Author’s Message:
Dahil naguguluhan na rin ako... maglalagay na rin ako ng date katulad nung sa AHAW para naman hindi ako nalilito sa mga kaganapan. (Adik lang eh no... nalilito sa sariling gawa -_-) Basta ayun. May mali akong nagawa kaya naman... pabayaan niyo na. Hahahaha. Kung napansin niyo man, pasensya na. Namali ako ng tingin s asked nila. Wag niyo nalang pansinin. Sorry nalang.
Chapter 11: Most Normal Subject
Thursday, June 28
Risako’s POV
Hay. Isa nanamang nakakapagod na araw. Sigurado akong panibagong wirdong araw nanaman ito. Hayaan nalang. Siguro naman eh masasanay na rin ako. Sana. Eh kasi naman, mga teacher palang eh ang wirdo na tapos yung mga lesson pa... parang di ko ata kaya... nakita ko pa yung exhibition nung mga tiga-kabila... lalo tuloy akong nanliit. Nakakainis. Gusto ko na talagang bumalik sa normal yung buhay ko. Mas masaya pa siguro ako. Pwede ko rin namang magawa ang mga pangarap ako kahit nasa buhay ako sa labas... hindi ba? Kainis nalang talaga. Ano kaya mga subject ko ngayon? Normal kaya... o hindi nanaman.
Thursday:
8:00-11:30 Music
12:30-2:00 Speech
Tss. Mukhang normal naman. Music? Yun ba yung sa mga notes? Yung may do,re,mi pa? Sana yun nga yun kasi may lesson kaming ganun sa normal kong school. Ano naman kayang klaseng Music class ang meron dito? Baka mamaya eh pang-imba na iyon. Sa Speech naman.... hmmm. Sana normal.
Sabay na kami nila Saya na pumunta sa classroom. Hindi ko naman maasahan yung ka-roommate ko dahil hindi kami close nun. Ang sungit kaya niya sa akin. Ewan ko ba pero feeling ko nga may pinagdadaanan lang talaga yung si Koharu. Sana someday eh magkasundo rin kami... hello. Gara kaya ng feeling na yung kasama mo sa sarili mong tulugan ay hindi mo ka-close. Awkward. Kahiya. Ang resulta: hindi makatulog ng maayos. Kamusta naman iyon?
Ang unang dinatnan namin sa classroom ay isang malaking sulat sa blackboard na....
SELF-STUDY
BINABASA MO ANG
Zed Academy: Home of Stars
Fiksi Penggemar(COMPLETED) Are you an orphan? Homeless? Kung nasa ganoong sitwasyon ka nga, papayag ka ba na tumira sa isang boarding school na puro katulad mo ang tinatanggap? Pero malalaman mo nalang bigla na ang pinasukan mo ay hindi isang normal na school for...