Chapter 30: Sick
Kei’s POV
Pinapanood ko lang siyang mag-stretching dun. Gamay na niya at ibig sabihin niyo ay pwede na kaming mag-concentrate sa ibang skill at yun ay ang pagsasayaw. Mukhang medyo matatagalan kami dun kahit na sabihin natin na nag-improve siya kahit papaano. Hay. Big challenge. Yan ang palagi kong sinasabi kapag nakikita kong may mga times na palpak ang session.
“tapos na.” Medyo nabigla ako nun gang lapit ng mukha niya sa akin. Ang hilig niyang ilapit ang mukha niya sa mukha ko. Ano bang problema nitong babaeng toh? “oi! Lumayo ka nga...” pero hindi siya natinag. “mentor... bakit ang pula ng mukha mo?” ano?! Mapula ba mukha ko. Medyo na-conscious tuloy ako. Bakit mapula mukha ko? “psh. Basta dun ka.” Nag-pout lang siya at saka pumwesto dun sa napakalayo sa akin. Pwede na nga siyang lumabas eh kasi katabi na niya yung pinto. Napailing nalang ako....
Biglang kong naramdaman ulit yung pananakit ng ulo ko. Putek. Kanina pa to paggising ko eh. Nun ngang nag-rerehearsal kami eh para akong bangag kaya naman itinigil muna. Psh. Nakonsensya tuloy ako kasi kasalanan ko. Naman oh. “ano ipapagawa mo sa akin?” tanong niya mula sa malayo. Ang layo niya ah. Sobra. “a-aanoo...”
Risako’s POV
Hala!!! Napatakbo nalang ako bigla dun sa kinabagsakan niya. Anla. Anong nangyari? Bigla nalang siyang bumagsak. My ghad! “ui!” medyo inalog-alog ko siya kaso walang nangyayari eh. Sinapo ko yung noo niya at para akong napaso. Ang init niya. Sobra!!! Nako. Baka kung anong mangyari pag hindi ko pa to dinala sa kung saan kaso paano ko naman siya dadalhin sa clinic o kaya man lang dun sa dorm nila. Paano?!
“galingan mo kasi sa susunod.”
“psh. Yan naman lagi mong sinasabi eh....”
Boses yun ni Daiki at Koharu ah. Agad-agad akong lumabas at tinawag sila. Wala na akong pake sa mga nabulabog ko. Buti naman at napansin nila ako kaya naman bumalik sila sa direksyon ko. Good. “anong nangyari, Risa?” nagtatakang tanong ni Daiki. Binigyan naman ako ng tingin ni Koharu na naguguluhan. “patulong naman oh. Di ko alam kung anong gagawin sa kanya. Bigla nalang kasi siyang bumagsak.” Pagkasabi ko nun ay agad silang pumasok at nakita nila ang nakahalumpasay sa sahig na si Kei. Walang-malay.
“Risa, dalhin nalang natin siya sa dorm namin.” Tumango nalang ako. Siya na mismo umalalay kay Kei kahit na sa loob-loob ko eh gusto kong ako yun. Pwe. Ano ba iyan?! Kasi naman eh... pero okay lang naman na siya na kasi hindi ko kaya. Mabigat eh. Huminto kami sa paglalakad sa isang malaki at magandang bahay. Napanganga ako. “hoy sugaya.... baka mapasukan ng langaw iyan. Ang panget ng itsura mo.” mataray na sabi sa akin ni Koharu. Sanay na ako na ganyan siya.
“Daiki, uwi na ako. Bahala na kayo dyan.” Nilayasan na kami ni Koharu. Hmmp. “pasok ka muna Risa...” sinundan ko lang siya. Ano ba naman iyan... hinimatay na nga si Kei eh nakuha ko pang magtingin-tingin sa loob. Ang ganda naman kasi. Hindi to dorm!!! BAHAY TO EH!

BINABASA MO ANG
Zed Academy: Home of Stars
Fanfiction(COMPLETED) Are you an orphan? Homeless? Kung nasa ganoong sitwasyon ka nga, papayag ka ba na tumira sa isang boarding school na puro katulad mo ang tinatanggap? Pero malalaman mo nalang bigla na ang pinasukan mo ay hindi isang normal na school for...