Chapter 44: Performance

749 15 1
                                    

Chapter 44

 

Risako’s POV

 

“sukat mo nalang yung iba. hindi iyan bagay sa iyo…” hinipan ko yung bangs na nakaharang sa mukha ko. Pang-walong pair na ito na sinusukat ko pero hindi pa din siya ma-satisfy. Ito ang isa sa mga consequences kapag ang naging mentor ay isang Kei Inoo. Maarte masyado. Masyadong detalyado. Isinuot ko yung inabot sa akin nung saleslady na tumutulong sa amin. Naaawa ako sa kanya kasi kanina pa siya nakatayo at tumutulong sa amin. Pero siguro ayos lang sa kanya kasi libre lang naman ang tingin sa miyembro ng Hey! Say! JUMP na si Kei Inoo. Ang gwapo!

Naka-nerd glasses siya with matching stylish clothes na bagay na bagay sa kanya. Kung iniisip niyo kung nasaan kami ngayon ay nasa isang boutique kami at naghahanap ng mga susuotin ko para sa performance na gaganapin sa makalawa. Ewan ko. Pagkarating na pagkarating niya galing sa PV shooting ay hinatak na niya ako kaagad. Tinanong pa nga niya kung nag-practice ba ako ng matino nung wala siya. Um-oo naman niya ako. Ang dami kong calories na na-burn kaka-practice at mukha namang sulit lahat ng pagod ko kasi parang dumali na para sa akin yung steps at kabisado ko na rin ito. Ipapa-check ko nalang sa kanya pag nakabalik na kami ng school.

“okay na ba ito?” please! sana okay na ito. Ang cute kaya! All-black na damit. Mukha tuloy akong spy. Nyahaha. Tumingin siya sa akin. Para tuloy akong na-scan kasi tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Nakaka-conscious tuloy. “that’s fine.” Magkasabay kaming bumuntong-hininga nung saleslady. Grabe ah. Ang tagal namin dito.

Pagkabayad nung damit ay pumunta kami sa boutique na puro dress naman ang nandoon. Yung mga long gown ba… “bibili din ng gown?” tiningnan niya lang ako ng masama. “ano? magsusuot ka ng hip hop na damit habang kumakanta ng ma-dramang kanta?” nyay. masama ata ang gising niya ngayon at tinatamaan siya ng kasungitan niya. Pagkapasok na pagkapasok namin ay inasikaso na kami kaagad nung mga nandoon. Pinaupo muna niya ako sandali at siya ang namili ng mga susukatin ko. Siguro kung hindi ko lang siya kilala ay mapagkakamalan ko siyang bakla. Mas maarte pa siya sa damit kaysa sa akin. Mas may alam pa nga siya eh. Naku! Buti nalang ang gwapo niya. Kahit walang konek oo nalang ako. Hahaha.

“isukat mo lahat iyan.” wah! ang dami! Eto nanaman po tayo!

Erina’s POV

 

“walanghiya ka! di ko palalampasin ang mga pinaggagawa mo sa akin!” mukha na akong tanga dito sa kwarto ko habang kausap ko yung screen ng laptop. Naka-open kasi sa fb account ni Kota. Nakakainis siya! Bwiset talaga. Para namang wala kaming pinagsamahan!! Pero ewan… baka ginagantihan niya ako. May kasalanan nga ba ako sa kanya? Ewan. Basta si Kei ang gusto ko! Di na magbabago iyon. Hmph. “kailangan na ba kitang dalhin sa mental?” nandito pala si Sayumi. Na-witness pa niya ang kahibangan ko. “whatever Sayumi. Manahimik ka nalang dyan.” nag-shrug lang siya at pinagpatuloy ang paglalagay niya ng nail polish.

“malapit na yung performance.” nagi-scroll lang ako ng news feed ko. “so?” wala akong pakielam dun. Hindi ko nga yun papanoorin eh. “gusto mong panoorin yung performance nung… ano nga pala name niya? yung cute girl? Ri-ri??” I just rolled my eyes. Sino tinutukoy niyang cute girl, si Risako. “It’s Risako and she’s ugly.” she chuckled.

Zed Academy: Home of StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon