala kahapon pa nakakulong sa kwarto niya si Paul." sagot nung babae
"Parang aga naman yatang ikasal ni Eloy..ang alam ko 18 palang 'yun." singit ni Rey
"Magulang namin ang nagdecide. At kaya kami naparito ni Eloyz..ay para makapagpaalam na siya kay Paul. Ayoko kasing nakikipagkita siya dito." sagot ko
"Kung kailan mahal na ni Paul si eloy..dun pa siya mawawala. Saklap naman." wika ni Rey
It's not my fault anymore na mahalin na niya si eloyz. Marami pa namang babae diyan na pwede niyang mahalin.
Ilang minuto lang ang makalipas ay dumating na si Eloyz. Tumingin lang siya saglit sa amin at nagdire-diretso na ng lakad.
"Mauna na kami." sabi ko sa dalawang kausap ko kanina. Pumasok na siya sa kotse at ako din. Habang nasa biyahe kami ay tahimik lang siya. Sa malayo nakatingin.
"Anong pinag-usapan niyo?" Tumingin siya saglit sa akin.
"Mahal niya daw ako. Wag ko daw siyang iwan. Wag daw ako magpakasal sa'yo." sagot niya at sabay pahid ng luhanng tumulo sa kanyang mata. Itinigil ko sa tabi ang kotse.
Pinaharap ko siya sa akin at ako na ang nagpunas sa luha niya.
"Anong magagawa mo para samin, Gerald?" Tanong niya
Ilet go ka. Palayain ka. Isacrifice ko na naman ang kaligayahan ko kagaya ng ginawa ko dati. Huwag ng ituloy ang kasal natin. Alin man dito sa sinabi ko sa isip ko..walang lumabas at pinairal ko pa rin ang pagmamahal ko sa kanya.
"Wala akong magagawa." sagot ko na kunwari'y hindi alam ang sagot sa tanong niya.
Ipinagpatuloy ko nalang ang pagmamaneho.
"Mahal mo rin siya, ano?" Tanong ko
"Ako, mahal mo din ba?" tanong ko ulit pero hindi siya sumagot. Iintindihin ko nalang ulit ang nararamdaman mo tutal..'yun naman ang role ko sa buhay mo. ang intindihin ka ng paulit-ulit kahit hindi mo naiintindihan ang nararamdaman ko.
----
![](https://img.wattpad.com/cover/46904489-288-k774023.jpg)
BINABASA MO ANG
How great is your love?
General Fiction"There is only one great love in the life of a person." (Completed) ~Credits sa book cover :)