Author's Message:
Malapit nang matapos ang story na ito. Hanggang chapter 50 nalang plus epilogue. Thank you sa lahat ng mga sumuporta. Sana pati yung ibang stories ko ay ma-try niyo din. After finishing this, Cold Heir ang main focus ko. Hindi ako magpo-post nang panibago nang hindi ko tinatapos yun.
PS: I LOVE JUMP! LOL
--------------------------------------------------------------------------
Chapter 46
“Pakiabot sa akin yung lahat ng litrato.” Agad naman na sinunod nang sekretarya ni Masahiko ang inuutos ng headmaster. Matagal nang pinag-iisipan ng headmaster ang pagaasikaso sa panibagong grupo ng kompanya. Kakaunti lamang ang nagde-debut na mga babae sa kompanya at napagisip-isip niya na dapat mabalanse ang bilang.
Ikinalat niya ang lahat ng mga litrato na iniabot sa kanya ng sekretarya. “Iwan mo muna ako.” Sinunod naman siya agad nito. Tinitigan niya ang nakakalat na litrato at bumunot siya ng lima mula dito. Hindi siya nagkakamali kadalasan sa pagpili. Natitiyak niya na magiging successful ang mga taong iyon sa kanilang pagde-debut. Hindi pa siya nagkakamali. Alam niya kapag kailangan mo nang mag-debut.
----------
Risako’s POV
“Maaari kang pumunta dito kung kailan mo gusto pero kailangan mo pa din matulog dun sa girls’ dorm.” Nakangiting sabi ni mommy. Masaya naman akong tumango sa kanya. Ang saya-saya ko dahil sa wakas ay magkasama na kami ulit. Madalas akong bumisita sa opisina niya at paunti-unti ay napagkokonekta namin ang mga oras na magkahiwalay kami. Nagkukwento ako ng mga nangyari noong nasa ampunan ako at siya din naman. “Naghanda ako ng meryenda namin. Sana magustuhan mo ang mga ito, anak.” Inilapag niya yung tray ng pagkain sa table. Dito kasi sa opisina niya ay may parang kainan na din. Ang sarap nga atang tumira sa opisina niya. Ang ganda eh!
“Ano lasa?” Sa laki ng sinubo kong sandwich, hindi na ako nakapagsalita kaya nagthumbs-up nalang ako. Ginulo naman niya ang buhok ko. “Dahan-dahan lang anak.” Paalala niya. Tumango-tango naman ako. Hindi ko kasi mapigilan. Ang sarap nung sandwich na ginawa niya. Special yung palaman. “Palagi kang pupunta dito para makatikim ka palagi ng luto ko.”
“Araw-araw naman akong nandito eh.” Naka-pout kong sabi. Pinisil-pisil ni mommy yung pisngi ko. “Ang cute naman ng anak ko. Sayang dalaga ka na ngayon. Hindi na kita nabihisan ng mga cute na mga damit.” Malungkot niyang sabi.
“Ang tagal mo!” Napalingon kaming pareho doon sa lalaking nakatayo sa gilid. Andito nap ala siya? “Naku anak. Hinahanap ka na ng boyfriend mo. Balik ka nalang ulit bukas.” Nakangisi pa si mommy sa akin nang sinasabi niya sa akin iyan. Tinutukso ba ako nito? Hmph. “Sige ma. Bukas nalang. Baka magalit na nang tuluyan yung tigre.” Hinalikan niya ako sa pisngi at saka ako lumabas kasama ni Kei. Mukha siyang ni-reregla ngayon. Ano ba iyan!
“Bat mukha kang badtrip dyan?” Tanong ko. Papunta na kami ngayon sa sasakyan niya. May commercial kasi kaming isho-shoot ngayon. Tama kayo ng nabasa. Magkasama kami sa commercial. Eek! First time ko siyang makakatrabaho ngayon. “Ang tagal mo kasi! Sabi mo isang oras lang. Paano kung ma-traffic tayo. Kanina pa nga tumatawag sa akin si manager-san!” Panenermon niya. Tsk. “Sorry. Sarap kasi ng luto ni mommy eh.” Nagpoker-face lang siya. Pinagpalit ko kasi ang trabaho para sa pagkain. Ang sarap kasi talaga.
BINABASA MO ANG
Zed Academy: Home of Stars
Fanfic(COMPLETED) Are you an orphan? Homeless? Kung nasa ganoong sitwasyon ka nga, papayag ka ba na tumira sa isang boarding school na puro katulad mo ang tinatanggap? Pero malalaman mo nalang bigla na ang pinasukan mo ay hindi isang normal na school for...