Chapter Twenty-nine

320 9 0
                                    

Speak now

--

MARIE

Minsan..hindi naman kailangang lagi tayong umasa sa tadhana. Minsan, kailangan din nating pilitin na mangyari ang gusto natin.

"Ikaw nalang kaya ang isama ko sa kasal ni Julie simmon.." wika ni Michael habang naglalakad kami. Napakunot ako ng noo at napaisip sa sinabi niya.

"Ikakasal na siya bukas.." dagdag pa niya.

"Julie Simmon? May lalaking tumatawag sakin na ipinipilit ang gusto niya, ako daw ba si Julie Simmon..e hindi naman ako 'yun." Sabi ko at natawa naman siya.

"Ako 'yun. Ako 'yung tumatawag sayo. Hindi ko ba alam kung bakit number mo ang nakalagay sa sulat.." sagot niya. Kinuha niya 'yung cellphone niya at dinial ang Julie Simmon at nagring naman ang cellphone ko, pinatay niya din naman agad.

"Ako kasi ang maid of honor ng ikakasal. Sinuggest ni Julie na ako nalang daw ang tawagan ng mga guests.." sagot ko. At napatingin naman siya sakin.

"Ano mo siya?"

"Third cousin ko si Julie Simmon. Inaanak din siya ng papa ko. Taga marinduque din 'yun..pero mas pinili nilang dito manirahan. Nakukwento ka niya sakin pero..hindi ko naman akalain na pinsan mo pala si eloyz." Dagdag ko pa at tahimik lang siyang naglalakad.

"First love niyo ang isa't-isa diba?" Sagot ko at tikom lang ang bibig nya. I can see in his eyes..gusto pa rin niya si julie.

"She really wants to see you..michael." dagdag ko ulit. Napatigil na siya sa paglalakad dahil nasa labasan na kami. Pero wala pa rin siyang nasasabi tungkol kay Julie.

"Bukas, na maagang-maaga. Bago pa man siya ikasal..magpunta kana agad sa bahay niya bago pa mahuli ang lahat." Sabi ko ulit. Nagpara na ako ng sasakyan.

"Babanggitin ko nalang sa pinsan ko na nagkita na tayo..asahan ka nun bukas! Magpunta ka hah?" Para na siguro akong tanga, na salita nang salita pero wala namang sumasagot. Kung gaano siya kayabang kanina e ganon din siya katahimik. Sumakay na ako sa taxi at baka ko pa siya mabatukan sa sobrang katahimikan.

Kinuwento na siya ni Julie sakin. Bago pa nga daw sila manirahan dito sa amin e may naiwan daw siya sa marinduque. Akala ko teddy bear ang naiwan niya, hindi pala. At si michael nga ang tinutukoy niya.

Pagkadating ko sa amin ay kana Julie na bahay ako nagpunta at kinausap siya. Nasa sala kami, binigyan niya ako ng juice. Kinuwento ko na sa kanya 'yung nangyari kanina.

"Uyy..meant to be." Ulit pa niya pero kita naman sa boses niya na durog na durog siya.

"Hindi ah..napasakto lang na pamali-mali siya ng save ng pangalan. Masyado yatang naexcite na makausap ka." Naupo siya sa tapat ko na couch at bumuntong hininga.

"Marie..kapag hindi ako kinausap ni Michael o kaya hindi siya makipagkita sakin..ikaw na bahala sa kanya."

"Ano ka? Baliw ito ayy..kung ayaw mo magpakasal ay hindi wag. Ako pa pinasasalo mo nang dapat ay sa iyo."

"Just in case lang 'yun, Marie atsaka..atleast sayo siya mapupunta. Masaya na ako dun." malungkot niyang sagot.

"Ok sige..for you my dear cousin. Ako na ang bahala. Pero alam ko makikipagkita 'yun..gusto ka pa niya. Pakiramdam ko." Sagot ko.

May plano kasing tumakas ang Julie ann na 'yan. Ayaw niya kasing magpakasal sa lalaking papakasalan niya. Papa niya lang ang may gusto at oras na makipagkita si Michael sa kanya..sasama na daw siya pabalik ng marinduque.

"Sana nga..after all these years..naguguilty talaga ako sa pang-iiwan ko sa kanya." Sabi niya atsaka bumuntong hininga ng malalim kagaya ng kanyang iniisip.

"Pero naisip ko..mas okay na din sigurong wag nalang kami mag-usap..masasaktan lang siya ulit." Dagdag pa niya.

"Kausapin mo na..alamin mo lang kung may nararamdaman pa siya sayo at kung wala na eh..wala na. Mahirap pilitin na meron kung wala naman talaga." Sagot ko

"Bahala na Marie...kung anong mangyari bukas. Kung ano ang nakatadhana sakin ay 'yun ang mangyayari.." sagot niya at tumayo na siya at umakyat na sa taas.

"Iwan mo nalang diyan 'yung baso..remind ko lang na gumising ka ng maaga at ikaw ang unang aayusan." Dagdag pa niya at tumango lang ako.

Four o'clock in the morning ay gising na ako. Tapos na akong ayusan..kinakabahan ako pero hindi ko alam kung bakit. Kinuha ko 'yung cellphone ko para matawagan si Michael. Wala pa yatang balak sumipot 'yun ah. Nagriring lang siya pero walang sumasagot.

Seven o'clock na at wala pa rin siya. Ilang sandali lang ay dumating na si Julie. Nakapag usap na kaya silang dalawa? Nagpunta na ako agad sa kanyang likuran at inalalayan ang wedding dress. Pilit ang tawa niya..halatang-halata. Nagsimula nang magsalita ang pari. Umupo na ako at hinanap si Michael pero wala talaga siya. Nasaan na kaya 'yun?

"Magsalita ang tutol sa kasalang ito." Naghihintay ako na may sisigaw na michael pero wala. Nagpatuloy nang magsalita ang pari.

Tumayo na ako at lumabas na ng simbahan. Na saktong kadarating lang ni Michael.

"Sabi ko agahan mo.." sambit ko

"Maging masaya nalang siguro ako para sa kanya..siguro..nakatadhana na sakin ang matraffic para hindi talaga makarating dito."

"Hindi naman kailangan lagi tayong umasa sa tadhana..pwede ka namang bumaba sa kotse at magtatakbo papunta dito. Kailanman hindi tayo mananalo sa tadhana..siguro ikaw na mismo dapat ang lumaban para sa gusto mong mangyari." Sagot ko

"Hindi ko na kailangang lumaban..magiging masaya nalang ako para sa kanya. Tuluyan ko na siyang ibabaon sa limot..na dapat sana'y dati ko pa 'yun ginawa.." sagot niya at tumalikod na sakin. "Babalik na ako sa Marinduque.." dagdag pa niya and he was about to leave when Julie called him..

"Michael.." napaharap siya sa tumawag sa kanya. Biglang napahikbi si Julie at yumakap dito atsaka lumuhod.

"Sorry..sorry Michael..sorry.." sabi niya habang hawak ang kamay ni Michael at umiiyak.

"Hinihintay kana ng asawa mo..tumayo kana at magpunta sa kanya." Sagot ni Michael at inalalayang tumayo si Julie.

"Patawarin mo'ko Michael sa hindi pagpaparamdam sayo.."

"Ayos lang 'yun..Julie.."

Sa nag-uusap na dating magkasintahan ay basag na tinig ang naririnig ko. Ang pagkikita nila muling dalawa ang tamang panahon na dapat ay sa kanila..ngunit..masakit din isipin na ang tamang panahon din ang magtatapos ng lahat.

"Ikakasal na din ako.." dagdag pa ni Michael

-----

How great is your love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon