No matter what we do, it wouldn't change the fact that you can't go back to the past..
---
Kung alin pa ang ayaw mo..'yun pa ang ipipilit ng universe na magkaroon ka. O kung alin pa ang ayaw mong makita, 'yun ang ipapakita ng universe sayo o kung alin pa ang ayaw mong malaman, gumagawa pa rin ang universe ng paraan para malaman mo.
Pagkapasok ko sa room kinabukasan, ang prof namin ay pinapagalitan ang mga kaklase ko. Walang nangyaring debate, dahil naunahan kami sa pagreserved ng canopy. Wala na kaming venue para sa debate, lahat ng avr ay nakareserve na din dahil sa education week.
"Puro puso kasi ang inuuna..guys, gamitin din naman ang utak. How can you be an effective leader kung sa simpleng gawain na 'yan ay hindi niyo mapasunod ang constituents nyo. Puro kayo asa at sisihan..kapag isa lang ang gumagalaw sisisihin ang umaako ng gawain, kapag hindi kumikilos, sisisihin din. Guys..wag kayong selfish sa isang gawain..'yan pa nga lang hindi nyo kaya what if pa kaya kung kayo na ang mamahala sa isang organization.."
Tiklop ang bibig naming lahat.
"A good leader is a good follower..pero hindi..hindi nyo kayang mapasunod ang mga kaklase niyo."
"Second chance sir.."
"Wala. Wala ng second chance. Kung paulit-ulit nyong gagawin yan ay hindi talaga kayo magbabago. Tama na ang isang pagkakataong binigay ko sa inyo..sinayang nyo lang eh. Almost 1 week akong wala, umaasa ako na polish na 'yang debate na 'yan pero hindi pa pala. Nagsu-sugar coat kasi kayo..sasabihing okay were in fact, ang dami pang problema. Sabihin niyo kasi ang totoo para walang umaasa."
Buong period namin ay ganyan si sir. Well, tama naman siya. Sa tinagal-tagal na wala siya, sinayang lang namin ang araw para magawa ang debate na 'yun. Nakakapanghina..singko na yata talaga kami sa debate.
Pagkatapos ni Sir magsermon sa amin ng mga kaklase ko, kanya-kanya na kaming nagsilabasan ng room. Kinuha ko naman ang phone ko at tiningnan kung may nagtext at meron nga.
PAUL : Bhie, nasaan ka?
Napakunot naman ako ng noo.
AKO : Wrong send?
PAUL : Hindi ah. Para sayo talaga ang text na 'yan. So, nasaan ka bhie?
Automatic akong napangiti.
AKO : Nasa school po ako, bakit?
PAUL : Punta ka dito sa coffee shop.
AKO: Okay, bhie? Haha :D
PAUL: Ingat ka bhie :)
Lumakad na ako papunta sa coffee shop na pinagtatrabahuhan ni Paul. Nang makarating ako..nagwave hands lang ako sa kanya at ngumiti. Nagpaalam siya sa kanyang boss atsaka inalis ang apron at nagpunta sa aking kinauupuan. Magkaharapan kami at kita ko ang pawis na tumatagaktak sa kanyang noo.
"Favor naman..pakipunasan ang noo ko." Sabi atsaka ngumiti. Kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ang noo niya at nastuck ang tingin ko sa labi niya. NOOO! Leave that memories..naaw-awkwardan ako. Gesh. Dinali-dali ko ang pagpunas ng pawis sa kanyang noo.
Umayos ako ng pagkakaupo atsaka tinanong siya..
"So, ano ang problema mo?" Tanong ko. Kanina lang nakatitig siya sakin..ngayon malayo na at sa ibang direksyon nakatingin. Dinig ko ang pagbuntong-hininga niya ng malalim.
"Magiging tatay na ako."
Malinaw ang pagkakasabi niya pero parang nabingi ako dun. Nastuck sa tenga ko at ayaw magprocess sa utak.
"Hindi naman namin sinasadya. Gumamit naman ako ng protection pero.."
"Paano nangyari 'yun?" Pinilit ko ang sarili kong maging kalmado even though there was a part in me na nasasaktan.
"Noong birthday ni mark..sa boarding house siya natulog. Kaibigan din kasi siya ni mark e wala nang matulugan noong time na 'yun..ako lang ang hindi lasing sa barkada dahil nga hinihintay kita..tapos 'yun..ihahatid ko na siya sa bahay nila pero sabi niya malayo daw 'yun kaya..sa boarding house nalang siya natulog. Tapos..may nangyari."
"Sineduce ka niya? O talagang nagpadala ka.."
"Malandi 'yung babae.." sagot niya at tumingin ako kay Paul
"Sabi niya..hindi pa daw siya nadadatnan..tapos gusto niya daw kain lang siya ng kain ng prutas." Dagdag niya
Parang gusto kong sisihin ang sarili ko dahil sa hindi pagpunta kana mark.
"2 weeks na akong umiiyak..hindi lang ako nagpapahalata sa mga kaibigan natin."
Tumayo ako..lumapit kay Paul at niyakap siya. Wala kang kasalanan. I wanted to tell him that but I think it's best na yakapin lang siya hanggang sa gumaan na ang loob niya.
"Salamat..eloy." saad niya
"Sana ikaw nalang 'yun. " dagdag pa niya kaya napatigil ako sa paghagod ng kanyang likod.
"Sana noon palang sinabi ko ng gusto din kita."
Gusto din niya ako?
Lumuwag ang pagkakayakap ko sa kanya.
"Bakit ngayon mo lang sinabi kung kailan hindi na maibabalik ang lahat?" Sagot ko at parang may kung ano sa lalamunan ko na pumipigil sa pagtagas ng aking luha.
"Tatlong taon kitang gusto, tatlong taong naghintay na sana magustuhan mo din ako, tatlong taon kitang pinagpantasyahan sa panaginip ko pero bakit ngayon lang..bakit hindi pa noong gustong-gusto kita?"
"Sapat na ba ang sorry para masuklian ang tatlong taon na paghahabol mo sakin?"
"Paul naman..nandito lng naman ako lagi ehh. Araw-araw pwede mo akong makita, sa oras na dumadaan maaari mo akong tawagan..hanggang ngayon gusto pa rin naman kita ehh." Ngumiti siya sa sinabi ko
"Oo, alam ko andiyan ka lang kaya nga nagsisisi ako kung bakit hindi ikaw.."
Binalot ng kalungkutan ang bawat dugong dumadaloy sa ugat ko. Kung bakit hindi ikaw na yata ang narinig kong pinakamasakit na salita. 'Yung hindi ikaw ay kailanma'y hindi magiging "Oo, ikaw..." lalo na kung hindi hindi nga talaga magiging ikaw.
Kinagabihan, hinatid niya ako pauwi. Sa paglalakam namin ay napapatanong ako sa Universe kung bakit hindi kami binigyan ng pagkakataon ni Paul para subukang mahalin ang isa't-isa? Bakit sa iba ibinigay, bakit hindi sa akin? Dahil ba sa hindi si Paul mismo ang hiniling ko noong birthday ko? Pwede namang maging kami ni Paul pag 23 years old na siya o pwede namang maging kami ni Paul kapag 22 na ako. Malinaw naman 'yung pagkakasabi ko sa gusto ko. Oo. Ibinigay nga pero ang sabi ko mahal ko at mahal ako..pero mahal ko siya NOON, mahal niya pa rin ako hanggang ngayon pero noon yun ehh, hindi magiging noon ang ngayon!
Napatigil kami ni Paul sa paglalakad nang may tumigil na kotse, nasa tapat na rin kasi kami ng bahay namin at ang inilabas ng kotse na iyon ay si Papa. Nastuck ang tingin ni papa sa akin samantalang napatungo nalang ako.
"Pa, si Paul po." Sabi ko atsaka tumingin kay Paul
"Pumasok kana sa loob." Wika ni Papa, ngumiti lang ako kay Paul at pumasok na ako sa loob ng bahay namin. Sana naman walang sinabi sa kanya si papa, kinakabahan kasi ako.
----
BINABASA MO ANG
How great is your love?
General Fiction"There is only one great love in the life of a person." (Completed) ~Credits sa book cover :)