HAPPY BIRTHDAY YAMA-CHAN! Yeah! Hahahahaa
----------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 33: Party
Erina’s POV
“you’re so pretty, Erina.” Bati sa akin ng mga nakakasalubong kong mga senpai. Nagpapasalamat naman ako sa kanila pero wala doon ang loob ko. Kanina pa ako palibut-libot sa event hall na ito pero ni anino niya ay hindi ko makita. Nasaan na ba yun? Nandito lang yun kanina eh. Arrgh. Nakakainis! Pinaghandaan ko pa naman ang lahat-lahat... my dress, my shoes, my get-up! Tapos ano? Hahanapin ko pa siya. Hay. Why does he hate me so much?
Halos malibot ko na ang buong event hall. “are you having problems, Erina?” napalingon ako sa nagsalita. “tito...” nilapitan ako ni headmaster. Tito ang tawag ko sa kanya kapag kami-kami lang. “may problema ba?” sobrang dami. “nakita niyo po ba si Kei?” napakunot bigla yung noo niya. “wag mo sabihing hindi siya um-attend... sinabihan ko siya.”
“alam kong pong nandito siya. Hindi ko lang talaga makita. I think he’s staying away from me.” Nilagyan ko ng konting effect yung pananalita ko para masaya. “iha, nandyan lang yun. Hindi yun susuway sa akin.” Hay. “sana nga po, tito.” Tinanguan niya ako at saka umalis. Tinawag kasi siya nung isang... hmm. Di ko kilala eh. Basta ang daming unfamiliar faces dito kasi pati mga tiga-ibang kompanya ay nandito. Dami kasing connections ni tito.
Hay. Asan na ba si Kei?! Baka nakakalimutan niya na siya ang date ko sa gabing ito. Nakakainis. Pero hindi ako susuko. Nandyan lang siguro yung lalaking yun. Sa paghahanap ko sa kanya ay may nabangga akong kung sino. Hay. “mukhang nawawala kang nawawalang bata.” Inalalayan ako nung nakabunggo ko pero nasura ako dun sa boses. Kilala ko to eh. “kung wala kang sasabihing matino, huwag ka nalang magsalita.” Nag-smirk lang siya. Biglang nag-iba yung music na tumutugtog. Nagdilim na din which means sayawan na? Grr. Mas mahihirapan akong hanapin si Kei!!!
“mukhang hindi na kayo magkikita nung ka-date mo. baka pwedeng ayain kang sumayaw?” inirapan ko lang siya. Grr! Bwiset ka talaga Kota! “nakatingin na sayo yung mga tao. Siguro iniisip nila na bakit ang prinsesa ng TV na si Erina Mano ay walang kasayaw... hindi niya kasama ang boyfriend niyang si Kei Inoo.” Humawak ako dun sa balikat niya. “fine. Isang beses lang to at hindi na mauulit.” Nakakainis! Sira ang gabi ko.
“pwede namang hindi masira ang gabi mo eh. Ibaling mo ang atensyon mo sa iba.” May binulong siya eh pero hindi ko masyadong narinig dahil sa music at sa ingay ng mga tao. “anong sinasabi mo?” naaninag ko ang ngiti niya. Psh. Yung ngiti niyang nawawala yung mata niya... kung makangiti naman oh. “wala. Magsayaw ka nalang dyan.” Kung makautos naman tong bwiset na to. After this, hahanapin ko talaga si Kei. Hindi pwedeng hindi ko siya makasama ngayong gabing ito.
Risako’s POV
Uhm. Mga isang minuto na siguro kaming magkatitig. Pareho ata kaming nasa state of shock. Kasi naman. “ehem.” Napayuko ako nung narinig ko ang pagtikhim niya. Nagulat ako nung pagharap ko eh ang lapit-lapit na ng mukha niya sa akin. Kyaaah! Baka mangamatis na ako nito. Naamoy ko na nga siya eh. As usual, mabango. Kyaah. “PG, ikaw yan hindi ba?” ano ba kasi iyang tawag niyang iyan?! “a-ako nga.” Shemay. Nautal pa ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/1560005-288-k973605.jpg)
BINABASA MO ANG
Zed Academy: Home of Stars
Fanfiction(COMPLETED) Are you an orphan? Homeless? Kung nasa ganoong sitwasyon ka nga, papayag ka ba na tumira sa isang boarding school na puro katulad mo ang tinatanggap? Pero malalaman mo nalang bigla na ang pinasukan mo ay hindi isang normal na school for...