Chapter 41

255 9 0
                                    

Siya na naman ang pinili ko. Paghihintayin ko na naman si Paul..palalagpasin ko na naman ang pagkakataon sa aming dalawa at may mangyayari na naman sa kanya na hindi ko magugustuhan.

Siya na naman ang pinili ko dahil..nasasaktan ko siya. Siya na naman pinili ko dahil..nasasaktan ako ni Paul. I never wanted to hurt and I never wanted to be hurt..saan ako lalagay? Kahit sino piliin ko..may nasasaktan.

Tahimik lang kaming naglalakad. At nararamdaman ko ang cellphone kong vibrate ng vibrate sa aking shoulder bag. Alam ko si Paul ang tumatawag..

Nasa tapat ng kami ng gate ng bahay namin..at nag-aalangan ang paa ko na pumasok sa bahay namin.

"Okay lang..kahit hindi muna natin sila kausapin." Sabi niya

"Sabihin mo sakin kung anong dapat kong gawin?" Sagot ko at humarap sa kanya.

"Akala mo ba ikaw lang ang nasasaktan? Ako din..nasasaktan din ako. Hindi lang ikaw ang nahihirapan sa sitwasyon natin.." dagdag ko atsaka pumatak ang luha kong maiinit.

"Walang tayo? Walang meron satin..wala pero bakit pinipilit nilang magkameron? Ayaw na kitang saktan..hindi na kita sasaktan kaya..papayag na ako. Magpapakasal na ako sa'yo." Saad ko at pinunasan ang aking luha.

Paalam na Paul.

Pumasok na ako sa loob ng bahay. At napatingin silang lahat sa akin. Nakita ko ang mama ni Gj na nakangiti sa akin at ang stepfather niya..pati na rin ang bunso niyang kapatid. Nasa salas silang lahat at ngiting-ngiti..pati na si Papa. Ang saya-saya niyo pero ako..kami..hindi niyo nararamdaman ang alambreng pilit na itinatali niyo sa amin.

"Kanina pa namin kayo hinihintay.." wika ni Mama at ramdam kong si Gj ay nasa likod ko na

Lumapit ako sa kanila at nagmano pati narin sa mama at stepfather ni Gj. Umupo na ako sa couch.

"Napakaswerte ni Gj sa anak mo..talagang inalagaan ng mga magulang." Sabi nung stepfather nya

"Kaya nga ayaw naming mauwi lang siya kung kanino. Ngayong parehas na silang nandito..pag-usapan na natin ang kasal."

"Upo ka dito Gj." Sabi nung mama niya sa kanya at umupo naman siya. Sa sahig lang ako nakatingin.

"We decided na December 18 kayo ikasal..okay lang sa inyo?" Wika ni Papa sabay tingin sa akin

December 18? December 10 na ngayon..8 days nalang?

"Gj..okay lang sa inyo?" Tanong ni Papa

"Uh..o-opo." Sagot ni Gj

Pinagusapan din nila kung saang simbahan kami ikakasal, saan ang venue at ang mga taong bibigyan ng invitation at iba pa. At nang matapos na sila sa pag-uusap ay pumanhik na ako sa aking kwarto. Huminga ako ng malalim..sobrang lalim. Nagpalit na ako at tiningnan ang phone ko. 20 missed call from Paul. Pinatay ko ito at inalis ang battery at tinapon. Pagkatapos kong magpalit ay bumaba na ako..at naabutan kong nag-uusap pa rin sila. Hindi ko sila pinansin at hinayaan lang mag-usap. Lumabas na ako ng bahay.

"Saan kana naman?" Alam niyo na kung sino ang nagtanong.

"Kahit saan.." sagot ko

Pumunta ako sa pinakamalapit na inuman sa labas ng village namin.

"Iinom ka?"

"Obvious naman diba?"

"10 beer po.." sabi ko sa waiter

"Okay kalang? Umiinom ka pala?"

"Ngayon palang ako iinom."

"Ah. Bakit ang daming beer? Kaya mo 'yan?"

"Kaya siguro.." sagot ko atsaka dinala na sa lamesa ang beer. Tinungga ko ang isang bote ng beer at inubos..napapikit nalang ako sa iba ng lasa ng alak.

Dalawa..

Tatlo..

Apat..

Wala pa sa lima ang nauubos ko ay umiikot na ang paningin ko.

"Inom ka..mahal kong asawa." Saad ko at ngumiti ng kasing pait ng alak na iniinom ka.

"Papagalitan ka ng papa mo. Yari ka dun."

"Okay lang. Pagalitan nila ako kung gusto nila. Ginagawa nila ang gusto nila kaya gagawin ko din ang gusto ko." Sagot ko at tinungga ang ikalimang bote ng beer.

Tumabi siya sa akin at inilagay ang kamay ko sa balikat niya.

"Iuuwi na kita.." sabi na atsaka inalalayan akong tumayo.

"Teka..sayang 'yung limang bote ng beer."

"Hayaan mo na 'yun. Umuwi na tayo." Sagot niya. Tumigil kami sa counter at binayaran niya ang beer na inorder ko.

Pinasakay niya ako sa likod niya dahil hindi ko maituwid ang lakad ko at nang mangalay siya ay kinarga naman niya ako.

"Oh, anong nangyari sa kanya?"

Nasa bahay na pala kami.

"Nag-inom po eh. Sorry papa. Kasalanan ko kaya siya uminom. Sorry po."

"Iakyat mo na siya sa kwarto niya. At pagkatapos humingi ka sa mama mo ng towel."

"Opo."

"Ibaba mo na ako. Kaya ko na ang aking sarili." Sabi ko sa kanya at ibinaba naman ako

"Kukuha lang ako ng basang tuwalya nang mahimasmasan ka." Bago pa siya makalabas ng kwarto ko..humarang ako sa pintuan atsaka hinalikan siya. Mainit, matamis at naghahalo ang laway ko sa kanyang labi. Hinubad ko ang tshirt ko para makawala ang init na nararamdaman ko. Hinubad ko ang suot niyang damit at hinawakan ang kanyang katawan.

"Teka..eloyz." kumawala siya sa pagkakahalik ko

"Wag muna. Hindi pa tayo kasal."

"Iadvance na natin. Doon din naman ang tuloy nun." Sagot ko at muli siyang hinalikan.

-----

How great is your love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon