Chapter 21: Student Council President

961 11 2
                                    

Chapter 21: Student Council President

Risako’s POV

Medyo nagkaligaw-ligaw pa ako bago ako makarating sa Student Council Room. Sorry. Hindi naman kasi ako expert pa sa Zed Academy. Hindi ko pa alam kung ano ang mga pasikut-sikot dito. Ang laki naman kasi masyado ng campus.

Ikot dito. Liko doon. Napansin ko nalang bigla sa isa kong nilikuan na may isang pintong malaki doon na may sign na “Student Council”. Ito na kaya iyon. Subukan ko nalang. Hindi naman siguro wala lang ang sign na iyon. Bakit pa nilagay kung wala namang silbi. Huminga ako ng malalim as in sobra. Kinakabahan kasi ako. Pagkabuntong-hininga ko ng malalim, kinatok ko ng marahan ang pinto. Nakatatlong-katok siguro ako ng biglang bumukas.

Biglang nanlaki ang mata ko ng makita ko na yung mayabang na bata ang nagbukas. Ah... student council siya o napadaan lang? Nakita ko na ngumisi siya sa akin na siya namang dahilan kung bakit nanlaki lalo ang mata ko. Tong batang ito ah! Sumosobra na! Kutusan ko kaya ito?

“ate, pasok na. Ang bagal mo! Hula ko naligaw ka?” Mapang-asar niyang sabi saka naglakad palayo. Para naman akong nabagsakan ng hollow blocks sa ulo. Tumpak kasi eh. Naligaw nga ako. Hindi ko naman kasalanan iyon ah!

Hay. Makapasok na nga nang matapos na ito. Baka naman kaya lang ako pinapatawag ay parte ito ng pagiging new student ko dahil kailangan ko ng pagkarami-raming instruction na hindi naman masyado ma-digest ng utak ko. Masisisi niyo ba ako?

Pagpasok ko ng loob, hindi ko maiwasan na igala ang mata ko sa kabuuan ng kwarto. Napansin ko na  may mga  table doon. Bawat table ay may nakapatong na mga papel. I guess ay pag-aari ito ng mga student council members. May mga shelves. Puno ito ng mga aklat. Mahilig ba silang magbasa? Napansin ko na may pagkalaki-laking blueprint na naka-frame ang naka-display doon sa isang gilid. Kapansin-pansin din ang grand piano na nandun. Siguro ang isa sa mga gumagamit ng kwarto na ito ay marunong tumugtog nun. Ako rin... gusto kong matuto.

“hindi naman kita pinapunta dito para magliwaliw. Ang bagal mo.” napatingin ako doon sa pinanggalingan ng boses. Napalunok ako. Nakakita ako ng isang nilalang na nakaupo sa isang swivel chair at nakatingin ng deretso sa akin. Kinabahan ako bigla. Ang gwapo niya kasi! Wait. Ano ba sinasabi ko? Shemay naman. Iba ang inilalabas na aura ng taong ito. Parang nakakatakot na at the same time ay parang medyo comforting. Basta magulo.

“so-sorry. Hindi ko kasi alam kung ano ang tamang daan papunta dito.” Humarap ako sa kanya at humingi ng tawad. Nag-bow pa nga ako eh. Parang anime lang ah. Hindi ko alam kung anong espiritu ang sumanib sa akin para gawin ang ganitong kalokohan. “hindi mo alam? Malamang dahil sa tingin ko... hindi mo inintindi ang orientation na binigay sa iyo.” BOOM. Bakit ba ang daming tao dito ang alam kung ano ang mga nangyari sa akin? Hindi ko naman kasi talaga na-digest masyado ang mga binigay na orientation para sa akin.

“so-sorry.” Iyon nalang ang nasabi ko. Bakit parang ang sungit naman ata nitong taong ito? Sayang. Ang gwapo pa man din niya. Wala na. Para akong ewan dito na nakatayo lang. Hindi ko naman kasi alam ang gagawin ko. Biglang tumayo yung lalaki at medyo lumapit sa akin. Hindi lang pala lapit. Naaamoy ko na nga siya eh. Shemay. Ang bango niya! Medyo kinakabahan ako. Ang gwapo niya kasi eh. Tapos medyo malapit sa akin. Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang dulo ng buhok ko at iniayos niya iyon. Napalunok ako. Kinakabahan ako.

“alam mo ba kung bakit pinapunta kita dito?” tanong niya habang nakatingin lang siya sa akin ng deretso. Hindi ko alam kung ano isasagot ko. Parang kinain ko ang boses ko at hindi ako makasagot. Bakit naman kasi ganito siya kalapit? Feeling ko gusto kong matunaw ngayon din. Ang tingin niya kasi... nakakalusaw. May something sa mata niya na... sadyang nakakalusaw at nakakaliw. Ano ba nemen itey?!

Zed Academy: Home of StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon