Chapter 39: Confession

876 18 5
                                    

Chapter 39: Confession

 

Risako’s POV

 

“pa-pasado na ba ako, mentor?” kabado kong tanong. Hindi ko alam kung pasok sa standards niya ang ginawa kong pag-aayos sa sarili ko. Sana... “sa pagkakaalam ko, Kei ang pangalan ko.” Tumalikod siya sa akin. Hala! Bad mood ata siya ngayon. “uh... Kei.” >___<

“sakay na.” Utos niya. Lumunok ako. Hindi niya sinagot yung tanong ko... ibig sabihin ay bagsak na ako? Wah. Wag naman sana. Pinaghirapan ko ito. Habang nasa biyahe, walang nagsasalita sa amin. Ang lamig naman! Nakakabingi yung katahimikan. Awkward. Hindi tuloy ako mapakali. Liningon ko siya pero deretso lang ang tingin niya sa daan. Sa bagay, baka nga naman maaksidente kami. Mahirap na. Mga dalawampung minuto siguro ang lumipas nang huminto kami sa tapat ng isang hotel. Hindi ko namalayan na nakaikot na siya at pinagbuksan na pala niya ako ng pinto. “nandito na tayo. wag kang hihiwalay sa akin.” Tumango ako.

“uh, ano ba itong pinuntahan natin?” naglalakad na kami papasok. Iginala ko ng tingin yung paligid. Ngayon lang ako nakatuntong sa isang mamahaling hotel. Ang ganda pala. “party to ng isa sa major sponsors ng Zed kaya pinapupunta ako ng magaling kong... basta.” Magaling na ano? Hindi na ako nagtanong pa. Hindi kasi ako sigurado kung bad mood ba siya o hindi. Nasa mood swing stage siguro siya ngayon kaya ganun.

Pumasok kami sa isang room na may malaking pinto at pagpasok namin, bumulantad sa akin ang isang magarang event. Siguro maraming mga kilalang personalidad ang bisita sa party na ito. Wala na. Nganga nalang ako. “huwag kang makikipag-usap sa hindi mo kilala. Tandaan mo yan. Naintindihan mo?” tumango ako bilang sagot. Bad mood nga kaya siya?

“Kei... at sino naman ang magandang dilag na kasama mo?” may humarang sa amin na babae na nasa 40 na siguro pataas ang kanyang edad. Nakangiti siya na mukha namang tunay. “she’s a friend. Sino po ang kasama ninyo, madam?” magalang na sagot ni Kei dun sa babae. “my husband. Sige na. Alam ko naman na marami ka pang dapat batiin. This is a party.” Nakangiti niyang sabi. Pagkasabi niya nun ay nawala na siya sa dami nang tao. Bigla nalang siyang nagdis-appear. Wow. Magic. Joke lang.

“isa siyang producer. Makikilala mo din siya...” tumango-tango ako. Big time pala yung babaeng yun kanina. “next time, maglalaro tayo ng memory game. Dapat makabisado mo ang mga pangalan ng mga tao na ipapakita ko sa iyo.” Memory game daw? Mukhang nakakatuwa naman yung larong yun. “kailan?” tiningnan lang niya ako. “para kang bata.” Komento niya. Hmmp. Sungit!!! Pero gusto kong maglaro ng memory game!!!

Umupo kami sa isang table. Kaming dalawa lang ang nandun. “hindi ka ba makikipag-usap dun sa iba?” tanong ko sa kanya kasi diba normally, sa isang party eh dapat nakikihalubilo sa iba. “pakielam ko sa kanila. Di naman kami close.” Eto talaga ang kakaiba. Sungit talaga neto. Moody siya masyado. “ui kuya... di mo pa sinasagot yung tanong ko. Pasado na ba ako?” inirapan niya ako. Babae ata to dati eh. Daig pa ako kung umirap. “ano yung sinabi mo?” ha? “ah... ano... pasado na ba ako?” napasapo siya sa mukha niya. May ginawa ba akong mali? “hindi eh. Ano yung tinawag mo sa akin?” tinawag? “kuya?” tumalim ang tingin niya sa akin. “wag mo akong matawag-tawag na kuya dahil una sa lahat... magkasing-edad lang tayo at isa pa... mas matanda ka pa nga sa akin ng ilang buwan.” Oops.

Zed Academy: Home of StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon