Chapter 14: Meeting My Other Teachers

1.1K 17 3
                                    

Chapter 14: Meeting My Other Teachers

 

July 2, Monday

 

Risako’s POV

 

It’s Monday. Sa pagkakakaalam ko, tatlo yung subjects ko ngayon at sana naman ay normal... English, Science at Math. Sino kaya ang teachers ko sa mga subject na iyon? Wala kasing nakalagay eh. Kinakabahan ako. Nako. Kapag hindi normal yung mga taong magtuturo sa akin, tatakas talaga ako. Pero magagawa ko kaya iyon? May kuryente daw sa paligid ng campus eh. Imposible daw talaga ang tumakas at lalong imposible daw ang mga “unauthorized” na mga tao dito.

Marami kayang nagtatangaka na lumusot dito? Siguro meron. Marami daw kasing fans ang mga nag-aaral dito. Lalo na yung mga nasa kabila. Kapag daw kasi sa normal classes, kadalasan eh mga lalaki yung sikat dahil mga back-up dancer sila nung mga nag-debut na.

Umupo na ako dun sa usual seat ko, katabi ni Nana at nasa likod naman namin si Saya. Wala naman talagang seat plan... pwede ka nga umupo kahit saan pero palagi kaming sa may bandang harap umuupo para naman may matutunan. Sana...

Bumukas yung pinto at may pumasok na lalaki. Humarap ako kay Nana at mukhang naintindihan niya ang nais kong iparating. “siya yung teacher natin sa English, Jin Akanishi nga pala.” Tumango nalang ako at humarap sa board. Normal naman siya eh. Nagsimula na siyang magturo. Nagulat ako kasi ang ayos niya mag-English. “siya yung kumanta ng Test Drive kasama si Jason Derulo.” Tumango nalang ako ulit sa sinabi ni Nana. Hindi ko alam yung kanta na iyon. Okay. Sensya. Tiga-bundok nga kasi ako. Idadagdag ko siya sa mga normal na teacher na meron ako. Thank ghad. Buti naman at dalawa na ang matino. Haha.

Next subject: Science... mabigat na subject iyon ah. Dapat lang na normal ang magtuturo sa amin nun. Pero mukhang hindi ata matutupad iyon. Ang pumasok ay walang iba kundi si Tatsuya-san. Wow. Ang dakila daw naming adviser. Hindi ko nga iyan nakasama sa homeroom. Sa bagay, wala naman kaming homeroom so pano mangyayari iyon.

Pero normal ang itsura niya ngayon. Napakasimple naman ng damit niya. Malayo sa sinusuot niya kapag performance na shining, shimmering, splendid. Masanay na kayo sa term na iyan. Tamang description iyan sa mga costume nila. Sino ba kasi nag-iisip na ganun ang isuot nila? Napaka-ganda ng fashion sense pero hindi ko naman sinasabi na meron ako nun at hindi ko rin naman sinasabi na panget. Bagay naman... pero diba! Pansinin.

Nagturo lang siya... pero... hindi ko maintindihan. Actually, maayos naman siya magturo pero ang problema ko ay... parang jiggly-puff yung boses niya. Malapit na akong makatulog. Bakit parang napaka-lumanay ng boses niya. Ang gentle. Paano nangyari iyon? Eh kung mag-piano naman siya eh parang galit naman. Hindi ko tuloy maintindihan kung ano pwede kong ma-describe sa kanya.

Zed Academy: Home of StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon