Chapter 34: Improvement

933 19 3
                                    

Chapter 34: Improvement

 

Risako’s POV

 

“ulitin mo!” napatigil ako. Pang-ilang beses na ba akong uulit? Di ko na mabilang. Ilang oras na din akong nagsasayaw pero hindi pa ako nangangalahati dun sa kanta. Grabe. Mamamatay na ako. “a-aling part uulitin ko?” tiningnan niya ako ng masama. “lahat.” Parang may dark aura nakapalibot sa kanya kaya susunod nalang ako. Nakakatakot siya pag nagtuturo! OMG. Siya na ata siguro ang pinakamahigpit sa lahat ng mga mentor. Napabuntong-hininga nalang ako at saka sumunod sa utos niya.

Nagsasayaw lang ako at tinandaan yung mga sinabi niya nung mga nakaraang araw na dapat kapag nagsasayaw, itatanim ko sa isipan at puso ko na dapat ay ninanamnam ko yung tugtog. Iisipin ko palagi na nagsasayaw ako para sa sarili ko at hindi para i-please ang ibang tao. Kapag nagkamali, tuloy lang at wag madidistract. Kapag masaya yung tugtog, ngumiti at kapag naman hindi ay dapat ganun din ang expression na pinapakita ng mukha. Ganun lang yung iniisip ko habang nagsasayaw ako.

Hindi ko inisip na nanonood siya sa akin dahil pag yun ang inisip ko ay mahihiya lang ako. Inisip ko na ako lang yung nasa kwarto na iyon. Ako lang, wala ng iba. Effective siya dahil parang hindi ako nawawala sa timing at alam na alam ko yung steps kahit na ngayong araw lang na ito itinuro iyon sa akin. Hindi ko namalayan na tapos na pala. Parang nawala bigla yung imaginary scene na nasa utak ko at bumalik ako sa realidad. Narinig ko na medyo pumalakpak siya. Namula naman ako kaya yumuko ako.

“improving ka na ah.” nakangiti niyang sabi kaya naman palihim din akong napapangiti. Kasi naman kapag ngumingiti siya, parang nahahawa din ako. Aish. “o-okay na?” tumango siya. May bigla siyang hinagis kaya on instinct ay sinalo ko iyon. Tiningnan ko kung ano yun. Gatorade? “inumin mo iyan. Tapos na ang session natin para sa araw na ito. Maghanda ka bukas. Tuturuan na kita ng acrobatics.” Nanlaki ang mata ako. Acrobatics? “ta-tumblings yung mga yun, hindi ba?”

“bakit? May problema ba dun?” tinaasan pa niya ako ng kilay. “hi-hindi ako marunong nun. Hindi ba dapat pinag-aaralan yun kapag medyo bata ka pa?” bigla siyang ngumisi. Hala! Parang hindi maganda ang ngisi na yun ah. “sino may sabi sa iyo nun? Kaya nga tuturuan ka eh. Tatak ng Zed Entertainment ang acrobatics kaya dapat lang na marunong ka nun.” Napalunok ako. Tulala lang ako dun. Nakalabas ma pala siya nung practice room. Binuksan ko nalang yung Gatorade ko. Naubos ko yun sa isang inuman. Grabe. Uhaw na uhaw pala ako.

Koharu’s POV

 

“Koharu...” lumingon ako at... bakit ang lapit naman nitong babaitang ito? “oi! Ano bang ginagawa mo dyan? Nakakaistorbo ka!” pagtataboy ko sa kanya. Hula ko may problema to. Ganyan naman iyan eh... parang bata kapag may iniisip na kung ano. “hihingi lang naman sana ako ng tulong sa iyo. Alam ko naman na magaling ka eh.”

“di ko kailangan ng pambobola mo.” nag-pout siya bigla. Kala mo naman eh cute! “eh totoo naman yun eh. Ano... kailangan ko lang ng advice.” Ibinaba ko yung binabasa kong magazine. Psh. Hindi naman ako titigilan nito eh kaya sige na lang para matapos na. “tungkol saan ba iyan?” tanong ko sa kanya. Pinagdikit niya yung dalawa niyang hintuturo. Yung palaging ginagawa ni Hinata sa Naruto... ganun yun. “tungkol sana sa acrobatics?” bumuntong-hininga ako at saka bumalik sa komportable kong posisyon kanina nung nagbabasa pa ako ng magazine. “wag ako ang tanungin mo dyan. Palpak din ako dun.” Totoo naman eh... cartwheel lang kaya ko. The rest... bagsak na ako. The heck naman kasi na kailangan daw eh dapat marunong nun. If I know, si Erina nga hindi marunong ni isa. Bwiset lang.

Zed Academy: Home of StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon