Gerald POV
Isang linggo na ang nakalipas. Hindi ko alam kung saan magtatapos ang nararamdaman ko. Hanggang ngayon masakit pa rin..pero wala akong magawa kundi hayaan siya.
Pinapahanap siya sakin ng mga magulang niya pero..hindi ko siya kayang hanapin. O ayaw ko lang talaga siyang hanapin. Hindi ko pa rin sinasabi sa mga magulang ko na nakita ko na ang kapatid ko.
Siguro, dapat akong magpasalamat sa kanya. Sa hindi niya pagsipot kasi..kung natuloy ang kasal namin, hindi ko pa rin makikita ang kapatid ko.
Nasa bahay nila lola ako ngayon. Ngayon nalang ulit ako nakapunta dito matapos ang pangyayaring 'yun.
"Kamusta ang kasal?" Tanong niya. Nasa sala kami ngayon, pinaghanda ako ni lola ng tsaa. Magaling na rin si lolo, nakakapagkwentuhan na rin kami.
"Hindi po siya..dumating." sagot ko. Bago magsalita si lola ay ibinaba niya ang tasang may lamang tea.
"Bakit hindi siya dumating?" tanong ni lola
"Pinili niya ang..mahal niya?"
"Kung ako ang nasa kalagayan ni Eloyz..ganon din ang gagawin ko. Ayokong matali sa taong hindi ko naman mahal..." sagot ni lola
"Kung natuloy ang kasal niyo..ang regalo namin sa inyo..One week vacation sa Paris. Doon nadin sana kayo maghahoney moon pero..hindi naman pala dumating. Hinihintay namin kayo dito noong isang linggo."
Natawa ako sa sinabi ni lolo. Isang araw nasabi sakin ni Eloyz na pangarap niyang makapunta sa Paris. Makita ang eiffel tower pero..kung natuloy ang kasal namin. Nakita na niya sana 'yun.
"Anong nalaman mo matapos ang hindi niya pagdating?" Tanong ni lola
"Kapatid ko po pala 'yung lalaking kahati ko sa puso niya. 'Yun po yung batang hinahanap namin." Sagot ko
"Sa pagbibigay ng pagmamahal..ang dami mong isinakripisyo diba? Ang kasiyahan mo..ang lahat ng dapat sa iyo ay nawala. Pero..wag kang mag-alala may kapalit 'yan. May kapalit ang sakit na nararamdaman mo ngayon."
"Lola, dapat ko pa po ba siyang hanapin?"
"Hindi. Kasi..babalik 'yan kailanman niya gusto. Ang akin lang maging handa ka o maging open ka para sa kanya sa araw na pag-uwi niya." sagot ni lola
Pagkatapos kong makipagkwentuhan kana lola, hindi muna ako umuwi. Nagpunta muna ako sa bahay na matagal ko ng pinupuntahan pero lagi kong natityempuhan na nag-aaway. Sana naman ngayon hindi na.
Gusto kong sisihin ang sarili ko sa mga nangyayari. Sana maaga palang nalaman ko na siya ang kapatid ko. Hindi ko lubos maisip na..ang taong kinagagalitan ko sa lahat ay kapatid ko pala. Wala man lang nagsabi sakin na kapatid ko siya.
tapos ako pa itong inilalayo ang dapat ay sa kanya. I think this time..sa kanya naman. Ibibigay ko na sa kanya. Ibibigay ko sa kanya ang meron ako. Para kahit papaano ay makabawi ako sa mga taong hindi namin siya kasama. Huminga ako ng malalim.
Ibibigay ko na sa kanya ang kasiyahan niya. Palalayain ko na..silang dalawa. On this day I surrender my love..
Bumaba na ako ng kotse. Wala akong naririnig sigawan sa bahay na nasa tapat ko. Nagtawag ako at may lumabas naman na babae na nasa edad 43 na.
"Ikaw na naman?" Iritadong wika ng babae. Inilabas ko ang picture ni christian noong bata pa siya.
"Kilala niyo po ba ang batang ito? Kapatid ko po siya.." Napatungo bigla ang babae. Pinapasok niya ako sa bahay niya.
"Oo. Kilala ko ang batang 'yan. Anak namin. Si Paul. actually, natagpuan lang namin siya sa bus station ng asawa ko. Umiiyak kasi, parang nawawala. Tinanong namin ang pangalan, sabi niya Paul. Kaya Paul ang ipinangalan namin sa kanya."
"Tinanong namin kung alam niya pangalan ng mga magulang niya. Sabi niya hindi daw kaya kami nalang ang kumupkop sa bata. Kawawa naman. Tinrato namin siyang parang tunay na anak pero habang lumalaki siya..araw-araw namin pinapaalala na hindi namin siya tunay na anak para una palang alam na niya."
"Pinag-aral nami siya..hindi siya masakit sa ulo at laging sumusunod sa amin. Ngayon lang naging pasaway 'yan ng maging college na. Naiimpluwensyahan ng mga kabarkada niya. May dinala ngang babae 'yan dito..hindi ko alam ang pangalan pero maputi siya at hanggang balikat ang buhok tapos kapag ngumingiti ay labas ang dimples."
Si Eloyz ang tinutukoy niya.
"Marine Transportation ang kinukuha niyang kurso. Nagboboard siya malapit sa school nila. Hindi 'yan humihingi ng pera sa amin ng ama niya. Nagtatrabaho siya ng kanya paara may ipambayad siya sa school."
"Kukunin mo na ba siya samin?" Tanong nang babae
"Kung ibibigay niyo po.."
"Hindi syempre..pero si Paul na ang pagdesisyunin natin kung kanino niya gustong sumama. Naawa din naman ako sa batang 'yun dahil hindi ko na siya naaalagaan. Minsan nalang kasi umuwi 'yun dito. Ewan ko nga kung dito 'yan magpapasko."
"Alam niyo po ba..kung nasaan siya?" Tanong ko
"Tatlo lang naman ang alam ko na pinupuntahan niyan. School at boarding house at coffee shop kung saan siya nagtatrabaho." sagot niya
"Hindi pa po ba siya umuuwi dito?" tanong ko at umiling ang babae
Tumayo na ako.
"Ah, sige po. Salamat po. Pag-umuwi po siya dito paki sabi po. Hinahanap siya ng kanyang kuya."
"Okay, sige." sagot niya. Hinatid niya ako hanggang gate nila. atsaka nagdrive na ulit ako pabalik ng bahay namin. Napatigil ako sa pagdadrive nang mapansin ko ang dagat na nadadaanan ko.
Itinabi ko muna ang sasakyan at nagpunta sa dalampasigan. Umupo ako sa tabi at pinagmasdan ang mapayapang paghampas ng alon.
Medyo malamig ang hangin kapag sumisimoy. Pasko na mamaya..and the two person we expected to make us happy, to make us complete ay wala.
Ang dalawang taong hinahanap ko ay..ay parehas nang nawala sa akin. Kailan kayo babalik?
---
BINABASA MO ANG
How great is your love?
General Fiction"There is only one great love in the life of a person." (Completed) ~Credits sa book cover :)