Author's Message:
Last chapter na ito pero may epilogue pa. Sana pagkatapos nito, pa-support din ng iba kong stories kung trip niyo. Makakapag-focus na ako sa Cold Heir.
Tsaka yung sa watty friend ko na My Chaotic Prince. Norse mytholygy ang pinag-basehan nun. LOL
----------
Chapter 50
Todo ang sigawan ng mga tao dahil sabik sila na makilala ang bagong grupo na produkto ng Zed Entertainment na susuportahan din nila. Umaasa nila na kagaya din ng ibang grupo ay magiging maganda din ang karera ng girl group na screen. Sabik na din sila dahil napag-alaman nila na ang isang miyembro ng grupo ay ang rookie na solo artist na si Erina Mano. Gayunpaman, gusto din nilang malaman kung sino pa ang ibang miyembro dahil tanging si Erina lamang ang pinakilala sa media na miyembro ng nasabing grupo.
“Handa na kayo?” Tiningnan isa-isa ni Koharu ang mga ka-miyembro niya. Kahit na ninenerbyos ay nagawa niyang itago ito dahil kung ang leader mismo ay nagpapakita ng kahinaan, madadamay na din ang iba pa. Tinanguan siya ng mga miyembro. Maya-maya lang ay magsisimula na ang debut event nila. Kahit na maigsi lamang ang programa ay pakiramdam nila mahaba ito. Ito kasi ang unang beses na haharap sila sa maraming tao na sa kanila lamang nakatuon ang atensyon.
“Ito na ang pinakahihintay nating lahat. Ipapakilala ko na ang unang miyembro! Sayuri Iwata!” Bumuntong-hininga muna si Sayuri at saka siya umakyat papunta sa stage. Sinalubong siya ng mga nakakasilaw na ilaw, malakas na tugtog at ang malakas na sigaw ng mga tao. Kahit papaano ay nabawasan ang kaba na nararamdaman niya dahil nakita niya na maganda naman ang pagtanggap sa kanila ng mga tao.
Tinabihan niya ang emcee na si Keiichiro Koyama, miyembro ng NEWS. “Nana Nakayama!” Tinabihan siya ni Nana at kagaya niya ay naibsan ang kaba nito. Hindi niya akalain na ganito karami ang pupunta sa debut event nila. “Risako Sugaya!” Bago makalabas si Risako ay naalala muna niya ang boyfriend nga niyang si Kei kaya nagkaroon siya ng lakas ng loob. “Kung kaya niya, kaya ko rin.” Bulong niya sa sarili niya.
“Alam kong kilala niyo na siya. Erina Mano!” Pamilyar ang lahat nang nangyayari kay Erina dahil naranasan na nga niya ang magkaron ng ganitong debut event. Mag-isa pa nga siya noon. Mas kaunti ang kaba niya ngayon dahil kasama niya ang mga ka-grupo niya. Natutuwa siya dahil nagkaroon siya ng mga bagong kaibigan at kapatid na din at na-realize niya ang lahat ng mga mali niyang nagawa.
“Ang leader, Koharu Kusumi!” Confident ang lakad ni Koharu paakyat ng stage. Noong nakita niya na mainit ang pagtanggap ng mga tao sa kanila ay nawala ang lahat ng mga inaalala niya kanina lang. Bilang leader, dapat siya ang naghahatak sa mga ka-grupo niya. Nararapat lang na maipakita niya na confident siya upang maging modelo sa iba pa niyang kasama.
“Sila po ang grupong Screen! Congratulations Screen!” Nagpasalamat sila kay Keiichiro sa kanyang pagbati. “Bago namin ibigay ang stage sa inyo naririto ang aking kasama, si Yuichi Nakamaru ng KAT-TUN upang tulungan ako dito.” Pumasok si Yuichi at tinabihan niya ang Screen. “Pasensya na. Ngayon lang nakarating!” Nagtilian naman ang babae noong nakita siya. Ngumiti nalang siya sa mga ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/1560005-288-k973605.jpg)
BINABASA MO ANG
Zed Academy: Home of Stars
Fanfic(COMPLETED) Are you an orphan? Homeless? Kung nasa ganoong sitwasyon ka nga, papayag ka ba na tumira sa isang boarding school na puro katulad mo ang tinatanggap? Pero malalaman mo nalang bigla na ang pinasukan mo ay hindi isang normal na school for...