Chapter 29: Fan Service
Kei’s POV
“ano yung grade ko?” tanong sa akin ni PG (palpak girl). Hindi ko siya sinagot. Sinulat ko lang yung grade niya dun sa papel na hawak ko. “ano na?” pagharap ko ang lapit na ng mukha niya sa akin. Ito nanaman yung pintig ng puso ko. “p-pwede ba... lumayo ka nga.” Nautal pa ako. Buset na yan! “sorry. Kasi naman po mentor ayaw mong sabihin yung grade ko.” Nag-pout pa siya. Ano ba naman iyan?! Huwag na nga lang tumingin sa mukha niya.
“sa pagkakaalam ko PO eh hindi mo dapat malaman ang nakuha mong grade.” Diniinan ko yung PO. Wala lang. Trip ko lang. “sige na nga...” umupo nalang siya dun sa sahig katapat ko. Hindi ko siya tinitingnan sa mukha. Basta... napagdesisyunan kong huwag tumingin sa kanya. Basta yun na yun. Nagkaroon ng nakakabingin katahimikan doon sa room na kinalalagyan namin ngayon. Yumuko nalang ako at binasa yung grade na ibinigay ko sa kanya.
85
Bat ba ang bait ko masyado? Dapat nga hindi pa aabot ng 50 yung grade niya kasi nga... ang panget niya talaga sumayaw! Pero naisip ko yung effort na ibinigay niya matutunan lang yung steps ng OVER kaya sige na nga... basta lang sisiguraduhin ko na mapapaayos ko siya. Isa talaga tong malaking challenge sa akin. “ano po... ano po gagawin natin ngayon?” tanong niya sa akin. Oo nga pala... nawala sa isip ko. Hay nako. “isang oras lang tayo ngayon. Sasama ka sa amin mamaya.” Napatayo naman siya bigla at lumapit sa akin. Bakit ba ang hilig lumapit nitong babaeng ito? Tss. “ay oo nga pala yung trabaho ko... ano kailangan kong gawin?”
“stretching. Gawan mo ng paraan na mabanat ka ng husto.” Tinanguan lang niya ako at nagsimula na siyang mag-stretching. Nakaupo lang ako dun at pinapanood yung mga pinaggagawa niya. Nakuha niya ng husto yung atensyon ko. Nag-practice kaya siya? Kasi parang nag-improve siya ng konti... siguro kung ipagpapatuloy niya iyan eh magiging maayos din ang lahat. Ibibigay ko ang linggong ito para sa stretching sunod naman ang sayaw at saka na yung pagkanta... at balak ko rin na turuan siya ng kahit isang instrument lang.
“hoy! PG!” tawag ko sa kanya. Sinamaan naman niya ako tingin. Sabihin niyo nga... hindi ba ako ang mentor niya? Bakit nga ba hinahayaan ko siya na ganito niya ako kausapin? Nakakainis naman oh. Bakit ba ang bait ko ata? Hindi naman talaga ako ganito eh. “mentor naman, hindi ako patay-gutom!” Hay buhay! Hindi ko nalang inintindi yung sinabi niya. “ipagpatuloy mo lang yan.... yung pagpractice mo.” sabi ko.
“wah! Paano mo nalaman na nag-practice ako?” psh. “basta.” Yun nalang sinabi ko para matapos na ang usapan. Bumalik naman siya sa ginagawa niya. Maya-maya eh... “ARAAAY!!!” nagulantang naman ako kaya nilapitan ko siya kaagad. “anong nangyari?” lumuhod na ako para medyo magka-level kami. “ti-tingnan mo oh... split iyan hindi ba?” tiningnan ko naman yung nagawa niya. Split nga siya kahit hindi perpekto. Napangiti ako bigla. “huwag kang masokista. Umayos ka na dyan.” Agad siyang umalis sa pagkakasplit at shinake na niya yung binti niya gaya ng turo ko sa kanya noon.
“magagawa ko pa kaya ulit yun?” tanong niya sa akin nung medyo nakarekober na siya. “praktisin mo nalang. Masasanay ka din. Tapos na ang session ngayon, siguraduhin mo na hindi ka male-late mamaya kung hindi eh malilintikan ka talaga sa akin.” Nag-pout siya ulit. Kay hilig naman nitong babaeng ito ngumuso. Buset. Buti nalang bagay sa kanya kasi yung iba pag ngumuso, masarap sapakin. =__= “di ako male-late. Pramis!” itinaas pa niya yung kamay niya na para bang namamanata. Napailing nalang ako. Pagkasabi kasi niya nun eh lumabas na siya kaagad ng walang pasintabi. Anong klase yun? Napabuntong-hininga nalang ako.
BINABASA MO ANG
Zed Academy: Home of Stars
Fanfiction(COMPLETED) Are you an orphan? Homeless? Kung nasa ganoong sitwasyon ka nga, papayag ka ba na tumira sa isang boarding school na puro katulad mo ang tinatanggap? Pero malalaman mo nalang bigla na ang pinasukan mo ay hindi isang normal na school for...