Chapter Eight

493 12 0
                                    

Isang umaga, magigising kana lang na may nagmamahal na sayo.

--

Pagkagising ko ngayong umaga, halos hindi ko na magalaw ang kanan kong binti. Iyon kasi ang napuruhan pero 'yung likod ay hindi naman nagasakit kaya eto ako ngayon, papilay-pilay ang lakad papuntang school. Pagkarating ko sa school, agad akong hinila ni myka papunta sa kanya.

"Nauna kalang kay sir ng 5 seconds papasok ng school, pilay din ang lakad niya kagaya mo. May nangyari sa inyo, ano? Wag mo itanggi. Bumukaka ka kaagad dahil alam mong gwapo?"

Binatukan ko si Myka para naman bumalik sa katinuan. Kung ano-ano ang pinagsasabi, as if naman na gagawin ko 'yun. Kahit pa yata si sir na ang natitirang lalaki sa buong universe e hindi ako bibigay.

"Baliw ka. Umayos ka nga, Myka. May makarinig sayo dyan eh." Sagot ko at umupo na sa upuan ko. Sumunod siya sakin.

"Nagbrown out kagabi, diba?" Sabi ko at tumango naman siya.

"Mas maganda maganun kapag walang ilaw.."

Uh! Hindi ko na alam ang gagawin sa babae na'to!

"Andoon ako kagabi sa bahay ni sir. Kukuha sana ako ng quiz tapos biglang nawalan ng kuryente. E kinuha namin 'yung cellphone niya sa taas tapos pagbaba namin sa hagdan e nadulas ako, napasama si sir, nagulong-gulong kami kaya eto ang resulta." Paliwanag ko at binigyan naman niya ako ng weh-look.

"'Yan sa dami ng lugar sa hagdan pa talaga.."

Hayys.

"Sa bagay mas interesting dun!"

-_____-

Lumabas nalang ako ng room at nagtahan sa  ikalimang baitang ng hagdan na matatagpuan malapit sa comfort room ng babae. Sa kabilang gilid naman ng hagdan ay matatagpuan kang photocopy center at sa taas naman matatagpuan mo ang faculty room ng katabi naming department which is the school of arts and sciences.

Maraming tao ang nagsisidaanan sa hagdan na kinauupuan ko. Buti nga walang nagrereklamo na umalis ako dun dahil sagabal ako sa paglalakad nila. Nangalumbaba ako doon at napansin ko si Paul na nakatayo malapit sa flagpole at may tinitingnan siya mula sa malayo. Lumapit ako sa kanya at tiningnan kung sino ang tinitingnan niya and that was her girlfriend flirting with tall dark and handsome guy at sa pagkakatanda ko ay ito 'yung kasama niya sa CR nung isang hapon.

Lumapit ako kay Paul, humarang ako sa harap niya at nakuha ko naman ang atensyon niya.

"So, what are you going to do now? Kitang-kita ng dalawang mata mo at ng dalawang mata ko ang kalandian ng girlfriend mo. Papatawarin mo pa ba siya? Anong gagawin mo? Hahayaan mo lang sila habang ikaw..nganga? This wasn't a movie, Paul! Magising ka nga! Ipanalangin mo nalang na nagiistage play lang sila..and you know what? 99 na sguro ang grade ng girlfriend mo. Ang galing umarte, eh nuh?!"

"Shut up." He said then walked away.

Two words, six letters that was technically drowned my entire blood to a dry thirsty nerve which you can found in my heart that every beats of it will completely stopped if you didn't bring her in the operation room.

My description in pain is over reacting but it's perfectly obvious that I was really hurt. Ouch. Demmit! Sana hindi nalang ako nangialam. Pakielamera ka kasi eloyz! 'Yan tuloy ang nangyari. 'Yan ang napala mo sa kadaldalan mo!

Sinasabunutan ko ang sarili ko habang pabalik sa hagdan na kinauupuan ko kanina. Aggh! May masama ba akong sinabi sa kanya? Ang point ko lang naman e nagbubulag-bulagan siya sa nakikita niya. Kitang-kita na niya e parang wala pa rin. 'Yan ang mahirap satin e, kapag talaga mahal mo ang isang tao kahit mali ang ginagawa ay pinapatawad mo pa rin. Buti pa 'yung bulag ginagamit ang pakiramdam e samantalang 'yung mga may mata at pakalinaw ng kita nila, sila pa ang hindi gumagamit ng pakiramdam.

How great is your love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon