Chapter 25: East Wing

957 10 3
                                    

Author's Message:

Dedicated tong chapter na ito sa kanya. Thank you sa pagbabasa nitong story na ito kahit maraming mali-mali. Sorry talaga pero thank you sa corrections. Thank you! Try niyo din yung story niya! Ang title ay....  SCHOOL GANGSTAH

Arigatou!

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 25: East Wing

 

Kota’s POV

 

“huy! Samahan mo naman ako kumain dito. Nakakaawa ako oh... tingnan mo. Ang sarap-sarap ng pagkain na inihanda nila cook-san para sa atin pero mag-isa lang akong kumakain dito.” reklamo ni Daiki nang maabutan ko siyang kumakain doon sa may dining table namin. Ang dami kasing pagkain pero mag-isa lang siyang kumakain. “nasaan ba yung iba?” tanong ko.

“alam mo naman na may kanya-kanyang tayong kaartehan kaya tiyak mamaya pa sila. Gutom na ako! Samahan mo na ako dito. Baka mapariwara ang buhay ko kapag walang sumasabay sa akin. Napanood mo ba iyon sa commercial? Dapat daw sabay-sabay kumain palagi.” Ang haba naman ng sinabi neto. “kaya mo na iyan Dai-chan. Kailangan kong lumabas. Pinapatawag ako sa East Wing.” Sinimangutan lang niya ako. Napailing nalang ako. Pwedeng-pwede siyang isama sa 7 kung gugustuhin niya. Tamang-tama ang height at ang mental age. Ehem.

Lumabas nalang ako. Ang dilim na pala. Sa bagay, malapit na din namang gumabi nung dumating kami galing sa trabaho. Lalabas na sana ako ng gate namin ng may napansin akong babae na nakatayo doon sa isang gilid. “anong ginagawa mo dito?” lumapit siya sa akin ng bahagya kaya naaninagan ko na kaagad kung sino siya. Kahit naman hindi ko makita ang mukha niya, kilala ko na kaagad kung sino siya. “gusto ko kasi sanang bisitahin siya. Karapatan ko naman iyon hindi ba?”

“sa tingin dapat hindi mo gawin iyon. Masisira lang ang gabi ni Kei.” Sabi ko sa kanya sa pinakamalamig na tono na kaya kong gawin. “at sino ka naman para sabihin sa akin iyan? Kota?” nag-iba ang tono niya. Mukhang naasar siya sa sinabi ko. “bahala ka na dyan.” Naglakad nalang ako palayo sa kanya pero bago pa ako makalayo... “alam kong may nararamdaman ka pa rin para sa akin kaya ganyan mo ako tratuhin. Natatandaan mo pa ba dati? Erina and Kota.” Natigilan ako sa sinabi niya pero agad naman akong nakabawi. Hindi nalang ako sumagot at naglakad nalang ako papunta sa East Wing.

Pilit ko mang ibaon sa limot ang nararamdaman ko sa kanya, hindi ko magawa. Natatandaan ko pa noon. Magkasabay kaming dinala dito sa lugar na ito... ang kulungan na tinatawag na Zed Academy. Kami palagi ang magkasama. Iba ang ugali niya noon kaysa ngayon. Nagsimula lang namang magbago ang ugali ni Erina nang mapalapit siya sa West Wing, ang ama-amahan ni Kei. Alam nang lahat na isa siya sa paborito ng West Wing kaya nga napabilis ang pag-debut niya.

Napailing nalang ako. Hindi ko na dapat alalahanin ang mga bagay na dapat ay ibinabaon na sa limot. Isa iyong nakaraan na kailanman ay hindi na maibabalik. Kahit bali-baliktarin pa ang mundo, hindi na babalik sa dati si Erina. Masyado na siyang nasilaw sa kasikatan. Nalulong siya sa pagrereyna-reynahan dito sa kulungang ito.

Pinagmasdan ko muna ang East Wing. Napabuntong-hininga nalang ako. Ilang buwan na din pala noong huli akong pumunta dito. Kamusta na kaya si madam? Hindi alam ng West Wing na pumupunta ako dito paminsan-minsan. Ang West Wing at ang East Wing. Sila ang namumuno sa Zed Academy at tauhan silang dalawa ng may-ari ng Zed Entertainment. Hindi magkasundo ang dalawang pinuno kaya ang resulta ay... magulong pamamalakad.

Zed Academy: Home of StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon