Tumayo ako at kumuha ng libro sa bookshelf katabi ng closet. Ramdam ko pa rin ang titig niya. Umupo ako matapos kong makuha ang isang libro sa physics nang 'di sinasadya. Di ko naman kasi tinitignan dahil naiilang ako sa nakatitig sa akin.
Dahan-dahan akong umupo at binuksan ang libro. Kunwari ay nagbabasa ako pero pasimple kong tinitignan isa-isa ang mga kaibigan ko sa kanya-kanya nilang mesa. Pero wala akong nakitang kahina-hinala.
Tumikhim ako at ibinalik na ang libro. Kinuha ko ang kaisa-isang picture frame mula sa may taas ng bookshelf at tinignan more like tinitigan ito. Ito ay picture ng SC family nakaayos silang lahat, ang mga babae ay naka-gown samantalang naka tux ang mga lalaki. Para silang mga anghel. Ang gaganda at ang gwa-gwapo. Marahil ay kinuha ito nung JS Prom. Sayang 'di ko sila nakita ng personal sa ganitong kasuotan, hindi kasi ako dumalo dahil wala akong interes sa mga ganitong bagay.
Mula sa kanan pakaliwa ay makikita sina:
Miguel Cratera ang Sergeant at Arms parehas sila ng kanyang nobyang si Andrea De Leon. Nakaakbay ang lalaki sa babae at parehas silang nakangiti sa camera.
Sa kanan ni Andrea ay si Sara Therease McCraw ang Treasure. Siya ang pinakamagaling sa Journalism sa aming lahat.
Katabi ni Sara si Lovely Mae Santos ang Secretary. Siya ang pinaka-close ko sa grupo. Masayahin,mabait,matalino at maganda. Lahat sila ganyan ang katangian kaya nga labis silang hinahangaan ng mga schoolmate namin.
Sa pinakagitna ay si Kiro ang aming President. Napakamisteryoso niyang tao. Minsan lang siya magsalita at napakalamig pa. Ang weird niya at ang pinaka-weird sa lahat ay walang nakakaalam ng apelyido niya kahit ang mga teachers. Wala ring nakakaalam kung saan siya umuuwi o kung sino ang pamilya niya, tagong-tago ang kaniyang identity. Pero siya ang pinakagwapo sa lahat ng lalaking nakilala ko. And you know what's weird? Everytime na nadidikit ang balat niya sa akin ay para akong nakukuryente kaya lagi akong lumalayo sa kanya. At kapag malapit siya ay daig ko pa ang nasa parkour sa bilis ng tibok ng aking puso.
Sa kanan ni Kiro ay si Julia Michelle Bacrey. Ang Vice President siya rin ang pinakamataray sa akin,pero sa ibang kabarkada mabait siya. Ayaw niya na talaga sa akin sa simula pa lang.
Kasunod ni Julia si Venus Arvent ang Auditor katabi ang nobyo nitong si Augustus Ceasar Del Mundo ang P.I.O
Panghuli ay si Daniel Gernade ang aming P.R.O at nasabi ko ng isa siyang sirena.
Nararamdaman ko na ang pangangawit ng aking mga paa saka ko lang napagtantong nakatayo pa pala ako sa harap ng bookshelf.
"KISHANEAH BREE ARAGON!!!"
"Ay palaka!" nakakagulat naman 'to si Venus kahit kailan talaga parang nakalunok ng megaphone.
"Ano tutunganga ka na lang diyan? Kanina pa kita tinatawag!!nagugutom na kami!! Kaya bilang parusa..." huminto siya saglit saka ko lang napansing nakalabas na pala lahat at kaming dalawa na lang ang nasa loob ng SC Room.
"Ikukulong kita dito!!" sabay takbo palabas at ni-lock ang pinto
"Oy!Buksan mo naman!! Sasama nga ako eh!! Venus!!!" sigaw ko habang kinakalampag ang pinto. Inulit ko pa ito nang inulit hanggang sa napagod na ako kaya minabuti ko na lang na pumunta sa kusina at naghanap ng makakain.
Habang nagpe-prepare, ay may naramdaman akong presensiya sa likod ko. Siguro may bumalik mula sa cafeteria.
"Ano? Nakonsensiya na ba kayo sa pang iiwan niyo sa kin?"
Walang sumagot kaya hinarap ko na kung sino man ang nasa likod ko "Ba't di k--" Natameme ako bigla dahil ang lapit na ng mukha namin at kaunting galaw na lang ay maglalapat na ang aming labi.Nakatingala ako sa kanya habang siya naman ay bahagyang nakayuko dahil mas matangkad siya kesa sakin.
"K-Kiro"

BINABASA MO ANG
Reprisal Of Mine
Fiksi Remaja"This is too much!!I can't take this anymore!!I'll leave you for now.But,I'll be back. I promise that.And when I'm back.... Be ready for the reprisal of mine." *** Life is a game. Pero, sino nga ba ang kalaro nila? Sino ang manlalaro at sino ang ni...