Chapter 51

332 9 2
                                    


Kanina pa nakatitig sa kanyang cellphone si Paul, mahigit limang oras na niyang pinagmamasdan ang screen subalit hindi pa rin ito umiilaw. Kanina pa niya hinihintay ang tawag at text ni Eloyz subalit..ni isa ay wala. Dalawang linggo nalang, matatapos na ang training nila. Makikita na niyang muli ang kanyang mahal. Nakahiga na siya sa kanyang kama katabi ni rey, sa bawat kama ay may tigdadalawang nakahiga at bale may dalawampung kama ang nandito.

Nakatitig lang siya sa ceiling ng barkong pinagttraing-an nila habang malalim na nag-iisip kay Eloyz.

Kinabukasan, maaga silang nagising ng mga kasamahan niya. Sama-sama silang naligo at pagkatapos ay isa-isa ng pumila sa harap ng captain nila. Pinagpush up sila ng isang daang beses at halos ganito ang ginagawa nila sa nakalipas na dalawang buwan.

"Kaya pa ba?"

"SIR, YES, SIR!" sabay-sabay nilang sagot.

Seeing the other side of the story, katatapos lang magdiscuss ni Mr. Martinez sa klase nila Eloyz. Sinadya nilang dalawang maiwan sa classroom para masolo ang isa't-isa, agad nilang sinarado ang pintuan ng kwarto at doon parehas na nagnakawan ng halik na tumagal ng dalawang minuto.

"Mamaya.." sagot ni Eloyz atsaka kinagat ang ibabang labi.

"Mamaya.." sagot naman ni Mr. Martinez atsaka ngumiti at bago umalis ay hinalikan pa ang babae.

Pagkatapos ng klase ay magkasabay silang umuwi. Naglakad lang sila katulad ng ginagawa nila dati. Nasa tapat na sila ng kani-kanilang bahay.

"uhmm..pwedeng..sa bahay ka nalang matulog?" Tanong ni Eloyz at napakamot sa ulo si Mr. Martinez.

"Papagudin mo na naman ako no?" sagot niya na natatawa.

"Noo. I just..wanted..that's it."

"Magchecheck pa sana ako ng final exam niyo. But..if that's what you want. Okay."

"I'll wait for you, then.." she said

"Okay." He replied. Pumasok na sila sa kani-kanilang bahay. Bago magpunta sa bahay nila Eloyz ay kumain muna si Mr. Martinez ng hapunan. At pagkatapos, kinuha niya ang mga exams ng mga estudyante niya at doon nalang kana Eloyz, magchecheck.

Pumunta na siya kana eloyz.

"Okay na ulit kayo ni, Ate?" Tanong sa kanya ni keith na kasalukuyang kumakain ng strawberry jam sa sala.

"Yup. Punta na ako sa kwarto niya, hah? Pakisabi nalang kana mama na dito ako matutulog." Wika ni Mr. Martinez at tumango lang si keith.

Umakyat na siya sa taas at pumasok sa kwarto ni Eloyz.

"Ano 'yan?" Tanong agad ni Eloyz pagkapasok niya.

"Mga exam ng estudyante ko."

"Pati ba naman dito?" she murmured

"Konti lang 'to. Sandali lang pati ito." Sagot niya at nagpout lang sa kanya si Eloyz.

"Okay..if..makaconcentrate ka sa ginagawa mo."

"Bakit? Anong gagawin mo?"

"Wait and see." Sagot ni Eloyz subalit umupo na si Mr. Martinez sa kanyang study table at nagsimula ng magcheck ng exam. Samantalang si Eloyz naman..humahanap ng sexy na damit at ng makahanap na, agad siyang nagpalit at lumapit kay Mr. Martinez.

"Hi, Honey..would you like some?..." napatingin sa kanya si Mr. Martinez at natawa lang ito. Hindi effective.

Naghanap ulit siya ng damit at ng makakitang muli ay nagpalit na agad. Lumapit ulit siya sa kanyang siniseduce subalit napailing lang ito. Mukhang napapagod na rin si Eloyz sa pagkuha ng atensyon ni Mr. Martinez kaya humiga nalang ito sa kama niya.

"Ge, goodnight." Sabi niya atsaka nagkulumbot ng kumot.

Nang matapos na si Mr. Martinez sa pagcheck ng exam ay humiga na rin siya sa tabi ni Eloyz na kasalukuyang gising pa rin. Bakit kaya, hindi man lang sumasagi sa isip nila si Paul? Si Paul na umiiyak ngayong gabi dahil hinihintay ang tawag ng mahal niya. Si Paul na hindi na alam kung anong iisipin..

"Wag ka ng magtampo, Eloyz ko." Sabi niya at inalis ang kumot na tumatabon sa kanya. Pagkakita sa kanya ni eloyz ay umirap lang ito. Pinagmasdan niya ang mukha nito at hinahaplos ang buhok.

"I can't believe that you're mine now." He whisphered into her ear at humarap sa kanya si Eloyz. Hinalikan niya ito ng mainit na may kasamang mahigpit na yakap.

Kinabukasan sa gitna nang paglalakad ni eloyz papunta sa classroom nila ay biglang may humigit sa kanya. Kaklase niya lang pala.

"Anong ginagawa niyo?" Tanong niya

"Sumunod ka samin." Sabi ni Mikka atsaka hinawakan ang kamay ni eloyz

"Saan tayo pupunta?" Tanong niya

"Just..wait and see." Sagot ni Mikka. Nagpadala nalang sa kanila si Eloyz at nakarating sila sa fairyland.

"Ano 'to?" Nangingiting tanong niya kay mikka at tinuro niya si Mr. Martinez na kasalukuyang nakatayo. Nang makita niya si Eloyz ay ngumiti siya ng tila isang tagumpay na lalaking walang kahirap-hirap na nakuha ang babaeng gusto niya.

Maraming puting rosas ang nagkalat sa bawat madaanan niya at ang mga putting rosas na ito ang nagsilbing direksyon papunta sa kinaroroonan ni Mr. Martinez at nang makalapit na siya..

"Ano 'to?" Tanong niya ulit

"Itutuloy na natin ang kasal natin.." sagot ni Mr. Martinez. Subalit ngumiti lang si Eloyz na hindi man lang nagdalawang isip na sumang-ayon. Ano nalang ang dahilan niya kung bakit madalian siyang sumasang-ayon sa lalaking katabi niya?

Bukas..hindi ba niya alam na bukas na uuwi ang lalaking sobra ng napapagod sa kanyang training. Kahapon, hindi nagawa niya ng maayos ang pinapagawa sa kanya ng kanyang Captain kaya siya ay naparusahan. Pinagbuhat siya ng napakaraming tumbler na may lamang tubig. Kinaya niyang lahat para sa pangarap niya at para kay Eloyz. At para na rin sa tanong at sagot na kanyang pinanghahawakan kay Eloyz.

Nang matapos na ang kasal. Katumbas ng lungkot at pag-aalala ang ni Paul ang saying nararamdaman nila ngayon. Lumabas na sila sa fairyland at nagtungo sa kanilang bahay na agad nilang pinaalam sa kanilang mga magulang na kasal na sila. Naging masaya nalang din ang mama at stepfather ni Mr. Martinez para sa kanila kahit..marami silang katanungan sa isip nila na gustong sabihin sa dalawa.

"B-bukas na uuwi ang kapatid mo..Justin." wika ng kanyang Mama atsaka tumingin kay Eloyz ng may kahulugan.

"Alam ba ito ng kapatid mo?" Tanong ng kanyang stepfather at umiling si Mr. Martinez

"Alam niyong masasaktan ang kapatid mo?" dagdag ng kanyang mama

"Alam namin Ma, pero hindi naman namin masisisi ang isa't-isa sa nangyari samin." Sagot ni Mr. Martinez

"Okay, I guess..kami nang mga magulang niyo ang magpapaliwanag sa kanya.

"Salamat po.." sagot ni Eloyz.

Pagkatapos nilang kausapin ang kani-kanilang magulang ay nagpunta sila sa dalawang matanda. Ang lolo at lolang nakilala nila noon.

"Mabuti naman mga, Apo. Congratulations at sa tingin ko..maaari na naming ibigay sa inyo ang regalo namin."

"Ano po 'yun?" Tanong ni Eloyz

"Trip to Paris. Gusto naming doon na kayo maghoney moon."

"WOW. Talaga? Paris? Eiffel tower? Absolutely! Salamat po, lola."

"Walang anuman. At..gumawa na rin kami ng testament na sa inyo namin ipamamana ang mga ari-ariang maiiwan namin kapag nawala na kami."

Napatingin si Eloyz kay Mr. Martinez dahil sa pagkabigla.

"Naku, lola. Masyado na pong sobra iyon."

"Hindi niyo na kami maari pang tanggihan dahil naipagawa na namin 'yun sa aming abogado."

"Maraming maraming salamat po, Lola. Tatanawin po naming malaking utang na loob ito." Sagot ni eloyz

"Hala, sige na..Mag impake na kayo at magpunta na sa Paris." Dagdag ni lolo.

"Salamat po ulit." Wika ni Mr. Martinez atsaka tumayo na sila.

-----------

How great is your love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon