Chapter 6: Debut Event

1.7K 22 3
                                    

Chapter 6: Debut Event

 

Risako’s POV

 

Na-corner na kami ni Nana... wala na. DEAD END. Boom. Andyan na siya. Andyan na siya. Shocks. Papalapit na nang papalapit yung lalaki sa amin. Kinakabahan ako para kay Nana. Bakit kaya siya hinahabol nung lalaking ito?

“Bakit ka ba tumatakbo ha, kapatid ni Yuma?” sabi nun lalaki habang naka-evil smile pero iba pa rin ang ngiti niya. Nakakasilaw pa rin. Bakit ba ganito dito?

“May pangalan ako.” Nagulat ako kay Nana. Matapang ang pagkakasabi niya. “ano nga ba pangalan mo ulit? Basta magka-rhyme pangalan niyo ng kapatid mo.” Sabi nung lalaki habang papalapit siya nang papalapit sa amin. Kapatid? Ay oo nga pala, may kapatid si Nana. Malapit na malapit na siya sa amin nang biglang may bumatok sa kanya. Napanganga nalang ako. Isa nanamang makinang na tao ang dumating.

“Hikaru, ano bang ginagawa mo?” tanong nung lalaki. Para siyang may tono na pang-tatay? Parang ganun. May kasama siyang tatlong lalaki. Mas bata sila sa amin. May color-coding ba sila? Present ang primary colors: Blue, Red, Yellow. Kulay? Kulay? Blue? Red? Yellow? Tatlo sila? Teka... diba may grupo na tatlo lang yung miyembro? Napansin ko yung lalaki na nakablue... kahawig niya si Nana. Hindi kaya...

“nag-iisip bata ka nanaman ba?” tanong nung lalaking isa. “siya yung nakasira nung gitara ko.” Sagot nung lalaking nanghahabol sa amin kanina. Hikaru ba pangalan niya? Pamilyar... wait! Pink?! Gitara?! Siya ata yung bassist kung hindi ako nagkakamali. Tinitigan ko yung tatlong lalaki. NYC?! Lumapit yung lalaking naka-blue... “ate?”

Ano daw? Ate? Siya yung kapatid ni Nana? Kaya ba magkahawig sila... pareho sila ng mata... nakakatuwa naman. Mukhang mabait yung kapatid ni Nana pero iba rin ang aura niya. “kasama kayo sa event?” tanong ni Nana. Umiling yung lalaki. “manonood lang kami. Kailangan daw naka-costume.” Sagot nung kapatid ni Nana. Ngumiti si Nana. “good luck ah!” tumango lang yung lalaki. “thank you ate.”

 

“pasensya na kayo sa batang ito ah...” sabi nung lalaking nambatok dun sa Hikaru. Tumango lang kami sa kanya. “okay lang po iyon, Kazuya-san.” Sabi ni Nana at nag-bow pa siya. Importanteng tao ba siya? Ngumiti lang yung lalaki at umalis na hila-hila si Hikaru... kasunod na rin niya yung tatlong lalaki.

Huminga ng malalim si Nana. “siya ba yung kapatid mo, yung naka-blue kanina?” tumingin siya sa akin at tumango. “siya si Yuma, member siya ng NYC. Madaya nga siya eh... ang bilis niyang nag-debut... naunahan pa ako.” Napangiti ako. Nakakatuwa naman.

Zed Academy: Home of StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon