Chapter 22: First Day of Punishment
Risako’s POV
“Ano... kasi...” teka. Bakit ba ako naguguluhan kung ano isasagot ko? Pwede ko naman kasing sabihin na pinatawag ako nung masungit na president ng student council. “pinatawag ko siya.” Naramdaman ko nalang na katabi ko na pala si... Kei??? Yun ata pangalan niya. Basta yun. Gwapo siya. Okay. Random.
“Pinatawag? Para saan?” ang bait naman ng boses ni Erina-san. Sana naging kapareho ko nalang siya... para kasing ang perfect niya. “Hindi mo na kailangan malaman.” Si Kei ang palaging sumasagot. Nakita ko naman na parang naguluhan ang mukha ni Erina-san. “Ms. Sugaya, pwede ka nang bumalik sa dorm.” Dismissed na ako.
Pagbalik ko sa kwarto namin, naabutan ko si Koharu na nagbabasa ng libro. Ni hindi niya ako nilingon nung binuksan ko yung pinto. Siguro ganun lang talaga siya. Dali-dali akong humiga sa kama ko. Nakakapagod lakarin mula Student Council hanggang dito. Siguro after ilang buwan ko dito, payat na payat na talaga ako. Sana naman umabot naman sa stage na pwede kong tawagin ang sarili ko na “sexy”. Ay, ano ba mga pinag-iisip ko. Nakakadiri!
“balita ko pinatawag ka ng student council.” Biglang sabi ni Koharu pero hindi pa din niya inaalis ang atensyon niya sa librong binabasa niya. “ah, oo nga.” Yun nalang naisagot ko.
“kamusta naman?” teka. Nanaginip ba ako? Kinakausap niya ako ng matino ngayon? Huwaw. May benefit ata ang experience ko sa student council room. “ayos lang.” Dapat ko bang sabihin na may kalokohan akong ginawa? Hindi naman ata kailangan na kasi nakakahiya!
“so na-meet mo na ang president natin?” bat ang daldal naman ata ngayon ni Koharu?! Himala! “oo. Koharu, ikaw ba talaga iyan?” napansin kong sinimangutan niya ako. “tse. Dyan ka na nga. Bigla siyang pumasok ng banyo.” Eh? Anong nagawa ko? Napangiti nalang ako. Sinasaniban ba talaga si Koharu? O ewan.
Inayos ko nalang ang pagkakahiga ko. Bigla nanamang sumagi sa isipan ko na may parusa pa akong kailangang gawin bukas. Wah! Kawawa naman ako. Ano nalang kaya ang mangyayari sa akin?! Ano kaya mga ugali ng mga pagsisilbihan ko daw?
Wah!!!!
----The Next Day---
“kunin mo yung box na may mga towels.” Kalmadong utos sa akin ni pesteng Kei. Oo. Peste siya! Nawala ang galang ko sa kanya. Nawawala na ako sa sarili ko. Kairita. Anong ginagawa ko sa dance room na ito? Ano pa ba? Edi nagsisilbi. Nandun silang lahat at nag-eensayo.
Kinuha ko yung kahon na nakita ko sa gilid. Nakita kong punong-puno ng mga towels doon. Edi yun na nga yon at inilapag ko yun sa tabi niya. Nandun lang siya. Nakatayo at umiinom ng tubig. “iabot mo iyan sa kanila.” Utusero!!!!
Kumuha ako ng siyam doon sa box at inisa-isa kong iabot sa iba pang miyembro ng JUMP. May mga nag-tethank you at may mga okay. Bastusan na to! Ang sungit nung pinakabata. Hindi ba siya marunong gumalang sa mas matanda sa kanya. Bwiset. Hinablot lang niya sa akin yung towel at yun na yun!
Ryu ata pangalan nun kung hindi ako nagkakamali. May miyembro namang ubod ng wagas kung makangiti na minsan ay hindi ko alam kung ano ang kangiti-ngiti sa sitwasyon. “o, tapos mo na ba silang makilala?” tiningnan ko lang siya. Nabubwiset ako! Kung wala lang sana akong atraso sa lalaking ito edi sana nagkaklase ako. Aba. In-excuse pa talaga ako para lang mautusan. Wala ba silang mga PA? Haler. Ang dami kaya! Nandun lang sa tabi at nagchichismisan!
“huwag ka ngang bumusangot dyan. Napaghahalata ka.” Oo na! Hindi ko naman kasi maiwasan. “kunin mo na yung mga gamit na towel at ilagay mo nalang dun sa upuan sa gilid.” Napatingin ako bigla sa kanya. Ano?! Mga gamit na towel? Yuck! PAWIS!!!! UBER PAWIS!!! Nagsasayaw kaya sila kaya syempre tagaktak ang pawis ng mga iyan!!!
BINABASA MO ANG
Zed Academy: Home of Stars
Hayran Kurgu(COMPLETED) Are you an orphan? Homeless? Kung nasa ganoong sitwasyon ka nga, papayag ka ba na tumira sa isang boarding school na puro katulad mo ang tinatanggap? Pero malalaman mo nalang bigla na ang pinasukan mo ay hindi isang normal na school for...