GJ POV
KINAUMAGAHAN..
Nagising ako sa higpit ng pagkakayakap ng katabi ko. 'Yung braso ko pa ang unan niya tapos yung hita nakalantay pa sa akin. Ang himbing pa ng tulog. Niyakap ko nalang din siya at hinalikan sa noo.
Inalis ko na ang pagkakayakap niya sakain, tumayo na ako at bumaba.
"Kain kana muna ng almusal. Tulog pa rin ba si Eloyz?"
"Opo, tulog pa po siya. Sa bahay na po ako kakain, paki sabi nalang po kay Eloyz pupuntahan ko nalang siya dito. May lalakaran pa po kasi kami." Tumango lang si mama
Lumabas na ako ng bahay at nagpunta naman sa bahay namin. Naligo na rin ako at pagkatapos ay kumain.
"Hindi mo pa rin natatagpuan ang kapatid mo?" Umiling-iling ako at sabay uminom ng tubig
"May isa pa po kaming lugar na pupuntahan..and I was hoping po na doon siya nakatira."
"Gustong-gusto ko ng makita ang kapatid mo. Ano na kayang itsura niya ngayon? siguro, kamukha mo siya. Kamusta kaya siya. Nag-aaral kaya siya?" Sabi ni Mama
"Kahit ako Ma, marami ding tanong sa isip ko. At masasagot lang ang lahat kapag natagpuan na natin siya.." sagot ko
Nagpunta na ulit ako kana Eloyz. At pagdating ko..kumakain palang siya. Ang bagal talaga niya kumilos. Pakahinhin eh. Hindi pati makabasag pinggan.
"Ate, dalian mo diyan. Kanina pa nagahintay si Kuya." sabi ni Keith na kasalukuyang nanonood ng Victoria's Secret Fashion show
"hayae, sanay naman na 'yang maghintay." sagot pa niya
"Ate, pag napagod 'yan kakahintay sa'yo, ikaw din." Pangongonsensya ni Keith
"Oo na. eto na nga oh. Tapos na." Takot din pala.
"Keith, sabihin mo nalang kay Mama umalis na kami. Hindi na kami babalik dito. Magpapakalayo na kami."
"Sige, ate. Goodluck nalang." sagot ni Keith. Tumawa lang si Eloyz. Lumabas na kami ng bahay.
"Alam mo ang himbing ng tulog ko kagabi. Nananaginip ako tapos dire-diretso ang tulog ko. Pag wala akong katabi kapag hating-gabi nagigising ako."
"doon nalang ako lagi tutulog. Gusto mo?"
"Nyeehh..mauwi dito ang pinsan ko. Wala ka ng atulugan dun."
"Ay di wag mo ng pauwiin..'
"Pag hindi 'yun mauwi, hindi matutuloy ang kasal. Ano, Anong gusto mo? ang umuwi ang pinsan ko katabi ko sa pagtulog o Hindi siya umuwi pero hindi tuloy ang kasal?"
"Syempre, umuwi."
"'yun naman pala ehh.." sabi niya atsaka sumakay na kami sa kotse
'Ako, pumapayag na ako magpakasal sa'yo kaya wag ka ng gumawa ng dahilan para mabago pa ang desisyon ko." Aba, nagalit ang eloyz ko. Pero tama ba ang narinig ko, Payag na siya?
"Ang bilis mo magalit. Sorry na po."
"Oo na. Sige na, Magdrive na at lalong nasakit ang puson ko sa'yo." Kaya palaa..
Nagdrive na ako papunta. At habang nasa biyahe kami..hindi mapakali sa kanyang upo si Eloyz.
"Anong nangyayari sa'yo.?" Tanong ko. Nakakunot lang ang noo niya at parang may iniindang sakit.
"Itigil mo na muna ang sasakyan. Sa Backseat ako pupwesto para makahiga ako." Tinigil ko na ang sasakyan. Lumipat siya sa likod at doon humiga.
"Okay na?"
![](https://img.wattpad.com/cover/46904489-288-k774023.jpg)
BINABASA MO ANG
How great is your love?
General Fiction"There is only one great love in the life of a person." (Completed) ~Credits sa book cover :)