Chapter 48

251 10 0
                                    

Malalaman na natin kung ano ng nangyayari sa kanilang dalawa. Thank you sa mga nagbabasa nito at mas lalong thank you sa mga taong nagiging inspirasyon ko sa pagsusulat.

Eloyz POV

Nakahiga kami sa couch. Unan ko ang kanyang braso habang pinagdidikit namin ang kamay namin. Hindi ko alam na kaya ko palang suwayin ang mga magulang ko. I'll never know If I didn't come with him..

FLASHBACK

Nakawedding dress ako habang tinitingnan ang kabuuang katawan ko sa salamin nang biglang may tumawag sa akin.

"Hello?"

"Eloy.."

"Paul?" Napakunot ang noo ko nang marinig ko ang boses niya

"Please..wag kang magpakasal sa kanya." sabi niya. Hindi ako umimik sa kanyang sinabi.

"Nasa labas ako ng bahay niyo. Sumama ka sakin. Ilalayo kita sa kanila." He added

"Paul, tama na.."

"Sakin kana lang sumama.." pilit niya. Napahawak ako sa noo ko.

Huminga ako ng malalim kasabay ng pagpikit nang aking mga mata.

"Naghihintay ako..eloy."

Ibinaba ko na ang aking cellphone at tumingin kay keith.

"Ate, tara na..malalate na tayo." yaya niya sakin. Lumabas na kami ng bahay at nakita kong si Paul ay nag-aabang sa amin.

Napatigil ako sa paglalakad.

"Keith.." Humarap siya sa akin.

"Sasama ako sa kanya. Ikaw na bahalang magpaliwanag kana mama." sabi ko atsaka nagtatakbo papunta kay Paul.

"Ate!" Dinig kong tawag sa akin ni Keith pero hindi ko na siya nilingon. Hawak ni Paul ang kamay ko at patuloy kaming nagtatakbo.

Bigla akong napatigil. Malayo-layo na rin kami sa bahay namin.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"Basta." sagot niya sabay ngiti sa akin. Pinara niya ang jeep na papadaan. Sumakay kami at ang iilan na nakasakay doon ay tumitingin sa akin. Hindi ko nalang pinansin.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinext siya..

Message from me: SORRY.

I texted and then turned my cellphone off. Tumingin ako kay Paul at ngumiti. I know I wouldn't regret who I choose to be with.

Maya-maya'y pinara na niya ang jeep. Nagbayad na siya at bumaba kami.

Sumunod lang ako sa kanya sa paglalakad at tumigil kami sa tapat ng nag-iisang bahay. May naririnig akong mga hampas na alon at wari ko'y may malapit na dagat dito.

"Kaninong bahay ito?" Tanong ko

"Resthouse ito nila Mark, hiniram ko muna at buti nga at pumayag siya." Sagot niya. Pumasok ako sa loob ng bahay. Hindi siya gaanong kalakihan pero okay na. May kokonti siyang gamit.

May couch, may isang kama, may maliit na kusina, kokonti lang din ang gamit sa kusina, at may cabinet din. Lumabas ako ng bahay.

"Wala tayong gamit?" Tanong ko

"Nandyan na ang mga gamit ko, bibili nalang tayo ng mga damit mo." sagot niya

Umupo ako sa may harapan ng pintuan at napapikit nang biglang umihip ang mainit na simoy ng hangin. Umupo din siya sa tabi ko.

"Salamat, Eloy. Sa pagsama sa akin." sambit niya at gumuhit ang ngiti sa aking labi. Tumingin ako sa kanya.

"Matagal ko na'tong gustong sumama sa'yo." sagot ko. Dinikdik niya ako at pasimpleng yumakap sa akin. Nilapit niya ang labi sa aking tainga.

How great is your love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon