Ang bilis lumipas ng araw. Friday na ngayon, sa monday ay papasok na si Cristin. Guess where. Dito!! Nasa school nga pala ako. 5:20 pa lang ng umaga. Oo ang aga kasi kailangan walang makakita sa gagawin ko. Andito na ako sa tapat ng AVR. Pinuslit ko sa ilalim ang dalawang CD na nakalagay sa lalagyan sa ilalim ng pinto. Tinulak ko it papasok at nang makapasok na ay tumayo na ako at tumakbo papuntang classroom.
Pagdating ko sa classroom ay nagulat ako. Asin total shock. Hindi lang ako ang tao dito. Dalawang tao ang nakaupo sa likod at natutulog.
Kiro
Luke
Oo silang dalawa. No choice kundi umupo sa gitna nila, ang proper seat ko at natulog na lang rin. Mamayang 7:00 pa ang klase. Inaantok pa ako.
"Ang kapal talaga ng mukha niya girl."
"Gosh! Oo nga! Nakuha pang tumabi sa dalawang Princes ng school."
Gising na ang diwa ko pero di pa ako nagmumulat ng mata. Alam ko rin na ako ang pinag-uusapan nila.
Nagulat na lang ako ng may biglang humablot ng buhok ko at pilit akong pinapatayo. And she/he successfully made it. Kinaladkad niya ako papunta sa harap ng classroom.
Saka ko lang napansin na wala pa ang SC. Oo na ako na ang duwag. Kasi sila lang naman ang nandiyan lagi para ipagtanggol ako. I became dependent to them in regards of my protection.
Isang malakas na sampal ang nagpabalik sa akin sa realidad. Ugh, namanhid ang bahagi ng mukha kong nasampal.
"Ang kapal talaga ng mukha mo!!! Siguro pumasok ka talaga ng maaga para landiin sila noh?! Gosh! Ang pangit mo na nga, ang landi mo pa!!" -girl#1.
The girl act as if she's going to faint any moment now. Ba't di mo yan sabihin sa sarili mo? What's the big deal?. But no words slipped out of my mouth. Still the coward Kisha huh?
"Yah! You slutty nerd!"-girl#2
"True! Kala mo kung sinong malinis. Nasa loob naman ang kulo!"-girl#3
One thing that shocked the hell out of me was when girl#1 pulled my glasses and suddenly threw it on the floor like a trash.
"Wait! Huwag yung salamin ko! Please." Naiiyak na talaga ako.
Then someone thrashed my head kasabay ng isang pagsigaw before I passed out.
"That's enough!
***
Nasa sala ng mansiyon ang kambal nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang batang babae.
"Hi Nathan!" Bati ni Neah kay Nathan na nagkakalikot ng isang cellphone. Nag-angat ito ng tingin at isang malaking ngiti ang ibinungad kay Neah. Ngunit agad itong nawala nang batiin ni Neah ang kaniyang kakambal na may kasamang yakap.
'Ang daya, bakit wala akong yakap?'
Sa isip niya. Nag-iwas siya ng tingin.
'Okay lang yan Nate, ikaw naman ang unang binati.'
"Hi Neah!" Masayang bati ni Dean. At niyakap din si Neah.
"Uhm Bree, may sasabihin ako sayo. Pero sa garden dapat."
"Haha. Sige na nga. Kung hindi ka lang gwapo."
"Talaga? Hindi cute?"
"Oo naman!" Narinig niyang usapan ng dalawa habang papalabas ng mansiyon papuntang garden.
***
I woke up with a heavy and aching head. Tatanungin ko na sana kung nasaan ako kung di ko lang nakita ang paligid. White. Medical paraphernalias. Medicines.
Clinic
Ang tanong na ngayon ay kung sino ang nagdala sa akin dito? As if on cue, the door opened wide and revealed a woman in her late 40's. Si Nurse Velene. Kung di mo siya kilala ay aakalain mong 30 pa lang siya.
"You're finally awake. Does your head still hurts?"
"A-ah medyo na lang po." I lied albeit there was a pounding in my head, I don't like to but I need to. Ayoko sa mga hospital nor clinic. I don't know why but I have this weird feeling towards the said places.
"Just rest there, dadating na yata yung naghatid sayo dito."
"Sino po ba siya?"
"He told me not to tell you. Sorry dear. He and his surprises..." She chuckled. After a while nagpaalam na siya, may seminar daw. "... and don't you dare step a foot outside, in short to escape. Ave." Pahabol niya pa. Sino ba kasi yun? Kailangan talaga magpahintay pa? He? So lalaki siya.
Malamang Kisha, he nga diba? At saka kaya ka bang buhatin ng isang babae papunta dito?
Shut up!
Oh-kay? Nababaliw na ako! Waaah! Eh kasi naman halos isang oras na, wala pa rin siya, kung sino man siya.
Suddenly I felt the urge to pee. So I stoop up and made my way towards the restroom just inside the clinic.
Haaaay. Nakaraos din. I was about to hold the doorknob when I heard a ruffling sound outside and murmurs.
"Wala siya dito."
"Baka naman bumalik na sa classroom."
Their voice are familiar. Lovely? Venus?
"Tch. She's not even a wheel. Pa-VIP."
"Truelaloo girl. Kung di lang kasi niya nalaman yung dare eh di sana walang pang-blackmail sa atin ang gwapong-este gagong yun."
"C'mon wala tayong mapapala dito."
"Yeah. Just a waste of time."
Nang marinig ko ang pagbukas at sara ng pintuan ay nagpasya na akong lumabas.
Sino kaya sila? Bakit kahawig nila ang boses nina Lovely at Venus? Ipinagkibit balikat ko ang naisip. Hindi. Hindi sila yun. Hindi ko nga alam kung ako ba talaga ang pinag-uusapan nila. Sigh.
Ugh. Tatlong oras na akong nag-hihintay sa wala. Bahala na nga siya kung sino man siya. O baka naman pinagti-tripan lang ako ni Nurse Velene. Dumiretso ako sa garden pagkalabas ko ng clinic.
"Uy! Bakit kayo nandito?" Tanong ko sa dalawang babaeng nakatalikod sa direksyon ko. Mukhang nagulat sila.
"Ano ka ba naman Kish?! Magkaka-heart attack ako sayo eh." OA na sabi nila. At sabay pa huh? Haha.
"Saan ka ba galing?"
"Sa clinic?"
"Clinic?!" Sabay na naman sila.
"Oo. Kanina pa kasi ako doon eh mamamatay ako sa boredom kaya lumabas na ako."
Ako lang ba o nakita ko silang namutla?
BINABASA MO ANG
Reprisal Of Mine
Teen Fiction"This is too much!!I can't take this anymore!!I'll leave you for now.But,I'll be back. I promise that.And when I'm back.... Be ready for the reprisal of mine." *** Life is a game. Pero, sino nga ba ang kalaro nila? Sino ang manlalaro at sino ang ni...